08

60 12 10
                                    

"Pre,may problema ba?"agarang tanong ni Kian ng mapansing ang paglapit ni Isaiah.Napaatras naman ako.

Umiling si Isaiah habang nakatingin parin sa'kin.Nagpabalik-balik ang tingin sa'min ni Ken na mukhang may iniisip.Tumikhim ako at nagkamot ng batok.

"Mukhang napag-tripan lang ata ako,akala ko naman kasi sayo galing kuya e."

Pumalatak si Kian at pabirong hinila ang tenga ng nakababatang kapatid bago nahihiyang tumingin uli sa'min.

"Hindi nga.Ang dali-daling magtext sayo tas gagawin ko pa yan?Ano ka?Important ka?"sarkastikong sabi nito.Inirapan sya ni Ken bago hinila sa hindi kalayuan sa'min.

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata nya.Hindi ako nagsalita o bumati man lang gaya ng nakasanayan kapag kaming dalawa nalang.

Ngumiti sya.

Iyon ang paborito kong ngiti pero hindi ko magawang suklian.

Pinanatili ko ang blangko at seryosong ekspresyon.

Napabuntong-hininga sya at humakbang pa palapit,I step backwards.

"C'mon,Daniella.Why are you ignoring me?"he hurtfully asked.Bakas ang paghihirap at pagtitimpi sa boses nya.Bagay na hindi ko na naman maintindihan kung bakit.

"Tinatanong mo talaga yan?"hindi ko na napigilan ang sarili.

Natigilan sya sa tono ko.Sinubukan nyang abutin ang kamay ko pero agad ko itong tinago sa likuran.Sinulyapan ko ang mga nagpa-practice hindi kalayuan sa'min.Mukhang wala namang nakakapansin.Tinaasan ko sya ng kilay.

"Is this about Zenaya?"

Sinabi nya yo'n na parang napakaliit na bagay para magkaganito ako.Kung sabagay,ano nga bang alam nya sa nararamdaman ko?

"Anong gusto mong gawin ko,umakto na kagaya ng dati kahit may girlfriend ka na?"mahinang saad ko.

Sinapo ko ang noo at pinigil ang emosyon.Baka makalimot ako at makapagsabi ng hindi dapat dito.Gusto ko mang pag-usapan ang bagay na meron kami,hindi dito.Lalo na't nararamdaman kong may mga nagtataka ng tumitingin.

"Umiiwas ka---"

"What do you want me to do?Stay?"malamig ko syang binalingan,. "Isaiah,alam ko kung saan ako lulugar.Iba na ngayon.Sayo na si Zenaya tapos gusto mo bumuntot pa rin ako sayo? Seriously,sino ba talaga ako sayo?"

It's hard to stay calm at this situation but I need to.Ayokong gumawa ng eksena.Magulo ang isip ko ngayon at nasasaktan ako,hindi magandang kombinasyon yon.

Hindi sya sumagot.Hindi naman nya lagi nasasagot kung sino nga ba talaga ako sa buhay nya.Pinaparamdam nya sa'kin na may feelings sya sakin pero iba naman ang sinasabi at pinapakita nya.

His jaw clenched and I can feel that he's just controlling himself too.I know him.I know that if this is just a normal fight between us,yayakapin at lalambingin nya lang ako at kakalma na.

But this is not the same.I'm trying not to be the same 'Daniella' to him.I can't  tolerate my soft side for him right now.I can't risk my damn feelings again.

"Pag-isipan mo muna itong mga kinikilos mo.Kasi baka hindi mo lang alam,nakakasakit kana pala."dagdag ko pa.

Ginala ko ang mata sa paligid bago sya huling tiningnan.Kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa strap ng bag ko ay pagtalikod ko sakanya.

Isang hakbang palayo..dalawa..tatlo..

Gusto kong kutusan ang sarili dahil kahit labag man sa loob ay hinihintay ko pa rin na pigilan nya ako.Naiinis ako sa mga ginagawa nya pero mas lamang ang inis ko sa sarili.Dahil alam ko naman ako yung sumugal kahit walang kasiguraduhan.

Behind Those LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon