09

49 12 5
                                    




PAGKABABA ko palang ng jeep ay agad na sumalubong sa'kin ang mga aso ni Aling Coring.Noong unang dating ko dito literal na tumakbo ako,ang dami naman kasi talaga.Buti nalang alaga pala sa turok kaya safe naman pala ako.

Pagkadating sa tapat ng pintuan ng apartment ko saka ko lang naalala kung bakit ako nagmamadaling makauwi.Kung bakit ramdam kong basa ang pisngi ko kanina dahil sa luha.

Nagulat pa ako kasi parang nawala sa utak ko.

What happened?

Kinatok ko ng tatlong beses ang dibdib para pakiramdaman kasabay ng pag-isip kay Isaiah.Napapikit ako.

Yawa.Akala ko nakalimot na talaga ako sa lahat,hindi pala.Masakit pa rin.

"Bwisit naman kasi,Dos.Dapat sinama mo na yung pinsan mo sa magic mo."

Seriously,Daniella?Dahil sa jeep,umayos ang pakiramdam mo kahit papano?Kung ganon,ipapayo ko na ba sa mga sawi sa pag-ibig na magcommute sila?

Nasapo ko ang noo at marahas na sinusian ang lock para mabuksan.Pagkabukas ay agad kong tinungo ang kwarto at pabagsak na humiga sa kama.Inabot ko ang unan at niyakap ng mahigpit.

"Sasanayin ko na naman ang sarili mag-isa."I  sniffed."basic,kaya ko yun."

Tumango-tango pa ako at pinatapang ang mukha.
Tumuro-turo ako pa ako sa hangin na para bang iyon ang problema ko.

"Lalaki lang yan,Si Daniella ako"paulit-ulit ko yung binigkas habang nanlalabo ang mga mata.

Nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa pero pinilig ko ang ulo at niyakap pa ang unan.

"L-lalaki lang yan,Si..si d-daniella ako"

Sumisinghot kong dinuro-duro ang hangin.Inimagine ko na nakatayo don si Isaiah at  s'ya ang sinasabihan ko ng sama ng loob.Ang tapang ko kapag ganon e.

"Ano?Tinitingin-tingin mo dyan?Luh,paasa ka!"

Pinunasan ko ang mga luhang tuloy-tuloy sa pagbagsak.Hindi pwedeng maging marupok kahit ramdam kong nagri-ring parin ang cellphone ko.De ja vu e, ganitong-ganito rin kagabi.Rumupok ako kaya ang ending lumagapak na naman.Lesson learned,know your self-worth first.

Sinubsob ko ang mukha sa unan at impit na sumigaw.

Natigil lang ako ng sunod-sunod na may kumatok sa pinto ng apartment ko.Nanlalaki ang mata akong napaupo at pinunasan ang basang pisngi.Inayos ang buhok at ang sarili.

Teka..Anong ginagawa ko?

Bumusangot ako at inis na pinukpok ang sentido."  ..ang rupok ah?"

Humiga uli ako at hinayaan nalang.Paano ko sya maiiwasan kung ganito?Sobrang hina ko pala sakanya.Konting tapang pa,makakaya ko rin.
Inabala ko ang sarili sa loob ng kwarto,binasa ang mga paborito kong libro.Buti nalang talaga nangongolekta ako kaya may mababasa ako mga ganitong oras.

Masarap ulit-ulitin basahin ang libro lalo na kung madami kang natutunan sa mga nilalaman nito.Ang dami ko ng nabasa at nalaman pero ang hirap pala kapag ia-apply mo na sarili no?

Ang lakas pa ng loob ko mainis sa bida kapag mahina sila tapos gagaya pa pala ako.

Mariin kong pinikit ang mata ng sumabay pa ang vibrate ng cellphone ko sa katok sa pinto.Dahil sa gigil ay kinuha ko ang cellphone at inis itong binuhay.

Nanlaki ang mata ko at agad na napabangon,"AY SHETE!"

Tinakbo ko ang distansya para makarating agad sa tapat ng pinto.Huminga ng malalim bago naiilang na ngumiti bago dahan-dahang buksan ang pinto.

Behind Those LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon