07

56 14 6
                                    


Alas-sais palang ng umaga ay gising na ako.Parang hindi nga ako ng nakatulog sa lagay na yon.Tamad akong bumangon at tamad na nagtimpla ng kape.Parang lahat ng gagawin ko ngayong araw ay awtomatikong may kasamang 'tamad'.

Wala akong gana.Kung dati'y nginingitian ko pa ang mga bulaklak ko na nasa maliliit na paso,ngayon ay hindi ko manlang magawang diligan.Mugto ang mga mata ko sa kakaiyak at kakaisip.

Pagkatapos ko mag-kape ay mabilis na akong naligo.Kahit pa gustuhin kong humilata buong araw ay hindi naman pwede.May pasok ako ngayong umaga at bawal ang absent kahit halfday lang.

Magdamag ring patay ang cellphone ko.Pagkatapos 'yon ibalita sakin ni Isaiah ay binabaan ko sya agad dahil hindi ko na kinaya.Mahirap pala.

Nagsuot ako ng simpleng jeans at white shirt.Hindi naman required mag-uniform kaya hindi na ako nag abala pa.Pagkatapos ay umupo ako sa harap ng salamin,which is a wrong move dahil biglang lumitaw ang imahe namin ni Isaiah..

Nasa likod ko sya at sinusuklay ang buhok ko.

"Aga-aga tapos sinasaktan mo sarili mo,Daniella.Umayos ka nga.."

Kinurot ko ang sarili bago sinimulang mag-ayos.Lalo lang akong nairita ng lumampas ang liptint sa may ngipin ko.Inabot ko ang tissue at inayos,simpleng pagkakamali pero ang babaw ng luha ko!

"Jusko naman,self!Liptint,iiyakan mo?"ngumuso ako at iritadong tiningnan ang sariling repleksyon.

Para akong timang na kinakausap ang sarili.

Tumayo na ako at kinuha ang mini backpack.Natigilan pa ako kung dadalhin ko  ba ang cellphone ko o hindi.Kapag dinala ko paniguradong matutukso akong basahin ang mga message nya.O di kaya'y sagutin ang mga tawag nya.Tatawag pa ba sya??

Sighed.

Binulsa ko nalang din dahil baka hindi pa ako makaalis agad.Ni-lock ko ang apartment at nagsimulang lakarin hanggang sa may sakayan.
Tinali ko ang buhok para hindi sumagabal sa mukha ko.

"Magandang umaga,hija!Ang aga mo ata ngayon?"bati ni Aling Coring.Madalas kong bilhan ng ulam ang karinderya nya.

Walang pong maganda sa umaga.

Ngumiti ako at kumaway,"Morning din po!Bless your day!"

Tumango at ngumiti rin sya sabay buhat sa alagang aso nya.Madami syang aso kaso siguro walang nagtatangkang magnakaw sa tindahan nya kahit minsan ay walang tao.

Huminga ako ng malalim bago pinara ang unang jeep na tumigil.Nakipagsiksikan pa ako ng konti para makaupo.Kita ko ang talim ng titig ni ateng katabi ko ng matapakan ko ang paa nya pero wala ako sa mood kaya inirapan ko pa.Umandar na ang jeep at lalo akong nasisiksik kapag biglang pume-preno.

Kung normal na araw to,baka nagpasundo na ako kay Isaiah.Haays.

"Oh!Kasya pa!Dalawa pa!"sigaw ng konduktor sabay baling sa'min sa loob,"Isod nalang po mga mam,ser.. kasya po yan!"

Kasya?Halos kalhating pwet na nga lang ang nakaupo sa'kin tas magpapasakay pa sila ng dalawa?

Umangal ang ang ibang pasahero at bagyang umisod.

"Isa pa!Kasya pa!Luwag pa!"

Lintek na kasya.Anong tingin nya sa jeep nya, stretchable?Kami talaga ang mag-aadjust?

Hanggang sa jeep,ipagpipilitan ko ang sarili ko?Hanggang dito,nakikisiksik lang ako?

"Isa pa,kasya pa at----"

"PARA!BABABA NA PO AKO!"malakas kong kinatok ang bubong kahit medyo malayo pa ako sa school."Nakakahiya naman po sainyo,sikip na sikip na po kami dito sa loob tapos magpapasakay pa kayo?Oh eto bayad ko,limang piso!Tutal kalhati lang naman ng pwet ko ang nakaupo!Bwiset!"

Behind Those LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon