06

57 13 6
                                    

Diretso lang ang tingin ko at pilit na tinatawanan ang mga biro ni Isabelle habang nagku-kwento.Mahigpit ang hawak sa maliit na bag na para bang sa ganoong paraan ko maiibsan ang lungkot at kaba.Kinakain ako ng guilt sa tuwing napapatingin sa gawi ni Zen pero bumabalik ang tapang ko sa isiping wala naman syang alam.

Mali iyon.Lalo na't sinagot nya na ata si Isaiah..

Nakaupo na kami ngayon sa pabilog na sofa.Katabi ko si Isabelle na panay ang kwento at sa kabila'y si Creed na tahimik lang kagaya ko.Nasa harapan naman namin si Isaiah at Zenaya na magkadikit na halos ang katawan.

Lumunok ako at pinilig ang ulo.

"So,anong ganap kanina?Parang may show kayo ah.."tumatawang tanong ng kaibigan ko.

Nanikip ang dibdib ko sa tumamang hinala.

"Well, we're now officially together!Naisip ko kasi na hindi na dapat pinapatagal ang ganitong bagay lalo na't mahal ko rin naman sya.."Zenaya sweetly answered.Sinandal nya ang ulo sa balikat ni Isaiah.

"That's good!Ang tagal na naghintay nitong si Figueroa sayo.. buti nga hindi nakahanap ng iba."

"He loves me that much,I guess."

Mahal ka nya kaya mas pinili nyang wasakin ako.Harap-harapan.

Inangat ko ang tingin kay Isaiah.Nakangiti ito habang nakikinig sa kwentuhan ng dalawa.Pigil na pigil ko ang mga luhang kumawala dahil parang nakalimot sya bigla.

Finally!

Sa wakas diba sinagot na sya ng ilang taon nyang nililigawan.Ano kayang nararamdaman nya?Worth it ba?

"Ilang years ka ba namang mahal,wait,ilan nga ba?"kinig ko ang boses ni Cali na papalapit.

"4 years ata? Awiee!"

"Four years na ligawan rin ba?Buti di nainip!"

"Zenaya ba naman ang kapalit!Sulit na sulit!"

Kung pwede lang pigilan ang tenga makarinig sa mga oras na to,malamang ginawa ko na.Panay matatamis na salita ang naririnig ko pero hindi ako kinikilig.Sabi ko sarili ko noon,kapag dumating ang oras na to..titigil na ako e.Paano?Bakit parang biglang bumilis ang oras?

"She's my childhood friend.We used to see each other before because of our parents.Her mom is my mom's bestfriend after all.At first, I don't really like her but while growing up things change."kwento ni Isaiah ng pilitin ng mga kaibigan.

Kwentong saulado ko na ata dahil may isang date na imbis para sa'min ay naging story telling ng lovestory nila.

"Nagulat ako ng umamin sya,actually.Then he said he will court me.Hindi ko sya agad sinagot kasi gusto kong malaman kung gaano nya ba ako kamahal talaga.."Zenaya added.

How I wish I'm the one saying that.

"After all those years,still her."

And that's...

That's my biggest breakdown.Unti-unting natumba ang tinatayo kong pag-asa na baka meron naman kahit konti.Pano nya nagawang sabihin na sa lumipas na mga taon,si Zenaya lang talaga?I'm with her for almost three fucking years!
Bago magkaroon ng ganap sa pagitan namin,naging kaibigan nya rin ako!Counted yun diba?

All those years,still her

Asan ako?

Wala talaga akong parte?

Gusto kong magwala at magalit sakanya.Bakit hindi tugma ang mga sinasabi nya sa mga kilos nya?Ramdam ko ang selos nya noon pero selos nga ba yon o ilusyon ko na naman?

Behind Those LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon