Chapter 17

7 2 0
                                    

Allace's POV

Kasalukuyan akong nandirito sa pamamahay namin. 'Yong bahay talaga namin. Umakyat ako sa gate,dahil naka-lock ito at wala sakin ang susi. Pagka-baba ko ay agad akong nagtungo sa back door at doon dumaan. Kinuha ko ang pocket knife ko at dahan-dahang binuksan ang  intana gamit 'yon.

#Certified_AkyatBahay

Pumasok ako at umecho sa paligid ang tunog ng sapatos ko. Sinara ko muna ang bintana saka nagtungo sa itaas. Pumunta ako sa kwarto ko at agad na humiga sa kama. I miss this place.

Agad din naman akong bumangon saka pumasok sa walk-in closet ko,nakita ko 'yong favorite jacket ko nung bata pako,masyadong maluwang 'yon sakin dati kaya susubukan ko kung kasya na,at nang sinuot ko ay maluwang parin. HAHA

Bigla kong naalala ang pakay ko,may kailangan akong malaman at medyo kinakabahan ako sa malalaman ko,lumabas ako saka nagtungo sa kwarto nila papa.

Pinihit ko ang door knob ng pinto sa kwarto nila papa pero naka-lock 'yon. Sinipa ko na lang ang pinto at nabuksan 'yon. Pamamahay ko naman 'to kaya kaya kong palitan ang lock nun.

Pumasok ako saka lumuhod sa paanan ng kama,kinuha ko ang flashlight ko at inilawan ang ibaba nun. May nakita akong parang trapdoor or something, parang sa minecraft. Tumayo ako saka pinailaw ang lahat ng ilaw. Tinanggal ko ang jacket ko at sinimulang buhatin ang kama.

Nang wala ng sagabal ay nakikita ko na ng maayos ang papasukan ko. Matagal ko ng alam ang bagay na 'to kaso natatakot ako sa pwedeng makita ko,pero ngayon handa na ako.

Walang lock ang trapdoor kaya malaya kong nabuksan 'yon. Madilim sa loob kaya kinuha ko ulit ang flashlight ko saka bumaba. Kagat-kagat ko ang flashlight ko habang bumababa at hindi ko maiwasang kabahan sa maaring bumungad sakin.

Tuluyan na akong naka-baba at may nakita akong button sa gilid kaya naman pinindot ko 'yon at umilaw ang buong paligid.

Bumungad sakin ang napaka-raming papel na naka-dikit sa board at pictures ang iba naman ay nasa lamesa. Tumingin ako sa kanan at puro baril ang nakita ko. Goshh I didn't knew about this

Nang lumingon ako sa kaliwa ay may nakita akong parang treasure chest. Nilapitan ko 'yon at sa kasamaang palad naka-kandado. Kumuha ako ng isang baril doon saka pinaputukan 'yong chest pero walang nangyare.

Ang b*bo wala palang bala

Kinamot ko ang sentido ko saka nilagyan ng bala 'yong baril. Hay naku Alien!

Pinaputukan ko 'yon at sa wakas may nangyari na din. Tinapon ko na lang sa gilid ang baril saka agad na lumapit sa chest saka binuksan 'yon.

Tumibok ng malakas ang puso ko ng makita ko ang picture ni Valmor. Kinuha ko 'yon saka binaliktad may naka-sulat na

'Our second princess'

Nabitawan ko ang picture at 'di ko namalayang may luha na tumulo mula sa mata ko,tiningnan ko ang binagsakan nung luha ko at isa 'yong birth certificate.

'Allison Narsolis'

Nangingig ang mga kamay ko sa nalaman ko.

Valmor.......is my sister?

How???

Ito ba 'yong sinasabi ni Mr. Cuanco na adopted lang si Mor? Paano? I'm so confused!

Lumapit ako sa chest at may nakita ako na punit na newspaper,may article tungkol sa pagkawala ni Valmor sa hospital at pinagdududahan na agad si tito Dreico!

Whuutt??!!!

May note akong nakita kaya agad kong binasa 'yon.

Magkapatid nga kami ni Valmor,sabay kaming lumabas kay mama,nung una akala nila magiging kambal kami pero hindi,is this even possible? I think it's possible,kasi may grade 7 sa school namin na sabay silang lumabas sa tiyan ng mama nila pero hindi sila kambal.

Lucky NINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon