Third Person's POV
Pumunta ang magkakaibigan sa Private Island nila Gizelle,dahil ngayon alam na nila ang kanilang gagawin upang matugis at mawalan na ng tuluyan ng kapangyarihan si Dreico.
"Good morning girls" masiglang bati ni Mr. Cuanco. "Good morning Mr. Cuanco" bati rin ng siyam. "Ates!!" Masiglang sigaw ni Gizelle saka sinunggaban ng yakap ang siyam.
"It's time,ayoko ng mabuhay ng nagtatago pa,I want freedom" sambit ni Sanry saka umupo sa sofa sa living room. "Okay,like what we planned" sambit ni Mr. Cuanco.
Makalipas ang dalawang oras ay nasindak sila ng may marinig silang malakas na pagsabog sa labas.
Nagkatinginan silang lahat. Hindi nila inaasahan 'to ngayon. "Sh*t" mura ni Zyrelle saka tumayo at hahakbang na sana ng sumabog ang second floor. "Evacuate now!" Sigaw ni Jeiris saka nagmamadali silang pumunta sila sa deck ng Isla upang sumakay sa yacht na naka-abang doon.
Habang paakyat ay nadulas si Gizelle na agad naman nasalo ni Lynicc. "Ingat"sambit nito sa bata at tumango naman ang bata. Nang makasakay na sila ay mas nagulat pa sila ng sumabog ang buong isla.
"Gan'to na ba kalaki ang galit ni tito?" Tanong ni Ginawn habang hinihingal na naka-upo. "Hindi tayo pwedeng bumalik,tiyak na pasasabugin rin 'yon ni tito"sambit ni Allace. "May alam akong lugar"sambit ni Valmor at napatingin silang lahat sa kanya.
"Hindi naman sa naglilihim ako sa inyo pero may private Cave sa gitna ng Pacific Ocean at pag-mamay ari ko 'yon,hindi alam ni dad ang tungkol doon kaya siguradong ligtas tayo" sambit nito saka lumapit kay Mr. Cuanco para sabihin ang patutunguhan nila dahil ito ang nagmamaneho.
Makalipas ang pitong oras ay nakarating na rin sila at medyo madilim na.
Tumakbo si Valmor at tumalon mula sa yacht. "Yah! Valmor!" Sunway ni Psarhian,kasi agad lang itong tumalon at nagulat pa sila sa ginawa niya. Lumangoy ito papunta sa isang dock doon.
"Ingat sa pag-angat" paalala ni Sanry kay Valmor,napa-ngiti naman ng lihim si Valmor.
'Sana ol concern'
Sambit nito sa isip,matagumpay na naka-akyat siya at may hinila sa kanang parte ng kweba at biglang bumukas ang kweba. "Woaahh" hindi mapigilang mamangha ng magkakaibigan pati na rin ang bata at si Mr. Cuanco.
"Mukhang mas expert ka pa kay Jeiris at Allace ah" kantyaw ni Lynicc habang natatawa,sinamaan naman siya ng tingin ng dalawang binanggit niya.
Pumasok ang yacht sa entrance at agad naman itong nagsara.
"Woaahh! Ba't mo nilihim 'to?" Nagtatampong sambit ni Jeala kay Valmor at napa-kamot na lang siya sa batok. "Ayaw ko kasing nakakasama kayo eh" biro nito saka tumawa.
Habang ang pito naman ay binigyan siya ng 'Are-you-serious-look'
Tas ang isang cold naman ay poker face lang."De joke lang,sasabihin ko naman talaga ang tungkol dito kaso baka magkalat kayo" sambit nito saka naglakad na. "Hoy! Hindi kami makalat! Ano 'to? Comment section?!!" Naiinis na sambit sa kanya ni Lynicc.
"May sinabi ba akong ganyan?" Maang-maangan ni Valmor at mas nainis pa ang mga kaibigan niya sa kanya. "Girls,I think we should take a rest na" Sambit ni Mr. Cuanco at tumango naman silang magkakaibigan.
"Ate Allace tabi ako sa'yo" sambit ni Gizelle at kumapit pa kay Allace. "Eh ako?" Naka-pout na sambit ni Psarhian. "Aahh ehh" hindi alam ng bata ang kanyang sasabihin at napatawa na lang si Psarhian. "Joke lang,alam ko namang miss na miss mo si ate mo Allace eh" sambit ni Psarhian saka ginulo ang buhok ng bata.

BINABASA MO ANG
Lucky NINE
AcakIt's the story of nine girls who were forced to use deadly weapons for their safety against their evil tito Dreico Dreico owns allot of companies and the second most powerful in the mafia world The gilrs had no choice so what will they do? Will they...