• YLLANA •
Pagka-uwi ko sa bahay ay sinabi sa akin ni nanay na nay supresa siya sa akin. Kaya't ngayon ay may nakatakip sa aking mga mata.
Nay saan po'ba tayo pupunta?
Basta Yllana sumunod kana lang sa akin. Suprise nga diba, ba't ko sasabihin sayo. Natatawang sabi ni nanay.
Nay, sino ba kasi ang hindi magtatanong ehh, naka blindfold pa ako.
Hinahawan ako ni nanay para hindi ako madapa sa dinadaanan namin. Nahinto ako sa paglalakad ng bitawan ako ni nanay.Sige..., Yllana bibilang ako nag tatlo at pagkabilang ko ng tatlo ay tanggalin mo nayan piring mo sa mata...,okay? sabi ni nanay sa nagagalak na tono.
Isa.........dalawa...........tatlo!
Pagkatapos ni nanay magbilang ay dahan dahan kung tinanggal ang piring sa aking mata
Congrats Yllana!
Nagulat ako kasi halos lahat nang kapitbahay namin ay narito. Nakita kung natutuwa ang lahat dahil sa mga ngiti sa kanilang mukha.
Nadito ang mga anak ni aling Rosa, pati narin ang anak ni aling Marie. Si aling Marie ang may ari ng apartment na tinitirhan namin ni nanay.
Mahigpit kung niyakap si nanay. Nakita kung naiiyak na naman si nanay. And it made me hug her even tighter. At makita ang mga tao na, hindi mo man kadugo pero masaya sila para sayo ay nakakatuwa.
Ohh..,Yllana, anak pag- pasensyahan mo na ang handa namin anak at hindi gaano ka bongga.
Nay maraming salamat po dito. Pagkatapos kung yakapin si nanay ay lumapit narin sina aling Rosa at aling Marie para yakapin ako.
Nagpasalamat ako sa kanila, at humingi sila ng pasensya dahil hindi ganun ka bongga ang handaan.
Kahit wala na po'ng handa. Masaya po ako dahil nadito kayo ngayon. Sinabi ko sa kanila at nagpasalamat ulit.
Isa isa rin namang lumapit ang mga kapitbahay namin para ako ay batiin.
Congrats ate ganda! sabi ng mga bata na kapitbahay namin.
Congrats Yllana! at marami pang bumati.
Pagpasensyahan muna to'ng handa namin ha hindi ganon ka bongga sabi ni aling Marie habang ngumingiti.
Ano kaba aling Marie okay na'po ako nito. At sobrang maraming salamat po talaga.
Ano kabang bata ka walang ano man nakangiti nitong sabi.
Natutuwa lang talaga ako sayo at humahanga, bunga ito ng lahat ng pagsisipag at kabaitan mo.
YOU ARE READING
Forcing her [ ONGOING ]
रोमांसWarning: MATURE CONTENT ... R-18...[UNDER MAJOR EDITING]