15

68 8 4
                                    

~*~

Bitbit ang isang yakult ay lumabas ako ng apartment.Maga-alas otso na ng gabi pero nagpasya pa rin akong lumabas.Hays,hindi kasi ako makatulog kahit anong yakap ko sa unan.Magulo na naman ang isip ko dahil lang doon ,may parte na namang umaasa pero syempre mas lamang yung kagustuhan kong makaahon na.Ni-hindi ko nga alam kung legit ba na kanya yan or what.

Inayos ko ang hoodie at kinalog muna ang yakult bago inumin.Tanging ilaw lang sa poste ang nagsisilbing liwanag ko habang naglalakad.Ang alam ko kasi may bagong bukas na 7/11 sa may dulo kaya doon nalang muna ako,mag-iisip at aaliwin ang sarili.

Iniwan ko na rin yung cellphone,mahirap na.

Nakailang buntong-hininga na ata ako bago matanaw ang 7/11.Finally!

Konti nalang ang mga nasa loob,kakalabas lang din ng mga magbabarkda ata.Kinuha ko ang wallet sa bulsa at pumasok,binati pa ako ng nakasalubong ko.Nginitian ko nalang rin kahit hindi ko sya maalala.

"Matagal pa ata yung sa'min pero potek,yung prof,daig pang may hinahabol" kinig kong bida ng isang babaeng medyo malapit siguro sa edad ko.

Nakaikot ang mga upuan nila sa isang mesa at masayang nagku-kwentuhan.Tatlong lalaki ata yon at ang isa ay boyfriend nya then dalawa silang babae.

"Terror yun!Palagi kaming pinapagalitan kahit wala pa kaming ginagawa,tas walk out queen din!"

"Naalala ko yun!" sabay sabay silang tumawa.

Hindi ko alam kung bakit nakuha nila ang atensyon ko.They are all having fun and maybe..maybe I just want to see happy people,baka sakaling mahawa ako.Masaya naman ako kanina e pero nakakalungkot kapag mag-isa uli.Sighed.

Habang kumukuha ng chips at ice cream ay napapatingin parin ako sakanila.Medyo malakas rin naman kasi ang boses kaya nahahawa sa tawa nila ang iba.

"Tapos magsusumbong yon sa asawa niya,magkatabi lang kasi yung room.Napaiyak ka ata no'n, Clarissa?"tumatawang sabi ng chinitong lalaki sa katabi nya.

"Malamang!Ang hirap-hirap nyong patahimikin,tinalo nyo pa ang elementary!"sagot nito,kumakain ng piatos.

"Bakit hindi nyo pala sinama yung kambal?"the other guy asked.

Pagkabayad ko sa counter ay naupo ako sa mesa,hindi kalayuan sakanila.Naeenjoy pa ako makinig sa nga kwento nila.Sana one of this day,magawa namin yan nina Kennedy!Kasama si Isabelle syempre.

Inayos ng babae yung tuwid n'yang buhok bago umayos ng upo.Napansin ko agad yung marami nyang hikaw sa kaliwang tenga,hindi naman yun nakabawas sa ganda nya actually.Maangas naman saka bumagay sa medyo mataray niyang aura.The other girl is pretty too,simple lang at halata talagang matalino dahil may bitbit pang libro.Yung mga lalaki,di ko madescribe dahil nakatalikod tas busy ata sa paglalaro.

Ang iingay nila pero ang sarap pakinggan lalo na kapag malungkot ka.Nakikitawa pa nga ako minsan e,parang tanga lang.Naubos ko na ang chips at ice cream pero hindi muna ako umalis sa pwesto,until their group noticed me.

"Uy!Si Dane ba yan?"kinig kong bulong no'ng isang lalaki sa grupo nila.Nagulat tuloy ako.

"Gagi,yan nga!Batiin mo!"

"Bakit ako?Ikaw may crush diba?"

I chuckled when they start whispering to each other.Naiiling akong tumayo sa upuan kaya naalarma sila't bumati sa'kin.

"Hi D-dane!"

Nginitian ko silang lahat at tipid na kinawayan."Hello."

Lumapit ako sa pwesto nila,kinuha naman ako ng upuan ng bumati sa'king lalaki.Namumula pa ang tenga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Those LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon