"Do you think so?"tanong ko.Bahagyang umayos ng upo para tanawin uli pero mas lalong dumami ang tao.
"Base on their reaction,maybe yes."Creed answered .
"Kilala mo?"
Tipid itong tumango bago ngumiwi na para bang may naalala."Sort of."
Mauubusan ata ako ng laway dito.Mas matindi pa to kay Isaiah e.Hindi na ako magtataka kung walang girlfriend ang lalaking to kahit pa gwapo.
"Sa tingin mo ba tamang sinagot no'ng babae yung guy?"
Tinaasan nya ako ng kilay kaya defensive akong sumagot."Sabi mo kilala mo.Tas ganyan lang ang reaksyon mo?"
Mahina syang natawa at pinasadahan ng palad ang buhok.Para syang natatawa na ewan.
"Oo naman.."
At nagtatagalog ka pala?
"Pano mo nasabi?"
Umayos sya ng upo at nakahalumbabang tinanaw ang mga taong nagsisigawan pa rin.
"She said yes.That means she like that guy.I don't have a say on that matter.Hindi mo sasagutin ang isang tao kung hindi ka naman handa diba?"
Is he hurt?Parang ang bigat ng mga salitang binibitawan nya.
"Minsan sinasagot naman kahit hindi handa.Kasi kung hindi,pano nila malalaman kung handa na ba sila?"
He scoffed."Reasons why they always end up broken.Bakit ka susugal kung di mo naman kaya?"
Bakit nga ba?Kasi kapag mahal mo,mahal mo.Labas na yung pagiging matapang at duwag ng isang tao.Nasa kanila na yun kung paano nila iha-handle ang nararamdaman nila.Walang masamang sumubok lalo na kung alam naman nilang pagsisisihan nila kapag wala silang ginawa.Na kahit alam nilang masasaktan lang sila,susugal pa rin kasi diba..atleast sumubok at naging matapang sila.Kaysa makulong sa mundo ng what if's.
kahit nagmumukha ka ng tanga?
Napabuntong hininga nalang ako sa sariling iniisip.
"Don't take it seriously,Daniella."
May nabasa ako online.Maganda daw makipag usap at humingi ng advice sa hindi mo kakilala o ka-close.That way,hindi ka nila mahuhusgahan.Should I try it?
Why not?
"Anong say mo sa mga taong nagpapa-martyr sa pag-ibig?"
Mukhang nagulat sya sa tanong ko kaya napatigil sya sa paginom.Nanliit ang mata nya sa'kin bago umiwas ng tingin.
"Tanga."
Aray
Bakit ang straightforward naman?Hindi pedeng dahan-dahan lang?
Sumama ang timpla ko bigla kaya matalim ko syang tiningan.
"Tanga agad?Hindi pedeng nagmahal lang?"
He rolled his eyes.
"Pwes maling klase ng pagmamahal."
Nangunot ang noo ko.Mali?Yung meron siguro samin ngayon mali dahil may Zenaya sya.. pero yung pagmamahal ko sakanya? Sigurado akong ito yung klase ng pagmamahal na aalagaan sya.
"I still remember my Mom,crying her heart out because of my father.He cheated on us with another woman.Yet my Mom still accept him despite of that.She always act like nothing is wrong.She's remained sweet with my father but i know that she's still crying and hurting.Pefect example of the word,martyr."
How can he say that naturally?Parang normal nalang sakanya ang issue na yun at hindi na sya naapektuhan pa.I wonder how he really felt before.
Maybe, he's just comfortable saying that knowing that I won't judge him.I suddenly feel glad.