03

84 13 0
                                    


One word to describe our set-up? Awkward.

Nakaupo sa sofa si Dos habang nakatingala sa'min ni Isaiah.Parang nag-aantay kung ano ang sunod naming kilos.Nilingon ko si Isaiah na kanina pa palang nakatitig sa'kin.Halos pamulahan pa ako ng mukha sa harap nya.

"Oh?Why don't you start?Hindi naman ako mag-iingay." ani ni Dos.

"Ah.."napakamot ako sa sentido.

Ayan.Partner kuno pa more.

"Hindi ka pa ba uuwi?"diretsahang tanong ni Isaiah.Medyo harsh pa.

"Huh?Kakarating ko lang tapos papaalisin mo na ako?"he playfully grinned.

May duda ako na may alam sya pero ayaw kong magsalita.Wala naman akong pakialam.As long as hindi sya mangingialam then fine.

"Daniella's not comfortable."He blankly said.

Nilingon ko sya.Kunot ang noo nito habang nakatingin sa sariling pinsan.Miski naman ako may inis dahil oras sana namin ito pero heto at mauudlot pa ata.Pero sino ba ako?

"Are you uncomfortable,Ela?"Dos asked, slightly emphasizing his new nickname for me.

Umiling ako kaagad."It's fine."

Bumaling si Isaiah at tinaasan ako ng kilay.Parang nagtatanong kung bakit ako pumayag.Napabuntong hininga nalang ako.Ano ba ang gusto nyang gawin ko?Palayasin 'tong bisita nya?

"Don't call her like that."Isaiah's jaw clenched.

"Call her what?Ela?"

Tumango ito at nagcross-arm.I was about to say  something but Isaiah interrupted.I sighed.

"Call her 'Dane'.That's her nickname."seryosong sabi ni Isaiah.

Dane.My grandmother is the one who gave me that.
Ayaw n'ya kasi sa Daniella e,hindi ko alam kung bakit.Saka maganda raw pakinggan yon.Unti-unti na rin akong nasasanay.

"Hmm.But I want to call her that way."matigas ang ulong sabi naman ni Dos.

Hays.Bahala s'ya.Kahit ano namang tawag sa'kin basta walang halong insulto e,okay.

"Whatever."Isaiah rolled his eyes,"Come with me,Bab--daniella.Sa mini-library nalang tayo."

Tumango ako habang pinandidilatan sya.Madudulas pa e.

"Bakit hindi nalang dito?"Dos asked,"Baka kung anong isipin ng 'nililigawan' mo porke't wala s'ya dito."

Natigilan si Isaiah.Miski ako.

Mali..

Mali to alam ko.Pero anong magagawa ko?Mahal ko e.

"There's nothing wrong.We're just partners.Si Zenaya pa rin naman."

His words stabbed my chest.Until now, it's still Zenaya.I know my place yet I'm still hoping for us.Kasi naman,Daniella.Ang dami-dami dyan pero nagpapakatanga ka kay Isaiah?Kung pwede lang pumili ng iba sa simple paraan malamang nakakailang boyfriend na ako.

I'm reserving myself for someone who's already smitten to someone.And here I am,secretly hurting.

Maybe,Dos noticed my silence.Si Isaiah kasi ay lumabas para sagutin ang tawag ni Zenaya.Dire-diretso pa ang paglabas nito na para bang nalimutan ang presensya ko.Gano'n naman palagi.Dos handed me water.Ni-hindi ko napansin kung kelan sya kumuha o kung bakit ganito ako katigil.What's wrong with me?

Sanay ako.Sanay na dapat ako.

"Sorry for my jerk cousin."pagseseryoso ni Dos.Lalong lumaki ang hinala ko na may alam sya.

Pilit akong ngumiti."I'm good.I'm fine!"

He tsked."Too much love can kill you."

I just shrugged my shoulders.I lost words.

"You're inlove with him,right?"siguradong sabi nito at bumalik sa pagkakaupo.

Huminga ako ng malalim at umupo sa kalapit na wooden chair.

"You don't have to know."because i want Isaiah to know it first.

"Kahit hindi mo sabihin,halata sayo."tamad syang umiling,"What's with Isaiah? I'm curious.."

Hindi pa rin ako sumagot.Hihintayin ko lang si Isaiah tapos magpapaalam na ako.Parang nawalan na ako ng gana eh.

"And you know? That's like cheating."he darkly said.

Doon napantig ang tenga ako.Sinamaan ko s'ya ng tingin.

"No, it's not."mariin kong sabi.

Hindi pa sila,okay?

Pagkabalik ni Isaiah ay nakababa na ang cellphone niya.Diretso agad ang mga mata nya sa'kin at kay Dos.Mariin itong napapikit bago nakapamulsang lumapit sa'kin.

He gently smiled."Let's go."

Nanlaki ang mata ko.Lalo na ng kunin nya ang kamay ko sa harapan mismo ng pinsan nya.

"S-saan tayo pupunta?"i uttered.

"Sa iba tayo.Wag na dito."

Gusto kong magtanong ng bakit.May kanina pa ako napapansin pero ayaw ko naman maging assuming sa oras na ito.Pagdating kasi kay Isaiah ay wala laging kasiguraduhan.

"Isaiah..."

Bahagya nyang tinagilid ang ulo habang may tinatagong ngisi.Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtataka sa mukha ng pinsan nya,natanggal ang pagkakasandal nito sa sofa habang nakatingin sa'min.I sighed.

"Asikasuhin mo nalang ang bisita mo,ano..bukas nalang yung essay." alinlangan kong sabi.

Kumunot ang noo nya at madilim akong tiningnan.

"Ayos lang sayo na kasama 'yan dito?"pabalang nyang tanong,bahagyang nginuso si Dos na nanonood na ng TV.

Pinigil ko ang ngiti.

"Loko.Uuwi nalang ako"

Pasimple syang gumilid at bumulong sa kaliwa kong tenga.Na-alarma ako dahil alam kong halata iyon ni Dos.Mukhang walang pakialam si Isaiah kaya medyo nakakataka.

"No.I want your attention,baby"he whispered."Only to me."

It's sounds unfair but I can't help but to smile.Sa huli'y napawi rin ang ngiting yon.

Why are you acting like this,Isaiah?

Bakit ba tuwing magkasama tayo parang ako ang gusto mo?

Pero kapag madami na,kapag andyan si Zenaya,kulang nalang itanggi mo ako?Haays.

"Hey.You okay?"

"Saan kayo pupunta?"singit ni Dos.

"None of your business."supladong sagot ni Isaiah.

Kinurot ko sa tagiliran si Isaiah kaya napabaling ito sa'kin."N-nagseselos kaba?"mahinang bulong ko,miski ako'y hindi makilala ang sariling boses sa hina.

He stiffened.Tama ba ako,Captain?

Bakit naman sya magseselos?Kapag nga may kasama akong lalaki sa school parang wala syang pake eh.Tapos ngayon...

"I'm not."

Bakit hindi?

He pull my wrist kaya napababa ako sa highchair,walang salita nya akong hinila palabas ng pinto.Masyado syang malakas para magpumiglas pa ako.Tutal naman ay may konting tuwa rin akong nararamdaman dahil may tiyansang nagseselos nga sya.

"Saan mo siya---"

Hindi nya pinansin si Dos at diretso kaming lumabas ng Unit nya.Pagkasara ng pinto ay doon nya lang ako binitawan.Nagtataka ko syang hinarap.

"Isaiah,hindi mo dapat ginawa yon!Nakakahiya rin sa pinsan mo---"he shut me up with his lips.

"Araw natin to, diba?You want a date,right? let's go."













Behind Those LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon