Valmor's POV
Lunes na ngayon at nandito kami sa secret lair namin. 'Di na namin nabisita sina Acer at Veronica kasi nga poinoproblema namin ngayon si Gi at hanggang ngayon hindi parin maipinta ang reaksyon.
Ayaw niyang kinaaawaan siya pero sadyang naawa talaga kami sa kalagayan niya. Ako,sobra akong naguilty sa pinaggagawa ng ama ko. Gabi-gabi lagi kong iniisip ang nakaraan at minsan ay hindi ko namamalayang lumuluha na pala ang mga mata ko dahil sa mga naaalala ko.
Hindi na ako nagpapakita kay dad simula nung natutuo ako ng martial arts. Si tito Marlon ang nagturo samin,kapatid ni tita Clyte na mama ni Zyllen.
Siya ang nagturo samin kung pano lumaban at humawak ng iba't ibang patalim at mga baril. Nung una ay tumanggi kaming magkakaibigan kasi masyado pa kaming bata para dun pero nung malapit ng maambush ang sinasakyan nila Jeiris noon ay sobra kaming natakot dahil baka maranasan namin 'yon.
Gabi-gabi uuwi kami sa iisang bahay at sabay-sabay na hihiga sa sahig or sa sofa dahil sa pagod sa training. 'Di na kami kumakain ng dinner at diretso na sa kwarto.
Pero kalaunan ay nasanay na kami at hindi na kami madaling mapagod. Si Jeala at Lynicc,chubby sila dati pero ngayon nag-bago na ang katawan nila,may mga curves na din sila,at kami nila Zyllen,Allace,Ginawn,Jeiris,Sanry,at Psarhian ay katamtaman na ang katawan dati pero sumexy kami.
Sikat kami sa school at palaging nasa front page ng school news paper,and FYI kami pala ang nagma-may ari nitong school.
(Sorry ngayon ko lang sinabi or baka sinabi ko na,HAMBOT SA KAMBING NGA MAY BANGS)
Maraming nag-tataka dahil ang babata pa namin pero mayayaman na kami at alam nilang wala na ang mga magulang ng dating humawak sa King's. Ang lahat ng ito ay dahil sakin,hawak man ni dad ang lahat ng ari-arian ay may hati parin ako and little did he know na ang pinagt-trabahuhan niyang pera ay nakukuha ko.
Magaling si Allace sa pag-hack kaya nahack namin ang bank acc. ni dad at billions na ang laman nito. Every month ay nababawasan 'yon ng millions dahil kinukuha ko 'yon. 'Di 'yon alam ni dad at bakit ko naman sasabihin sa kanya?
Yes,ama ko siya...pero nagbago na ang tingin ko sa kanya after nung pag-patay niya sa mga tito at tita ko. Hindi man kami magkakadugo ng mga kaibigan ko ay sila parin ang susuportahan ko dahil mahal ma mahal ko sila.
Back to reality...
Sinabi samin ni Jea na nakausap niya si Gizelle nung isang gabi at hinahanap nito si Allace. Close kasi sila ni Allace,minsan na namin binalaan si Allace na 'wag makipag-kaibigan sa iba dahil hindi sigurado kung ito ay kakampi o kalaban.
Pinatunayan naman ni Allace na tapat si Gizelle,medyo naniwala naman ako pero 'yong iba naniwala talaga sila. Kinukutuban ako kay Gizelle pero nananahimik lang ako.
"Pwede bang papasukin dito si Zelle?" Tanong ni Allace habang may tinitipa sa cellphone niya. "Bawal" agad na sambit ko. "Oh come on Amor,ngayon lang naman siya makakapunta dito eh ang besides she's one of us" sambit nito.
"I don't wanna argue with you Allace,but that Gizelle doesn't earn my trust" sambit ko. "Hayss,ako na lang pupunta sa kanya" sambit nito at nag-lakad na palabas,tumayo ako at napatingin sila sakin. "Susundan ko lang siya" sambit ko.
"Hindi mo talaga napapagkatiwalaan si Gizelle ano? Relax ka lang Mor please" sambit ni Psarhian. Isa din 'to eh,close na rin kay Gizelle. Natatakot ako na baka makuha ni Gizelle ang loob nila kahit alam kong harmless naman siya,ah 'di ko alam. Bakit ba kasi ako kinukutuban ng masama sa babaeng 'yon?
Without any word ay lumabas na ako at hinanap si Allace. Nakita ko siyang naglalakad sa papuntang soccer field. Nasundan ko siya at tumigil siya sa gilid ng field malapit sa bleachers.
Nandoon si Gizelle na naghihintay. Maya-maya pa ay parang may pinag-uusapan na sila.
Ni on ko na ang earpiece ko at nadidinig ko na ang pinag-uusapan nila. Chismosa na kung chismosa pero hindi talaga ako mapanatag sa Gizelle na 'yan.
Hindi alam ni Allace na nakabitan ko siya ng microphone kaya nadidinig ko sila ngayon.
"Last week pa kita hinahanap" dinig kong sambit ni Gizelle.
"Bakit mo'ko hinahanap?" Tanong ni Allace.
Umupo na muna ako sa likod ng puno at pinikit ang mga mata.
"It's about dad,Al I need your help. Ayokong mawala sakin si daddy,siya na lang ang nag-iisang pamilya ko"-Gizelle
Narinig kong bumuntong hininga si Allace.
"Zelle,may kinakaharap pa kaming problema at 'yon na muna ang uunahin namin"-Allace.
Ganyan nga,tanggihan mo
"It's about sir Dreico,right?"-Gizelle
"Yah,matagal na namin 'tong problema kaya sa iba ka na lang muna humingi ng tulong"-Allace.
Napa-ngisi ako,Nice one Allace
"Al,wala na akong malalapitan pa and si dad,hinahabol na rin siya ni Sir Dreico"-Gizelle
Napa-kunot ang noo ko sa narinig. Pati si Mr. Cuanco hinahabol na rin ni dad?
"Zelle-"
"Please Al,kayo na lang ang pag-asa ko kung kailangang tulungan ko kayo sa pinaplano niyo kay sir Dreico ay tutulong ako. Hindi ako papayag na patayin niya si dad,hindi ko matatanggap 'yon Al"-Gizelle
"Kailangan muna 'to malaman ng iba,hindi ako pwedeng gumalaw kung walang permission nila" sambit ni Allace at tumunog na ang school bell hudyat na mag-sisimula na ang first period.
***
Tapos na ang lahat ng classes namin at wala kaming ginawa kundi ang magpakilala at makipag-kaibigan sa iba. Halata nga sa iba na sadyang lumalapit samin. Hindi kami basta-basta tumatanggap ng kaibigan dahil may trust issues kaming siyam.
Bumalik na kami sa HQ at napansin kong naka-ngiti na si Gi. "Gi" tawag ko sa kanya,agad naman siyang yumakap sakin. Anong problema nito?
"Naka-ilang chuckie ka ba at parang nalasing ka dun at nangyayakap ka?" Tanong ko sa kanya at nakatanggap naman ako ng hampas.
"Masaya lang ako" sambit nito kaya kumunot ang noo ko. Kanina lang eh parang zombie kung umasta pero ngayon amg saya na. Nasobrahan na siguro ng chuckie
"At bakit?" Tanong ko sa kanya at 'di parin siya umaalis sa yakap niya sakin. "Gusto kong maging masaya,ayokong isipin ang problema ngayon. Sa ngayon ay sarili ko na muna ang iisipin ko at 'di ko na muna iisipin ang mga nangyayari" sambit nito.
"Weh? Baka mamaya magugulat na lang ako namamaga na naman 'yang mga mata mo tas ang kalat ng kwarto mo"sambit ko sa kanya. "Oo nga,one day I'l move on,makakalimutan ko din si Keith" sambit nito. So si Keith pala iniisip nito,syempre namatay eh
****
Nakalipas ang isang linggo at mas nababahala ako dahil nakukuha na ni Gizelle ang loob ng mga kaibigan ko. Nakikipag-plastikan lang ako sa kanya at pinag-aaralan ang mga galaw niya.
Three days ago ay nagusap-usap kaming magkakaibigan kasama si Gizelle. Simula nung araw na 'yon,alam kong may binabalak ang babaeng 'to. Hindi ko hahayaan na magtagumpay siya sa kung anumang plano niya,kung kailangang magtrabaho ako ng mag-isa ay gagawin ko,para din naman 'to sa mga kaibigan ko.
*******************************
Llen,ari na si Gizelle BWHAHAHA
😈😈
🥀
BINABASA MO ANG
Lucky NINE
RandomIt's the story of nine girls who were forced to use deadly weapons for their safety against their evil tito Dreico Dreico owns allot of companies and the second most powerful in the mafia world The gilrs had no choice so what will they do? Will they...