• YLLANA •
Maaga akong pumasok sa paaralan. May mga kaylangan akong aralin dahil papalapit narin ang mga major exams namin. And i needed to pass all of it. To secure my latin honor spot.
I enter the classroom, maliit pa ang bilang ng mga kaklase ko sa loob. Lumapit ako sa isa sa mga upuan sa harapan para maka upo na roon.
Congrats Yllana!
Congrats Yllana, ang galing mo talaga!
Lumapit sa aking ang ibang kaklase para batiin ako. Hindi ko alam kung papaano nila nalaman. Baka nanood sila kagabi, or maybe they heard it.
Maraming salamat sa inyo! I said politely. I smiled sweetly to them, to make them know that i'm truly grateful.
Lahat ng lalaki kung kaklase ay binati ako, some of the girls greeted me as well. Even our teacher. At doon ko nalaman na may mga video pala online at nag viral 'yun basi sa dami ng likes at views sa facebook.
I didn't know, hindi ako nag log in sa mga social media accounts ko ka gabie, dahil pagkatapos ng pageant ay umuwi ako at ginawa ang mga takdang aralin at natulog pagkatapos.
Natapos ang discussion at sinabi ng guro namin ang mga kaylangan naming aralin para sa nalalapit na exams.
Bumili ako ng makakain sa canteen at pumunta na sa library pagkatapos. I needed to review some of our topics. Naisipan kung mag-review na ng mas maaga dahil may pageant at modeling gigs pa akong sasalihan.
After reviewing our lessons, i check my email. Maraming messages 'don, binasa ko ang mga sa tingin ko ay importante. After reading all of it, ay pumasok na ako sa huli naming klase.
Naglalakad ako papasok sa eskinita na kung saan naroon ang apartment na tinitirhan namin ni nanay. Bumili narin ako ng pwedi ulamin namin sa hapunan. Naisipan kung magluto ng tinolang manok dahil iyon rin naman ang paborito ni nanay. Nahinto ako sa paglalakad ng may marinig.
Pst! Pst! Ganda talaga ni miss Yllana oh!
Pansinin mo rin naman kami miss! Tagal ka na naming gustong makasama hali kana miss! Sabi ng isang grupo ng mga kalalakihan.
Mabilis akong naglakad at hindi na sila pinansin. Kainis! Mga mukha namang adik! Mga manyakis nga naman mga walang magawa sa buhay.
Pagkarating ko sa apartment ay nakita ko si nanay na nagwawalis sa labas.
Oh..., anak ginulo kana naman ba nila sa daan?
Ahh..., hindi naman po nay.
Ayaw kung sabihin kay nanay dahil ayaw kung mag-alala pa siya. At hindi naman nila ako nilalapitan kaya't walang problema .
Mano po, nay ako napo diyan. Tukoy ko sa mga tuyong dahon na kaylangang walisan.
Baka po mapagod kayo nay.
Sos! Hindi naman ito ganun ka hirap gawin at patapos narin ako sa pagwawalis. Pumasok kana para makapag-pahinga kana.
Nay, kayo ho dapat ang kaylangan magpahinga.
Basta pumasok kana, ipag-timpla mo nalang ako ng kape ng sa ganon ay mawala ang pagod ko. Tumatawang sabi ni nanay.
🌌🏞️🌅
YOU ARE READING
Forcing her [ ONGOING ]
RomanceWarning: MATURE CONTENT ... R-18...[UNDER MAJOR EDITING]