Chapter 12

9 4 0
                                    

Lynicc's POV

Lumabas ako ng mansyon at naglalakad papuntang play ground. Madalas akong mag-isa kapag pumupunta ako ng playground,minsan kasama ko si Gi. Lagi kong pinapanuod ang mga bata habang naglalaro sila. Gusto ko mang maging ganun rin ay hindi na pwede.

Hindi ko naranasang maging masaya ng lubusan at makapaglaro simula nung nawalan ako ng magulang.

Umupo ako sa swing at ginamit ang paa ko para itulak ang sarili ko. Naka-ngiti akong pinagmamasdan ang mga bata habang naglalaro. Minsan gusto ko ng bumalik sa pagiging bata,tas maglalaro kaming siyam.

*BEEEEPPP!!!

"Ay LINTE!!!"

Bigla akong napasigaw at napatingin sakin ang mga bata,tumigil sila sa paglalaro at ang iba naman ay nakatakip ng tenga. Tumayo ako saka nilingon ang nagbusina at binigyan ng nakamamatay na tingin.

"Easy lang Frii kami lang 'to" sambit ni Jea habang naka-sakay sa motor niya habang angkas si Allace. "Alam niyong magugulatin ako! Napamura tuloy ako!" Galit na saad ko sa kaniya pero tumawa lang siya. Agad naman dumating si Jeiris at Valmor na hinihingal na tumatakbo at napa-higa sa semento. Dumating rin sina Gi at Zyllen na naka-bike.

"Oh ba't hingal na hingal kayo?" Tanong ko kina Iris at Mor. "'Di kami....pina.....pinasa...woohhh!!...'di kami....pinasakay ni....Jea!" Hininhingal na sambit ni Valmor at ang sarap ng higa niya sa semento HAHAHA

"Pwede naman kasing maglakad eh" sambit ni Allace habang natatawa. Bumalik na siya sa dati,kinilabutan nga ako nung mga nakaraang araw dahil sa pakikitungo niya samin.

"Pupunta ako kila Gizelle next week may pag-uusapan lang kami" sambit ni Allace at bumaba na ng motor. "Ang aga mo naman magpaaalam" sambit ni Gi sa kanya. "Para kapag nawala ako next week alam niyo na kung saan ako pupunta kahit hindi ako magpapaalam" sambit nito at sumakay sa kabilang swing.

"Laro tayo miss ko na bonding natin eh" sambit ni Valmor at agad na tumayo sa swing(tayo talaga hindi upo) para siyang gorilla habang nags-swing. HAHA

Sinakop na namin ang buong park at 'yong mga bata ay nakatayo lang na nakatingin samin na parang maiiyak na kasi inagawan namin. (Istug*go)

Tawang-tawa kami habang naglalaro sa play ground ng dumating sina Psarhian at Sanry na naka-motor. Bumaba sila at agad na ngumiti ng makita kami.

"Asan kayo galing? Umalis kayo ng walang paalam samin" sambit ni Zyllen na ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti,namiss na niya din siguro ang bonding namin.

"Sa school,may hinanap lang" sambit ni Sanry. "May hinanap o may winala?" Tanong ni Allace habang naniningkit ang mata. Ang kyut talaga nito

"Ah b-basta"sambit na lang ni Sanry at agad na umupo sa sand box at gumawa ng sand castle. HAHA(bata gamay)

"Rhian saan kayo pumunta?" Tanong ni Gi sa kanya na ngayon ay nasa slide na rin. "Sa school tas sa...underground" sambit nito at tinulak si Valmor sa swing kaya nahulog ito at siya naman ang sumakay sa swing.

"Psarhian Lee!!!!" Sigaw ni Valmor pero tumawa lang si Psarhian hayss mga dalaga na sila pero parang mga bata parin.

"Anong ginawa niyo sa underground?" Tanong ni Jeiris na umiinom ng tubig,San niya nakuha 'yon? "Remember the 8-A adviser?" Tanong ni Psarhian na naka-tingin sa mga bata. "Mr. Keurt?" Tanong ni Jeala at tumango naman si Rhian. "He's  mole" sambit ni Rhian saka ngumisi.

"I knew it!" Sigaw ni Jea at napatingin sa kanya ang lahat agad naman siyang nag-peace saka umupo sa motor niya. "So asan na siya?" Tanong ni Jeiris. "Wala na" sambit ni Sanry mula sa sandbox

"Sinong pum-"

"AKO!!" Proud na sambit ni Sanry. Alam na dis...'pag siya napadpad sa underground wala siyang pinapalagpas. Hindi siya tumitigil hangga't walang dugo ang lumalabas sa katawan ng tao at hanggang sa mawalan na ng tuluyan ang hininga nito. Minsan iniisip ko kung naaawa din ba siya sa mga napapatay niya pero sa tingin ko ay hindi dahil galit ang namumuo sa tuwing nakakahawak siya ng baril.

"Tama ng laro,kawawa 'yong mga bata kanina pa tayo pinapaalis" sambit ko. "Anong tayo? Ikaw lang!" Sambit ni Valmor habang nagpupunas. "At bakit ako lang?" Tanong ko habang nakapa-maywang at naka-taas ang isang kilay. "Pangit ka daw kasi"sambit ni Mor at tumawa ng malakas.

"Aba gusto mo atang matamaan ulit ng tsinelas sa mukha ah" sambit ko saka hinunad ang isang sapatos ko. "Sapatos naman 'yan eh" sambit ni Mor at tumawa ulit. Namumula na ako galit na para bang gusto ng pumatay. "Aaissh! Mababaril kita eh!" Sigaw ko sa kanya at tumahimik bigla ang play ground.

"Uhm kids nagloloko lang siya,'yong baril na sinabi niya p-pellet gun 'yon" sambit ni Sanry at tiningnan ako ng masama. Nag-peace sign naman ako sa kanila.

"Oh sya sya,alis na tayo" sambit ni Jeiris at sumakay sa motor ni Jeala. "Oytt,'di pa nga ako nakasakay eh" sambit ni Jeala at binalanse ang motor kasi malapit na 'yong natumba dahil sa pagsakay ni Jeiris.

***

Naka-uwi na kami at magdidilim na,naglibot-libot muna kami sa buong paligid ng subdivision bago umuwi dito sa mansyon.

"Meowww" sambit ni Devil na ngayon ay parang hari na naka-upo sa sofa. Aba aba!

"Devil baba" saway sa kanya ni Zyllen. "Meow" sambit ulit ni Devil. "Baba ka nga diyan" sambit ni Zyllen saka nilapitan si Devil upang kunin ngunit nilabas nito ang kuko niya at dumikit 'yon sa sofa kaya naman mahirap siyang tanggaling dun. "Ano ba Devil" suway ulit ni Zyllen pero ayaw parin ni Devil. Ang cute nilang mag-amo napamahal na siya kay Devil at nagpapasalamat ako dahil isa si Devil sa nagpapa-ngiti kay Zyllen.

"Meoowww"sambit ni Jeala at tunog pusa talaga 'yong ginamit niya. "Meooww" sambit din ni Devil at bumaba na ng sofa at lumapit kay Jeala at nagpa-karga. "Tss,ikaw may ari nito pero 'di mo alam paamuhin" naiiling na sambit ni Jeala at umalis na kasama si Devil.

"'Wag mong ilalayo 'yang pusa ko baka makawala!" Sigaw ni Zyllen kay Jeala kasi malayo na si Jea. Pumasok ako sa kitchen at kumuha ng maiinom.

***

Nasa entertainment room kaming lahat dahil gusto naming matulog dun ng sabay-sabay dahil manunuod kami ng movie. Sa wakas makakapag-unwind na din. Alam naming hindi ito ang tamang oras para magpahinga dahil kailangan naming maging alerto pero tao lang din naman kami at napapagod din,minsan nga naisip na naming sumuko na lang pero hindi 'yon pwede.

Pumasok ako sa kusina at kumuha ng alak charott juice lang bawal kami sa alak at NEVER kaming iinom nun.

"Guys! Alak kayo diyan" sambit ko at may lumipad na unan at nasapol ako sa mukha. "Anong alak ka diyan" sambit ni Rhian habang pumipili ng magandang papanuorin.

Nilapag ko ang juice sa table saka binuksan at nilagyan ang siyam na baso ng laman nito. Kulang yata eh ang dami ba naman namin. "'Wag mong lalagyan 'yong baso ko" sambit ni Jeiris saka kinuha mula sakin ang carton ng juice at doon mismo uminom.

Hayss ba't ang hihilig ng mga kaibigan kong uminom galing mismo sa carton ng inumin? Hayss nakakasawa ng manuway.

Umupo ako sa pwesto ko at napa-ngiti ako ng 'Megan is Missing' ang papanuorin namin.

Nung nasa part na kami na parang may party ay napa-ngiwi ako. "Ewwww" sabay na sambit nina Jea,Gi,Al at Sanry si Valmor naman tuwang-tuwa sa nakikita. "Palitan niyo!" Sigaw ni Jea habang nakatakip sa mata. Tumawa naman si Valmor,siya kasi ang may hawak ng remote kaya ni-fast forward niya.

Natapos namin ang movie exactly 1AM,nag-ready na kami sa pagtulog. Pipikit na sana ako ng makarinig ako ng sigaw. "Hoppss!! Natutulog kayo ng hindi nagdadasal? Aba mga demonyo pala kayo" sambit ni Allace at umupo. "Eh ikaw Alien" sambit ko at tiningnan niya ako ng masama.

Umupo kaming lahat saka sabay-sabay na pumikit.

'I pray for that all of this consequencesthat we experience come to an end'

*******************************

Sorry kung lame, plz vote guys and stay with me...malapit-lapit na ang paghaharap nila pero bago 'yon may mangyayari muna

Ashan














Lucky NINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon