Chapter 16

10 4 3
                                    

Allace's POV

Nananakit na ang katawan ko,napaka-dungis ko na,ang gulo-gulo na ng buhok ko,nagugutok na rin ako.

Hindi ko na kaya,naoahiga na lang ako sa gitna ng kagubatan,hindi parin ako nakakauwi,feel ko mas lalo akong nalayo sa dspat na patutunguhan ko,malapit na yata ako sa moon eh.

Nakarinig ako ng malakas na kulog kaya napatakip ako sa tenga ko habang nakahiga dito sa gitna ng mga puno at puro dahon. Nag-simulang umulan at ang lakas ng kulog.

Kahit na malamig ay naramdaman ko ang mainit na likido na nagmumula sa mga mata ko. Gusto ko ng umuwi,ayoko na

Hindi ko mapigilan ang pag-nginig at kahit gusto kong tumayo at maghanap ng lugar na masisilungan ay hindi ko na magawa,masyado na akong nanghihina,walang laman ang tiyan ko kundi tubig lang na kahit saan-saan ko na nakukuha.

Sa gitna ng malamig na ulan ay 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.

***

Valmor's POV

"Al?!!"

"Al! Asan ka?!!"

"Are you here?!!"

"Say something!!"

Nandito kami sa loob ng abandonadong warehouse na 'to. Paano nagkaroon mg ganito sa liblib at walang kuryenteng lugar?

"All!!" Tinatawag namin siya pero 'di nagrerespond. Pumasok kami sa loob at hinanap siya doon pero wala siya. Madilim na sa labas,hindi kami pwedeng umuwi ng hindi kasama si Allace.

Kumulog ng malakas sa labas at napa-hiyaw ang ilan samin. Nag-aalala na ako,wala kaalam-alam kung nasaan siya pero kailangan kong sikapin na mahanap siya.

Pinikit ko ang mga mata ko at naiimagine ko ang mga galaw ni Allace dito sa loob. Nung iminulat ko ang mga mata ko ay may nakita akong martilyo sa gilid ng pinto at may kandado 'yon na sira. Lumapit ako doon at kinuha ang martilyo,I can see fingerprints on it.

Lumabas ako at kahit umuulan ay sinubukan kong isipin ang posibleng dinaanan niya. Ilang araw na siyang nawawala,naligaw siya ng daan. Kung nanggaling kami sa kaliwa at tiyak na kumanan siya,she took the long way.

"Oy Mor! Pumasok ka nga!" Suway ni Lynicc pero 'di ko siya pinakinggan. "Guys,I think alam ko na kung saan siya dumaan" sambit ko at nasa pinto na silang lahat. "Kanan tayo" sambit ko at nagsimulang maglakad at tanging maliit na flashlight lang ang hawak ko. "Maglalakad ka lang? Valmor may kotse dito" sambit nila sakin pero 'di ko sila pinakinggan.

Narinig ko ang tunog ng kotse at iniilawan nila ako mula sa likod. "Hop in Mor" sambit ni Zyllen at binuksan nila ang pinto ng kotse. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay na lang rin.

"Bilisan mo Zy" sambit ni Jeala habang nakatanaw sa paligid. Napaka-dilim na at ilaw na lang ng kotse ang tanging ilaw na nakikita namin. Kahit na mapuno at malubak ay nagawa parin naming makalagpas,expert driver namin eh.

Binuksan ko ang bintana at nilabas ang flashlight ko sakaling makita ko si Al,pero waterfall ang nakita ko. "Stop"sambit ko at agad na bumaba. Sinundana naman nila ako at nagtungo kami sa waterfall. Posibleng nadaan ni Allace 'to. "Iwan na natin ang kotse dito,masyado ng dikit-dikit ang mga puno,mahirap na" sambit ni Zyllen.

Binuksan namin ang mga flashlight namin at nagsimulang maglakad,basang-basa na kami at kahit na may raincoat sa loob ng sasakyan ay 'di na namin ginamit 'yon.

Nag-lakad pa kami ng ilang oras at may naaninag akong nakahiga na tao sa 'di kalayuan. Iniwan ko na sila at agad na tumakbo papalapit doon. "Oy Mor!" Sigaw nila pero 'di ko na sila nilingon,mas importante si Allace ngayon.

Lucky NINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon