11

51 12 1
                                    


"Uhm,maybe we should lower this price.."

Tumuro si Dos sa hawak na folder habang seryoso namang nakikinig ang babae sakanyang gilid.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila.Kanina pa sila nag-uusap sa may harapan ko pero hindi pa rin ako makakilos ulit ng normal.Mabuti nga at natikom ko agad ang bibig ng lingunin ako muli ni Dos.

Nag iwas ako ng tingin at bahagya silang tinalikuran.Hindi ko maiwasang ilibot uli ang tingin sa malawak na botique.Simple pero elegante ang  disenyo.Maganda ang mga tinda nila at unique pero may kamahalan ang ibang presyo.Normal lang naman siguro yun dito dahil maganda naman ang kalidad at...mukhang galing pang ibang bansa.

Palihim akong sumulyap ulit sakanila.

Ang lalaking yun.Sa tingin ko naman ay hindi nalalayo ang edad namin pero may sariling business na sya.Kilala at kumikita ng..... jusko.Nakakalulang bilangin.

"Noted,Sir."rinig kong sabi ng babae bago magalang na nagpaalam.

Natataranta naman akong lumayo at pumunta sa hanay ng magagarang pabango.Napalunok at inisip na nakakahiya pala ang inakto ko kanina,lalo na't siya pala ang may ari nito.

"Nakapili ka na?"

Napakamot ako ng noo at simpleng tiningnan ang mga pabango.Nakakatuwa ang disenyo no'n kaya hindi ko na napigilang kumuha ng isa.Sulit naman ang ibabayad ko e,saka para naman sa sarili ko.

Pinakita ko sakanya ang perfume na hugis rose ang lalagyan.

"This one!"sabi ko sa maliit na boses.

Sinulyapan nya yon at tumango sa'kin."Sure,take that."

Ngumiti ako at naglakad palapit sa counter.Kinuha ko ang wallet sa bag ko at nilabas ang card.I was about to give it to the girl when she shook her head and glance at my back.Nagtataka ko rin akong lumingon sa likod ko.Then,I saw Dos again,playing with his lips while innocently looking at me.

Nang may mapagtanto ay agad akong umiling at mahinang natawa sa babae.

"Ako po ang magbabayad,Miss."sabay abot ko uli ng card.

Nag-aalinlangan itong umiling sa'kin.

Pilit akong ngumiti at tinakpan ang iritasyon.I can buy it on my own,okay?

Nang hindi pa rin tanggapin ay nilapag ko ang credit card ko sa counter at pinagkrus ang braso.Sinulyapan ko sila pareho bago iritang nagbuga ng hangin.

"I'll buy it with my money,okay?"pinal kong sabi,masama na ang timpla.

Sinamaan ko ng tingin ang babae kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ko.I even heard Dos cursed behind me pero hindi na umangal.

Pinanuod kong ilagay sa cute na paper bag ang perfume.Alam kong nasa likuran ko parin ang amo nya kaya pasulyap-sulyap pa sya sa likod ko.Nang matapos ay pormal akong nagpaalam sakanilang dalawa at tuluyang lumabas ng store.Bitbit ko ang paperbag ng dalawang kamay na para bang may aagaw sakin.

"Kain ba muna ako?or Sine?"i murmured.

Paninindigan ko talagang i-date ang sarili.Natatawa ako sa sariling naisip sabay tingin sa paligid.Sumakay ako sa escalator para makarating ng third floor kung nasaan ang sinehan.Hindi ko alam kung may showing ba ngayon kaya mabuti ng tingnan ko muna.

Habang naglalakad ay pinupuri ko ang bawat makitang store.Hindi ko naman first time dito pero matagal na ng huli ako gumala kaya nakakatuwa ang mga pagbabago.

Slowly, I'm gonna heal myself.

Tiningnan ko ang mga poster ng pelikula na nakapaskil.Hm..puro romance.I was busy tapping the posters with my fingers when someone bumped on me.I don't think if that's accident or what.

Behind Those LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon