02

99 17 1
                                    

"Pakisabi naman po kay Mama na baka bukas po e kailanganin ko ng pera,Tita."huling pakiusap ko kay Tita Iyah ng bisitahin nya ako dito sa dorm.

Tinaasan nya ako ng kilay pero sa huli'y napabutlntong-hininga nalang.

"Ano namang gastos 'yan,Dane?Hindi ba nagpadala ako sayo no'ng isang linggo?Ubos na ba?"

Si Tita talaga.Akala nya ata nasa sinaunang panahon pa kami na mura ang mga bilihin at bayarin.Of course I need some help too.Being a tutor is not enough to pay all of my expenses.Hindi madali lalo na't kung minsan ay walang pambayad ang nanay ng tinuturuan ko.At sa School,panay na ang mga projects at kung ano-ano pa.Hays,stress.Si Isaiah nalang talaga ang nagiging pahinga ko.

Kaso,asan sya?Ayun.Nagpapahinga sa iba.

"Sabi ko naman sayo umuwi ka na.Para wala kang bayarin monthly.Tapos ang mahal pa ng tuition mo"segunda nya pa.

Napakamot nalang ako ng noo.Hindi naman kami siguro naghihirap diba?

"Si Tita naman oh,sige na..uuwi ako next week.Sigurado 'yon."I smile widely,showing my teeth cutely.

Mabenta kasi 'yon kay Captain ko.

She tsked."O sya,teka..."

Napangiti ako ng kinuha nya ang malaking wallet nya na may makalumang disenyo.Kumuha sya at inabot sa'kin ang isang card.Kumunot ang noo ko.

"Ayan.Siguro naman sapat na ang laman nyan."

Nanunubig man ang mga mata ay niyakap ko pa rin si Tita.May pagka-masungit lang to pero pusong mamon!Dito ata ako nag-mana e.Madaming nagsabi na magkahawig kami pero hindi naman malabong manyari yon.Kapatid sya ni Mama.Mas sanay lang ang mga tao na si Tita ang kasama ko palagi.

"Dadalhin mo yung kinu-kwento mong boyfriend ha?"

Gusto kong isumbong ang kagagahan ko pero wala e.Medyo kulang pa sa tapang.

"Sige po kapag hindi sya busy!"

Hinatid ko si Tita sa sakayan pagkatapos.Dumaan rin ako sa bangko at nag-withdraw ng sapat na pera.Napadaan pa nga ako sa isang botique.May nakita akong magandang dress na kulay dilaw.Hilaw akong napangisi.

I'll buy you soon.

Kapag libre si Isaiah ay isasama ko s'ya.

Speaking of my captain...

Agad kong kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng mini skirt ko at hinanap ang numero nya.Sumilong muna ako sa isang maliit na store.

From: Captain ko
Take care.

I sighed.

Kanina pa 'tong text nya.Busy ba sya masyado?Tapos na naman ang championship ah?Saka..walang namang pasok ngayon.

I mentally smile and start typing.Masyado Naman s'yang pa-miss.

To: Captain
Are you busy? let's date?

Kagat ko ang kuko sa hinliliit habang inaantay ang reply nya.Hindi naman sa umaasa akong libre sya ngayon.There's a possibility that he's with Zenaya.You know,suitor duty.

Sana all.

My phone beep.Muntik ko pa itong mabitawan ng makita ang litrato nya.He's calling me!Damn.Malapad akong napangiti bago ito sinagot.

"Hello?"I said, suppressing my giggle.

"Hey.."his husky voice filled my ears.Boses palang 'yon pero iba na agad ang ritmo ng dibdib ko.

"May ginagawa ka ba?You didn't text me."

I heard him sighed on the other line."I'm with Zenaya earlier.Hindi ko na na-check ang cellphone ko.Why?"

Behind Those LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon