Chapter 3

14 5 0
                                    

Jeala's POV

Nandito kaming lahat sa ospital at kanina pa ako hindi mapakali kasi parang nakita ko si tito Dreico. Nag-paalam ako sa kanila na kakausapin ako ng doktor in private kahit hindi naman. Pagka-labas ko ng pinto ay nakita ko si tito Dreico sa dulo ng hallway.

Nayukom ang mga kamay ko at nag-simulang mag-lakad. Sana hindi niya nakitang nandito kaming lahat pati na rin ang anak niya pero alam kong hinahanap niya ang anak niya kaya baka ang pag-aakala niya ay isinama ko dito,pero sinama ko naman talaga.

Binunot ko ang baril ko at napa-ngisi siya. Tinutukan ko siya ng baril pero nawala na agad siya. Matalas ang mata't tenga ko pero pagdating sa kanya ay nawawala ang galing ko.

Sinundan ko ang mga yapak na naririnig ko. Papunta siya sa rooftop pero hahdan ang ginamit. Sinundan ko siya at nang nabuksan ko na ang pinto ay nakaramdam ako ng prisensya sa kanan ko kaya agad ko namang pinaputukan,may silencer ang baril ko kaya hindi nila maririnig.

Nilapitan ko si tito Dreico pero wrong move ako. May bumaril sakin mula sa itaas at natamaan ang bandang tiyan ko at sinundan la ng isa sa kanang braso ko. Napa-luhod ako at napa-yuko,ang hapdi shet.

"Tsk tsk tsk"-tito Dreico. "Hmmm,well well well,nagkita tayong muli Jea" sambit nito sabay halakhak. "Sa tingin mo ba kaya mo'ko ng ikaw lang? Bumiyahe ka ng Mindanao ng mag-isa not knowing na mapanganib" sambit pa nito sabay laro sa baril na hawak niya.

Tama nga ako,hindi niya alam na nandito ang walo at mas mabuti na 'yon. "I think this is the right time to end your life,pero pagbibigyan pa kita,kapag binigay mo saakin ang ari-ariang minana mo sa mga magulang mo" sambit nito sabay lakad palibot sakin.

Nanghihina na ako pero 'di ko pinahalata at naka-yuko lang. "Madali akong kausao Jea,and if you want you can join my mafia organization,you'll be rich and powerful just like me,ayaw mo ba 'yon? Magtatandem tayo sa labanan,we'll share the money we earn,Ano sa tingin mo Jea? All you have to do is to give me your propoerties and the money and power will be yours" sambit pa nito.

Tsk,adik sa pera't kapangyarihan,pwes hindi ako ganun.

"How dare you" 'yon lang ang sinabi ko at umiba ang ekspresyon ng mukha nito. "I'll never join your dirty schemes and I'll never fall for them again. Yes,I'm also part of a mafia org. The power I have is enough,dahil hindi ako masahol sa pera!" Sigaw ko sa huli at napatabingi ang ulo ko at nararamdaman kong may tumutulo mula sa ulo ko.

Hinampas niya ako ng baril at maswerte pa 'ko dahil hindi niya pa pinutok. "Ito ang tatandaan mo Jea,babagsak ang org. niyo at ako ang magpapabagsak nito,makukuha ko ang kapangyarihang inaasam ko at mamatay kayong siyam,kasali na rin ang anak ko" sambit nito sabay sandal sa railing.

"Hayop ka! Pati sarili mong anak kaya mong patayin!" Sigaw ko at nakaramdam naman ako ng hampas ng baril at ngayon sa labi na. "Don't you ever shout at me again Jea,that's disrespect tito mo pa naman ako. I deserve respect Jea" sambit nito at ngayon umupo na sa isang silya.

Nanghihina na ako,gusto ko ng pumikit dahil umaagos na ang dugo ko pero kailangan kong magpaka-tatag,hindi ako pwedeng mamatay ngayon. Pupugutan ko pa ng ulo ang taong 'to!

"Tell me,Jeala,What do you feel?" Tanong nito. "I can feel that death is on your way right know" galit na sambit ko at napa-ngisi naman siya. "Hayss,akala ko ba ang isang Pevinsi ay matalas ang pandama pero hindi pala. You know what,death is not on my way,but your way" sambit nito sabay hampas sakin ng bat at hindi ko alam kung saan nanggaling.

Hindi ako makasigaw,ayokong sumigaw,ayokong may makarinig at baka isa sa kanila 'yon.

Hahampasin na sana niya ako ulit ng makarinig ako ng malakas na ringtone ng cellphone.

Lucky NINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon