Zyllen's POV
Kasalukuyan kaming nandito sa van ni Valmor. Mas mabuti na daw na ito ang gamitin namin kahit may dala kaming mga kotse. Nag-aalala tuloy ako kay Len-len(pangalan ng kotse ko)
Baka mapano pa 'yon eh mas mahal pa naman 'yon kaysa sa buhay ng mga unggoy na kasama ko ngayon dito sa loob.Katabi ko si Jeiris at kahit na nasa sasakyan ay nasa monitor parin ang mga mata nito. Wala talagang pahinga mga mata nito kaya nagka-glasses eh.
Pupunta raw kami ngayon sa Acer(pangalan nung mansyon namin na magkakaibigan)
Nasa Baguio pa kasi 'yon at galing kami ng Manila. Naka-pikit lang ako ng makarinig ako ng mura kaya napa-mulat ako ng mata.
"Oh Jeala,mura pa more"si Allace. "Itigil niyo 'to,uuwi akong Mindanao" nag-mamadaling sambit nito at nag-susuot ng jacket."Bakit?" Tanong ko,maintaning my usual cold voice. "Si lola,inatake raw" sambit niya at akmang bababa na sana nang pigilan ko siya. "'Wag kang aalis" sambit ko at medyo hinigpitan ang hawak sa kanya upang malaman niyang seryoso ako. "Pero-" di ko na siya pinatapos. "Sasama ako,baka kung ano pang mangyari" sambit ko pero tinitigan niya lang ako.
"Anong ikaw lang? Concer din kami kay Jeala at sa lola niya kaya sasama na din kami" sambit ni Lynicc at napa-tango naman ang iba. Napa-ngiti naman si Jeala at umupo na ulit.
"So hindi muna natin bibisitahin si Acer?" Tanong ni Ginawn. "Sa susunod na...Mor,sa airport tayo" sambit ni Jeiris.
"Eh,mukhang delikado yata sa airport eh,baka sugurin tayo run" sambit ni Sanry. Napaisip naman sila. "'Di naman siguro nila malalaman" sambit ni Lynicc. "May abandonadong airport malapit dito sa dinadaanan natin,tinawagan ko na din ang private jet natin na dun mag-land" sambit ni Jeiris. "Bana delikado dun" sambit ni Ginawn.
Ngumisi naman si Jeiris. "'Di 'yan,ngayon ka pa nagduda sakin" sambit niya sabay baling ulit sa monitor. Ibinuka ni Gi ang bibig niya pero sinara din naman,nagets na niya siguro 'yong sinabi ni Iris.
Napunta kami sa abandonadong airport,may kalakihan ito at natanaw na namin ang private jet sa di kalayuan. "Sayang naman 'to,malaki pa naman" sambit ni Sanry. "Bilhin kaya natin" suggest ni Allace habang patalikod na naglalakad. "Tas irerenovate natin para may airport na din tayo" dugtong niya pa. Nag-tinginan naman sila na tila nag-uusap sa tingin.
Nasa huli ako kasama si Jeiris at ang iingay ng mga nasa harapan lalo na sina Lynicc at Ginawn na dada ng dada. Lalabas na sana kami ng waiting area ng makarinig ako ng tunong ng bakal sa likuran. Nag-echo 'yon sa buong lugar,agad ko namang nilabas ang baril ko saka naglakad patungo sa pinanggalingan ng tunog.
Dinala ako ng mga paa ko sa cr,marumi na 'yong loob pero kailangan kong malaman kung ano 'yong pinagmulan ng tunog dahil baka kalaban namin at ma-tambangan kami rito.
May naririnig akong kaluskos sa pinaka-huling cubicle,nang nada harap na ako ay agad kong sinipa ang pinto at tinutukan ng baril sa loob. Medyo nagulat ako ng may tumalong pusa palabas ng cubicle. Sinundan ko 'yong pusa at tila natatakot ito na isinisiksik ang sarili sa likod ng pinto.
Nilapitan ko 'yong pusa sabay hawi sa balahibo nito,tila narelax naman ito at tuluyan nang nahiga. Napa-ngiti naman ako dahil sa ka-cutan ng pusang 'to.
*CLICK
Napawi ang ngiti ko ng makarinig ako ng tunog ng camera. Nakita ko si Iris na may hawak na camera at naka-tutok sakin. "For 3 years,sa wakas nakita na ulit kitang ngumiti" sambit nito sabay sulyap sa pusa. "Iuwi kaya natin 'yang pusa mo para malibang ka naman" sambit niya sabay himas rin sa pusa.
Since nung mga bata pa kami si Iris na talaga ang close ko. Kahit na namatayan rin siya ng magulang ay dinamayan niya parin ako,at nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong katulad niya.
BINABASA MO ANG
Lucky NINE
De TodoIt's the story of nine girls who were forced to use deadly weapons for their safety against their evil tito Dreico Dreico owns allot of companies and the second most powerful in the mafia world The gilrs had no choice so what will they do? Will they...