Chapter 10

11 5 2
                                    

Jeala's POV

Nanginginig na binabasa ko ngayon ang note na binigay ni tito.

Bakit?

It was a note composing ALLOT of threats,at 'yong plano naming pabagsakin siya ay alam na niya din. Sino ang walang hiyang tumulong sa demonyong 'yon??!!

Hindi ko mapapatawad ang kung sino mang tumulong sa kanya,hindi lang buhay ko ang mawawala,pati na rin ang buhay ng mga kaibigan ko.

"Iris,can you stand?" Tanong ni Zyllen at tumango lang si Jeiris. Sinundan namin si Tito kanina at nadatnan namin siya kasama si Jeiris at agad nito siyang sinaksak. Nabaril pa ni Allace si tito at sa binti 'yon. Pagewang-gewang na tumatakbo si tito at hinabol pa siya ni Allace pero nakawala din agad. Agad namang bumalik kanina si Allace na inis na inis ang mukha, dumating na rin naman agad ang iba.

Sira na ang s.y. 2020-2021 namin,kakasimula pa lang. Alam kong maraming estudyante ang lilipat sa ibang school para lang hindi madamay sa gulo,or worst baka umalis na silang lahat.

Nandito kami ngayon sa HQ at ni-announce namin sa page ng school na online classes na lang muna sila,hindi muna sila babalik sa face to face hangga't 'di natatapos si tito sa pag-atake.

Hindi namin alam ang gagawin,'yong plano naming matagal na naming pinlano ay agad namang nalaman dahil may nagsumbong kay tito. Nawawalan na kami ng pag-asa,wala na kaming maisip na bago pa.

Nilock namin ang school at bumalik na sa mansyon. Agad akong napahiga sa sofa at 'di na tinanggal ang sapatos at jacket ko.

Unti-unti kong nararamdaman ang antok kaya tinulog ko na lang.

Zyllen's POV

Maghahanda ako ng dinner namin ngayon,matagal na rin akong hindi nakapag-luto at the same time ay pag-uusapan na rin namin ang bagong plano since nabuking 'yong isang plano namin.

Naiinis ako sa kung sino man ang nagsumbong,hindi lang ako kundi silang lahat din maliban kay Mor,tila alam talaga nito na si Gizelle ang may gawa pero masyado pang bata si Gizelle.

Nakita ko sa sofa si Jea at ang himbing tulog. Hindi nito tinanggal ang jacket at sapatos nito. Hayss kahit kelan ang tamad talaga maghubad ng sapatos at jacket nito. Lumapit ako sa kanya saka tinanggal ang jacket at sapatos niya sinabay ko na rin ang medyas niya saka pinahiha siya ng maayos.

Nang matapos ko siyang asikasuhin ay pumasok na ako sa kusina at hinanda ang lulutuin ko. Mahihilig kami sa maanghang kaya maanghang na dish ang gagawin ko.

"Hmmmm ang bangoooo" sambit ni Lynicc mula sa labas. "Sinong nagluluto?" Tanong ni Ginawn at pumasok sa kusina. "Oyy oyy oyy,miss ko na luto ni Zyllen! Buti naman at naisipan mong mag-luto? Nag-sasawa na ako sa pinapa-deliver eh" sambit ni Lynicc at nag-timpla ng kape niya.

Ang babata pa namin pero nagagawa na namin ang kayang gawin ng matatanda. Marunong na kaming mabuhay ng mag-isa at hindi na kailangan ng magulang dahil na rin sa maagang nawala ang mga magulang namin.

Natapos ko na ang niluto ko at dinamihan ko talaga kasi matatakaw sila,andaming kinakain pero ang sesexy parin.
"Si Jea tas Allace gisingin niyo,siguradong pagod ang mga 'yon" sambit ni Sanry habang hinahanda ang pagkakainan namin.

Lumabas ako ng kusina at pinuntahan si Jea. "Psst,antukin gising na" sambit ko dito pero 'di parin gumigising. Tulog mantika hayss. "Jea" nilakasan ko ng konte tas niyugyog ang balikat niya.

Ayaw mo ah

*pakk!

"Arayy!" Napasigaw naman ito dahil sa sampal ko. Tiningnan ko nito ng nakamamatay,as if madadala ako. "Kingina mo Zy!!!" Sigaw nito habang himas-himas ang pisnging namumula na. Napa-ngisi na lang ako sa kanya at umakyat ng second floor para gisingin din si Allace.

Lucky NINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon