Chapter 13

7 4 0
                                    

Allace's POV

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung natulog kami ng sabay-sabay sa entertainment room. Papunta ako ngayon sa private Island nila Gizelle dahil doon daw kami magm-meet,ewan ko nga bakit hindi na lang sa pamamahay nila.

Hindi na'ko nagpaalam at alas Tres ng umaga ako umalis sa mansyon. Nag-motor ako at sinundan ang gps papunta sa Private Island nila. Hindi na rin ako kumain kasi wala akong gana matakaw naman ako kapag gabi kaya hanggang ngayon nararamdaman ko 'yong busog ko kagabi.

Naka-dating na ako sa gate papasok sa private Island. Gate pa lang siya at pagpasok mo sa gate ay may yacht na nag-aabang papunta sa Island. Pumasok na ako at ni-park ang motor ko sa loob ng gate,mahirap na baka manakaw ang sweetheart ko.

Sumakay ako ng yacht at nakita ko si Gizelle sa loob nun. Ahad siyang tumayo at niyakap ako ng nakita niya ako. "Al,I miss you" sambit nito at kumalas na sa yakap. "Breakfast ka muna alam kong 'di ka pa kumakain" naka-ngiting sambit nito pero may nakita akong pag-aalala sa mga mata nito kaya nag-taka ako.

"Is there something wrong?" Tanong ko sa kanya,agad namang siyang tumingin sakin saka ngumiti pero hindi parin napapawi ang pag-aalala niya. May kutob ako'ng may alam na siya sa mangyayari.

Naka-dating kami sa Private Island nila ng 8 AM na dahil 6:30 nung umalis kami.

May mansyon sa gitna ng isla at doon kami pumasok. Pagka-pasok ko pa lang ay hindi ko maiwasang mamangha sa paligid. Ang ganda ng lugar,white and grey ang theme ng lugar at napaka-modern ng designs nito.

"Good morning girls" bati ni Mr. Cuanco na kakababa lang mula sa hagdan. Agad namang lumapit sa kanya si Gizelle at hinalikan nito sa pisnge ang ama. Nakaramdam ako ng inggit dahil matagal na rin nung naka-ranas ako ng ganun.

"So what do you wanna talk about?" Tanong ko dito sabay cross arms. "Lethave a seat first" sambit nito at tinahak namin anh daan papunta sa isang office. Pumasok kami sa office at namangha naman ako sa lawak nito,'sing laki ng classroom.

"Have a sit" sambit nito at pinagbuhatan pa ako ng upuan at nagpasalamat naman ako. "Uhmm sweetie,you may go" sambit ni Mr. Cuanco kay Gizelle saka tumango,sinulyapan na muna ako ni Gizelle na may pag-aalala ulit kaya mas lalo akong naguluhan at tuluyan na siyang lumabas.

"What is it?" I asked,he pulled his drawer and gave me a black folder. I opened the folder and to my shock...

.

.

.

My eyes are so wide and I started to shake.

.

.

It's the birth certificate of Joseph Keurt.

.

.

Anong role ng taong 'to sa buhay namin? Akala ko display lang siya pero hindi. "Mukhang na trigger si Mr. Montecillo nung malaman niyang wala na ang kanyang nag-iisang anak"

You heard him...Joseph Keurt or Joseph Montecillo is the son of tito Dreico. So may kapatid si Valmor?

"Magkapatid sila ni Valmor?" Tanong ko dito,still looking at the folder. "Nope" sambit nito at tuluyan na akong napatingin sa kanya. Tinaasan ko ito ng kilay. "She's adopted" sambit nito at nabitawan ko ang folder at malaya 'yong nahulog sa sahig.

"Impossible" bulong ko pero alam kong narinig niya 'yon. "Nagkukunwaring nanghihinayang si Mr. Montecillo na hindi sa kanya kumampi si Valmor. Alam kong galit na galit na siya dahil ang pamamanahan niya ng ari-arian ay wala na" sambit nito saka may hinalungkat sa computer na nasa harap nito.

"Listen to this" sambit niya pero pinigilan ko siya. "What if you're just messing with me? What if all of this info's you've got is fraud" sambit ko dito. "As I said,I'm willing to help you guys" sambit nito at ni-play ang sound.

** My son is weaker that I thought,I should protect him from those brats,I don't know what will I do if they touch a single hair of my son**

Boses ni tito 'yon

"How did you got this?" Nag-dududang tanong ko dito with matching paniningkit ng mata. "I install microphones everywhere he would go" sambit nito.

"How did you know where he would go?"

"I installed a tracker to every clothing we wears"

"How did you installed a tracker?"

"I rented a secret agent to disguise as a maid and entered his mansion"

"Who is this secret agent?"

"Agent Alexa of HK Agency"

"How-"

"You ask to much you really don't trust me don't you?" Tanong nito sakin at ako itong si Alien na agad naman tumango. Tumawa naman siya dahil sa tango ko. "Believe me Ms. Narsolis,mas malinis pako kaysa sa gamit mong panlaba" sambit nito at napa-poker face ako sa kanya. Really huh?

"Seriously though, I'm an ally" sambit nito at tumango na lang ako.

Nagtagal pa ako ng ilang oras at lumabas na mula sa office niya. Pumunta ako ng living room at nakita ko si Gizelle na nagbabasa ng libro. Tumikhim ako sa kanya at napatingin siya sakin. Agad naman siyang tumayo at niyakap ako. "Ingat sa pag-uwi,balik ka dito ulit ah" sambit nito sabay kalas sa yakap.

"Oo mag-iingat ako saka bakit naman ako hindi babalik dito" sambit ko sabay ngiti. "Ingat ka Al" sambit nito,ginulo ko amg buhok niya saka ngumiti. "Opo" sambit ko at naglakad na papunta sa pinto. "Ihahatid na kita hanggang gate" sambit niya pero umiling lang ako. "Kaya ko na,wala namang mangyayari sakin eh" sambit ko sabay ngiti na  agad din namang nawala dahil nakita ko na naman ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Seriously though,be careful" sambit nito sabay ngiti ng alanganin. Nginitian ko na lang siya. "Bye Zelle" sambit ko sabay kaway at ganun din ang ginawa niya.

***

Sumakay na ako ng motor at pinaharurot 'yon paalis sa lugar na 'yon. Mapuno ang dinadaanan ko ngunit semento naman,halatang bihira lang mapadaan ang mga tao dito kasi mukhang bago pa ang semento at parang 'di nadadaanan.

Lumiko ako papuntang highway ng biglang may nakatusok na bagay sa manobela ko.

*BOOM!

Sumabog ang motor ko at tumilapon ako palayo. Nag-crack ang salamin ng helmet ko na agad ko namang tinanggal. Hinawakan ko ang mukha ko at may naramdaman akong mahapdi sa kanang pisnge ko.
Shet

May pares ng sapatos ngayon sa harap ko at nung tumingala ako ay agad ako nitong pinukpok ng bat at nawalan na ako ng malay.

***

Third Person's POV

Dala-dala nila ang katawan ni Allace saka sinakay sa itim na van at pinaharurot 'yon paalis. Nawalan ng malay ang dalaga dahil sa malas na hampas sa kanya ng bat. Walang kamalay-malay ang dalaga kung saan siya dadalhin at paniguradong mahihirapan itong umuwi.

Dinala nila siya sa isang liblib na lugar at hinayaan na lamang doon sa loob ng isang warehouse. Agad namang umalis ang itim na van at naiwang mag-isa ang dalaga.

*******************************

WaWa Si AlLaCe

~Ashan

Lucky NINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon