Psarhian's POV
Nag-text sakin si Zyllen na magme-meet kaming magkakaibigan ngayon sabay enroll na rin sa school. Nag-dala lang ako ng pistol sakaling may mangyari. Hanggang ngayon kasi ay nanganganib parin kami.
Lumabas na ako ng mansyon na iniwan sakin ng mga magulang ko. Napa-buntong hininga na lang ako ng muling maalala ang nangyari nung gabing 'yon.
Agad naman akong sumakay sa kotse at pinamaneho na ang driver. Anong akal niyo ako magd-drive? I'm just 13 years old duuh*roll eyes
Hinalungkat ko ang laptop ko habang nasa biyahe kami,puno ito ng evidence against kay tito Dreico.
Kasali siya sa mafia world,sumali siya dito para makuha ang kapangyarihang gusto niya. Ang King's group of Companies ang kompanyang hawak-hawak ng mga magulang namin. Malaki ito at kilala sa buong mundo,sikat ang mga parents namin dahil mga successful sila pagdating sa business world. Bilyon-bilyong piso ang kinikita ng kompanya.
Nung una nag-tataka kami kung bakit hindi naging successful si tito Dreico. 'Yon pala ay nalulong ito sa masamang bisyo at nag-tanim ng galit sa mga magukang namin kaya nagawa niya silang patayin.
I know how to forgive,but he doesn't deserve it.
Naka-rating ako sa school ng safe. Nilanghap ko ang hangin,nangangamoy bagong pagsubok.
Pumasok ako at dumiretso sa secret place namin. Ako pa lang ang nandito.
Huminto ako sa isang secret passage way saka pinindot ang naka-tagong button sa gilid. Ang hi-tech na talaga ngayon at nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang genius,si Jeiris ang gumawa ng lahat ng 'to. Masasabi mo talagang high quality.
"Ms. Jacket" sambit ko sa harap ng pinto at kusa itong bumukas. Napa-ngiti naman ako dahil hanggang ngayon hindi ko parin maiwasang humanga kay Jeiris.
Pumasok ako sa sarili kong kwarto at nahiga. Pipikit na sana ako ng marinig kong bumukas ang pinto. Agad naman akong tumayo at lumabas.
Nakita ko si Zyllen na ang cold ng expression. Nag-bago na siya simula nung pinatay ni tito si tita Clyte. Madalang na lang siyang mag-salita at mahahalata mong galit na galit kapag sumasabak kami sa barilan.
"Zy" tawag ko sa kanya. Tiningnan niya ako sabay taas ng isang kilay. Kahit na nakapa-cold na nito ay mataray parin talaga.
Inakbayan ko siya at narinig kong naka-tsk siya. "Hay naku,bawa-bawasan mo ang pagiging cold,magpa-init ka naman. Ipasok kita sa microwave eh" pagbibiro ko at naka-tanggap naman ako ng siko sa tiyan kaya napatawa ako kahit na masakit.
"Umayos ka"cold na sambit nito sakin pero mas tumawa lang ako. Hindi parin ako tumitigil sa kakatawa kahit naman walang nakakatawa nang makarinig ako ng kasa ng baril.
Sinulyapan ko si Zyllen at tinututukan niya ako ng baril. "Zyllen,Anong ginagawa mo" suway nung bagong pasok lang na si Jeiris. Agad namang binaba ni Zyllen ang baril at napa-ngisi na lang ako.
"Wazzuupp!!!" Malakas na tinig agad ang narinig namin. Pumasok si Lynicc at Ginawn na sumisigaw at natapilok si Ginawn kaya nasagi niya si Lynicc at tumumba silang dalawa sa sahig.
"Aray shete"-Lynicc. "Gi naman,Ba't moko dinali?" Naiinis na sambit ni Lynicc kaya napatawa ako ng malakas. Ang eepic ba naman ng mukha HAHAHA.
Sumunod na pumasok sina Jeala at Allace na may bitbit na tig-dadalawang case.
"Oyy,lunch box ba 'yan?" Nasasabik na sambit ni Lynicc kaya tiningnan siya si Jeala na naka-awang ang bibig. HAHA
"Lunch box ka diyan,PG ka talaga" sambit ni Ginawn kaya tumawa na naman ako. "Aba't,parang 'di ka din PG ah!" Sigaw na ni Lynicc.
"'Di ako PG 'no!" Sigaw ni Ginawn at nag-simula na ang bangayan nila. Haysss
Sunod naman na pumasok ay si Sanry na hinihingal at may may hawak na baril. "Anyare sa'yo?" Takang tanong ni Allace. "N-Nasundan ako" hinihingal na sambit nito. "Nandito nga siya" sambit ni Jeiris sabay upo sa sofa at binuksan ang kanyang laptop.
Pumalibot naman kami sa kanya. "Teka,asan si Valmor?" Tanong ni Lynicc. "Alam na niya ang gagawin niya kaya 'wag kayong mag-alala"sambit ko.
Nakita namin sa cctv ang limang itim na van sa labas ng campus. Paniguradong inaabangan kami pero alam naming kaya na ni Valmor na iligaw ang mga dagang 'yan.
"Hanga parin ako hangang ngayon kay Valmor" sambit ni Jeiris,naka-tingin lang kami sa screen ng laptop dahil nakikipag-barilan sa labas si Valmor. Kahit na alam naming kaya na niya ay hindi ko parin maiwasang mag-alala.
"Labas lang ako" sambit ko pero may kamay na pumigil sakin. Si Zyllen. "'Wag jang lalabas kung ayaw mong ako ang babaril sa'yo" panakot nito sakin kaya naman napa-lunok ako. Ang seryoso naman masyado ni Ms. Beauty
"Zyllen,makatitig ka naman parang kakainin mo na si Rhian ah" natatawang sambit ni Jeala kaya nakatanggap siya ng irap mula kay Zyllen at mas natawa pa si Jeala.
"Hayss,Pano tayo lalabas nito kung may mga onggoy sa labas?" Naiinis na sambit ni Allace with matching frown pa,ang kyutt.
Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto at iniluwal nito si Valmor na pawis na pawis. Agad namang tinapunan ni Lynicc ng towel si Valmor.
Ang bilis naman niyang dumating,siguro 'pag umalis ako kanina wala na akong aabutan. Naupo kaming lahat sa living room,ang iba nagc-cellphone ang iba nagr-rubiks cube,ang iba naman ay nakapikit na. Akala ko magpapa-enroll eh bakit iba-iba ang ginagawa?
"Guys,sagutan niyo na lang diyan 'yong mga kailangang sagutan then ipapasa ko na lang para enrolled na tayo" sambit ni Valmor sabay bigay isa-isa samin ng folder.
Habang sinasagutan ko 'yong form ay napahigpit ang hawak ko sa ballpen nang makita ko 'yong
Fathers nameNaalala ko na naman si dad. Umiiral na naman ang sakit at galit sa puso ko ngayon.
Don't worry dad,Ipaghihiganti kita
Tapos na kaming lahat kaya binigay na namin kay Valmor,kahit na siya ang anak ng pumatay sa mga magulang namin ay hindi namin kayang mag-tanim ng galit sa kanya dahil simula pagka-bata ay magkakaibigan na kami at hindi mapaghiwalay.
Nasasabik na ako,panibagong yugto na naman ito ng buhay namin,at masaya ako dahil magkakasama at kompleto pa kami.
*******************************
EXPECT WRONG GRAMMARS AND TYPOS
Lovelots
-Ashan🥀

BINABASA MO ANG
Lucky NINE
RastgeleIt's the story of nine girls who were forced to use deadly weapons for their safety against their evil tito Dreico Dreico owns allot of companies and the second most powerful in the mafia world The gilrs had no choice so what will they do? Will they...