Heon P.O.V.
'K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N
Pagkagising naming tatlo ni troié at shuan ay sakto namang pagpasok ng mga parents namin kasama ang mga doktor ngayong araw kami lalabas ng hospital kaya makakapasok na kami kinabukasan
" Pwede na silang makalabas ngayong hapon mga Mrs. at sana'y wag na kayong bumalik dito mga iho " Rekommend ng hindi katandaang doktor na sumunod kila mommy papasok sa hospital suit namin
" Did you hear that heon? Don't go back here anymore" Bilin ni mom natawa naman ako ng bahagya
" Mom kung aarawin kong pumunta dito baka mamatay lahat ng taga hanga ko" biro ko sa kanya nagsingitian naman sila shuan sabay nagbulong sa hangin ng ' ASA'
" Naayos niyo na ba ang mga damit niyo kailangan na nating umuwi" Biglang anunsyo naman ng mom ni troié ng pagkapasok niya matapos ihatid ang doktor sa labas tumango lang kaming tatlo at sabay na lumabas ng hospital kasalukuyan kaming nasa byahe ng biglang may magpaharurot ang dalawang kotse sa magkatabing side ng sasakyan namin nila dad na dumaan rin sa sasakyan nila troié at shuan napa sigaw naman si mom sa gulat pati narin ang mga nasa sasakyan nila shuan buti na lang at walang masyadong sasakyan ngayong araw
" Oh my god what did just happen" Mahinang usal ni mommy pati ako ay nagulat rin sa nanagyari ngunit di ako nagpahalata ng makarecover ako ay tumingin ako sa labas ng bintana at tinignan kung saang intersection kami
" Dad ireport niyo sa police to pagkauwi natin kunin niyo rin ang plate number we almost got a heart attack because of them" Naiiritang paalala ko kay Dad nakangiti naman itong tumingin saakin at saka tumayo ano namang nakakangiti dun
" Dad bakit ganyan ka makangiti?" takang tanung ko pa sa kanya
" Nagbibinata na kasi ang anak ko" malakas na tawa nito sinumangutan ko naman siya tsaka siya hinampas ni mom sa braso
" Tama ang anak natin we should tell it to police puro ka biro e " Mahinhin pero nagtuturong pagsangayon ni mommy ngumiti naman ako
" Okay....okay..." Pagsangayon na lang ni dad ng makita pinagtutulungan na namin siya ni mommy pagkadating namin sa bahay ay sumablubong naman ang kapatid ko pati narin ang pinsan kong si Diana
" O Kumusta ang mukha mo?" Tanung nito mahahalata mo ang pagaalala sa mukha niya at naiinis ako dahil hindi ko magawang iwasang matuwa sa ikinikilos niya ang totoo niyan ay hindi kami tunay na magpinsan ngunit yun ang naging papel niya sa buhay ko ng kupkupin siya nila mommy
" Ayos lang ako wag kang magalala" Nakangiting sagot ko sa kanya kaya naman umayos siya ng ayos nakabusangot namang humarap ang kapatid ko saakin
" Tignan mo nga naman ang tibay ng mukha ni kuya nabangasan nga gwapo parin ano mambabae ka ulit?" Nangaasar na tanung at panunumbat nito saakin nginisian ko lang ito sabay pasok sa loob ng bahay at dumeretso sa sofa
" Heon Anak don kana sa kwarto mo magpahinga maaga pa kayo bukas" bilin ni mom kaya naman tumango ako sa kanya ngunit bago pa man ako umakyat ay dederetso sana ako sa kusina ng pigilan ako ni diana
" Ako na dadalhan nalang kita doon umakyat kana" Nakangiting sagot niya saakin ngumiti naman ako pabalik at ginulo ang buhok niya at saka dumeretso sa kwarto pagkahigang pagkahiga ko ay nakaidlip ako ng ilang minuto ng biglang may yumugyog saakin
" Heon gumising ka muna at kumain dinalhan kita ng sandwich sabi ni tita hindi ka pa daw kumain kanina" Sabi nito kahit gusto ko pang matulog ay sadyang hindi ko matanggihan si diana kaya umupo ako agad at saka ngumiti sa kanya
BINABASA MO ANG
Trapped into Bad Girl's Love [Completed]
Teen FictionCién University isang prestigous school kung saan mga matatalino at mapeperang istudyate ang mga nakakapasok sa paaralang ito Anong mangyayari sa paaralang ito kung makapasok ang pinaka walang galang at masungit na babae sa loob ng paaralan? Hindi...