~°~LUMIPAS ang isang linggo na hinahayaan ko ang sariling tumuklas ng mga pagkakaabalahan ko.Pinipigilan ang sariling isipin ang hindi dapat at makaramdam ng hindi pwede.Tulad nalang ngayon,kasama ko si Isabelle sa apartment.Bitbit nya ang isang maleta ng mga damit at isa-isa itong pinapasukat sakin.
Hindi nalang din ako umaangal tutal nage-enjoy rin ako.Lalo na kapag kinukuhanan nya ako ng mga pictures! Sobrang gaganda ng shots nya,nakakapagtakang wala siyang pinag aralan about photography e.
"Woah.This one is so pretty!"madrama nyang sabi habang tinitingnan ang mga kuha ko.
Hinubad ko muna ang huling dress na pinasuot nya at nagpalit ng komportableng damit bago ako lumapit.Sinilip ko ang picture na tinutukoy nya at namangha.
I was wearing her oversized sweater with my braided hair.Looking at the camera fiercely.Medyo kita ang legs ko pero hindi naman malaswang tingnan, it's really nice.Paniguradong sa IG ko ang bagsak nito.I giggled.
"You know what?Pasado ka talagang model eh!Mas pretty ka pa nga sa mga co-models ko."pambobola nya.
"Heto na naman po tayo sa mga bola ni Isabelle 2.0.."
"Gaga!"
Natatawa niya akong hinampas ng unan bago pabagsak na nahiga sa kama ko.Hindi na pinansin ang mga nagkalat na damit.Napakamot nalang ako ng sentido at dinampot ang isang off shoulder na malapit sa'kin.
"D."
"Hm?"tanong ko habang nagliligpit.
"Remember Creed?"
Napangiti ako sa nahihiya nitong tono.Syempre!Makakalimutan ko ba naman yon?Palagi siyang laman ng kwento mo,nagkukunwaring naiirita pero namumula naman ang pisngi sa kilig.Haay,Isabelle.Mapagkunwaring humaharot rin to e.
Naupo ako sa paanan nya at tumango."Yup.Anong meron?"
She sighed."Feeling ko may gusto sya kay Alea.I mean..wala naman akong pake kung meron nga but still..kapag kinakausap ko sya,daig pang hangin lang ako." dada nya, "You know that feeling,Daniella?Hindi ko alam kung bakit parang sabik ako sa atensyon nya." naiinis nyang hinampas ang unan at masamang tumingin sa kisame.
Well,alam ko ang pakiramdam na yan pero sa'kin nalang yon.Ayaw ko namang sapawan ang drama nya ngayon.Charot.
"Hindi ko alam kung ano ia-advice ko sayo."which is true naman, "Basta, wag mo kalimutan ang sarili mo para sa lalaki."
Nawe-weirduhan nya akong tiningnan kaya natawa ako.
Kung alam mo lang
"Ikaw ba,D?Ilang years na rin tayong magkaibigan pero hindi ko knows kung nagka boyfriend ka na ba."nagtatampo nyang sabi.
"Wala nga!"
Wala naman talaga.W-a-l-a as in zero.Nga-nga.
"Bakit wala?I mean.. you're beautiful.Imposibleng walang nanliligaw sayo,duh!Saka sabi sa'kin ni Tita,nakita ka raw nyang may ka-date so spill the beans!"
Napaface palm nalang ako.Sinasabi ko na nga ba.Idadaldal iyon ni Tita e!Hindi ko pa nga pala sya napapaliwanagan,nawala na sa kasi sa utak ko.Hindi ko rin talaga inexpect na pagkakamalan nya si Dos,at ang lokong iyon na hindi manlang tumanggi.
"Kakilala ko lang yon saka hindi kami nagdate!"
Nasaktan na ako ng isang Figuroa,dadagdagan ko pa ba?Mahirap na.Kailangan iwasan ang mga magagandang lahi nila!
"Weh?Nasa sinehan,tas hindi date?"usisa nya.
"Hindi kami nanood ng sine,nagkataon lang na doon kami nakita ni Tita.Wag kang mag assume,Isabelle.."mahinahon kong sabi pero deep inside hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Behind Those Lies
General Fiction'Being in love with someone who loves somebody else.'