Chapter 5

11 5 0
                                    

Sanry's POV

Naka-rinig kami ng tunog ng kotse sa labas kaya alam naming si Gi na 'yon. Kanina pa namin siya gustong kausapin kaso nag-dinner pa daw siya kila 'Keith'

*roll eyes

Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang medyo gulat na mukha ni Gi. (Lagot ka ngayon)

"Sino si Keith?"

"Ba't kasama mo 'yon?"

"Boypren mo ba?"

"Gi sumagot ka"

"I don't trust that Keith guy"

Magkakasunod na sambit nila,'di ako nakisabay dahil tinititigan ko si Gi,naningkit ang mga mata ko nang makita kong parang may dugo 'yong damit niya.

"S-si Keith,boyfriend ko. Gumala lang kami" sambit nito sabay yuko. Tumayo si Jeala saka lumapit kay Gi as in SUPPERRR LAPITT

"I don't trust that kid" seryosong sambit ni Jeala. Bilib din ako dito eh,napaka-over protective nito lalo na kapag may nalaman siyang may nanliligaw samin. "Kid? Eh mas matanda 'yon sa'yo ah" gusto ko sanang tumawa kaso ang seryoso nila mapagkamalan pa akong baliw tas ipatapon sa mental. HAHA

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Jeala kaya parang na-pipi si Ginawn. "Gi,seryoso kami" seryosong sambit ni Psarhian,isa din 'to eh.

Hayss,'wag kang talaga nila gagalitin or bibigyan ng problema ang dalawang 'to kasi nagmumukhang mga asong and time ay pwede nang mangagat.

"Gaano na kayo katagal?" Tanong ni Jeirs tas inayos ang pagkakatali ng buhok niya. "Three months" sambit ni Gi kaya nanlaki ang mga mata namin tas si Lynicc naka-nganga pa.

"You kept a secret from us for three months?" Hindi makapaniwalang sambit ni Allace.

May rule kasi kaming magkakaibigan,dapat walang secrets na tinatago sa isa't isa,kaya ang nangyari alam namin mga first loves,first kisses at mga pinag-gagawa namin. No secrets nga 'diba?

"I thought no secrets?" Tanong ni Lynicc sabay pout. HAHA chubby checks sarap pigain. "Uhmm,sasabihin ko naman eh" sambit ni Gi sabay tingin sa kaliwa. "Kailan pa? Kung hindi pa siguro pumunta 'yon dito ay 'di namin malalaman." Sambit ni Valmor.

Yumuko si Gi at napa-buntong hininga. "Sorry"sincere na sambit nito sabay tingin sa mga mata namin. Napa-ngiti na lang kami tas sinungaban namin siya ng yakap,sinadya kong daganan ang braso niya. "Aray!!" Sigaw nito.

I was right...*smirk

Lumayo kami sa kanya at nagtataka ang mga tingin na binigay sa kanya maliban sakin. HEHE

"Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Lynicc. Napa-yuko na naman siya....hayss

"Nung pauwi na kami,sinundan kami ng van" sambit niya sabay hubad ng long sleeve niya at pinakita ang tama ng bala.

('WAG KAYONG MAG-ISIP NG ANO OR BAKA AKO LANG TALAGA NAG-ISIP NUN?)

"Damn Gi!" Sigaw ni Lynicc sabay talikod. "You are breaking up with him. Ayoko sa kanya at ayokong madamay ang Keith na 'yon sa problema natin" sambit ni Zyllen na cold parin ang boses.

Sinuot naman nito ulit ang long sleeve niya saka inalalayan siya ni Lynicc na pumanik sa itaas. Ang sweet ng dalawa,simula pan talaga nung mga bata kami silang dalawa na ang magka-sundo kaya grabe na lang maka-react si Lynicc kay Gi.

*******************************

Third person's POV

Isang linggo ang naka-lipas at sobra isang daan na ang mha text na galing kay Keith. Pinagbawalan na siyang lumapit kay Gi,kaya nagpasya si Gi ngayong araw mismo ay kakausapin na niya si Keith.

Lucky NINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon