Chapter Four: Car Crash

414 5 7
                                    

Hi!! EP nga pala! First time ko mag-update sa wattpad para dito. Ang ina-update ko lang kasi yung draft notebook pero ako maguupdate for the rest of the sequel tapos si El naman daw sa Directionator Diaries (original & bonus) So yeah! Without futher ado, I now present to you (it rhymes!) Chapter PAKING four of Knowing You By Loving You

                                                                        +         +         +

“Ok. Class Dismiss” sabi ni Penguin-este yung teacher namin. Wag nyo na tanungin kung bakit penguin dahil di ko rin sasabihin sa inyo kung bakit :P. Inayos ko na lang yung gamit ko para maka layas na dito sa room at sa school. Baka kasi pabagal bagal pa ko at may i-utos sakin tapos di ko na marinig sapagkat after mag-announce ng isang teacher na dismissal na, din a gumagana utak ko.

“Uwi ka na agad?” tanong ng kaibigan ko pagkalabas naming ng classroom.

“Bakit? May mapapala ba ko kapag nanatili pa ko dito sa paaralang ito?” Ganun ako sa kanya. Laging malalim na tagalong kasi nabwibwisit sya dun kasi di nya maintindihan. Di na sya nagsalita at umiling na lang.

Lakad lakad lang ako sa hallway. Daan dito, daan dyan. Andaming estudyante kaya naman imbis na daan ng daan, banga dito, banga dyan ang nangyare. Sinabi ko nga yon pero di ako nababanga. Kahit 2nd year palang ako, alam ko na yung mga pasikot sikot pagdating sa crowded areas pero…

“Aray!” sabay kaming napasigaw ng isang estudyante.

“Sorry” sabay ulit kami? Wew. Tinulungan nya akong magpulot ng gamit tapos lumayas na sya. What’s with the rush kaya? And I notice na… asdfghjkl! DIRECTIONER sya. As in D-I-R-E-C-T-I-O-N-E-R. Dye-rectioner to be exact kasi kailangan with Brit accent.

Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad at thankfully, wala na akong nakabanga ulit ngunit nababagabag ulit ako dun sa parang ‘adrenaline rush’ nung babaeng directioner na yun. Kaklase ko kasi sya. So kung wala akong gagawing importante, malamang sa malamang ay ganun din sya. Ka-curious lang ah.

Lakad here and there sa hallway while humming. Yan ang ginagawa ko ngayon. Kasalanan ko bang malayo ang room naming sa gate? Pero don’t worry guys, itong takas sa mental nyong bida ay malapit ng makalagalag sa kadahilanang konting steps nalang ay nasa pintuan na ko na naghahati sa aking kalayaan at kaparusahan.

“And voila!” sigaw ko ng medyo mahina pagkarating ko sa aking destinasyon which caused me to get strange looks from people by the way. “Problema nyo?” taas kilay kong tanong sa kanila. Mabuti naman ay pinagpatuloy na nila ang pinaggagawa nila dahil wala silang pake kung sigaw ako ng sigaw basta di ako nagsusuway ng rules. MIND YOUR OWN BUSINESS nga diba?! “Bye kuya! Alis na me!” sabi ko sa pinakamasigla kong boses kay kuya guard. Pinahintulan nya naman ako na lumabas na sa kaparusahan place ko at pumunta na ako sa aking kalayaan. “Freedooooooooom!” this time, sigaw to the max na ko. Di ko na pinansin yung mga taong dumadaan kahit alam kong nagsisitinginan sila. Bahala sila sa buhay nila. Tatlong salita lang, ‘Bitches gonna hate’.

San kaya pede pumunta? Ang tanong ko sa aking isipan. Wala akong maisip gawin eh. Wala naman kasing homework o kung ano man na kailangang gawin kaya boring lang kung uuwi agad ako. Baka naisip nyo dyan ay isa akong ‘suwail’ na bata noh? Medyo tama kayo kung OO ang sagot nyo kasi totoo naman. Kaya lang hindi naman totally na ganun. Sa panahon kasi ngayon, may maiisip pa ba kayong teenager na matino? May iba nga dyan landi ng landi at may mga ka-edad nga ako na lolo’t lola na ang mga magulang nila. So to say na matino ako ay katanggap-tanggap naman ‘yon diba? Hindi ako sumasamang mag-boy hunting sa mga kaklase ko, magsugal, manigarilyo, at lalong lalo na ang lumandi sa private man o public place. NBSB nga ako e pero di ko pinagsisisihan.

Sa dinami-dami ng nabasa nyo sa isipan ko, napadpad na ko sa aking paroroonan. Ang kaisa-isang McDonalds. Expected ban a dito ko pupunta? Hobby ko na rin kasi ‘to eh. Dito ko kumakain ng hapunan at nagpapalamig ang problema nga lang, di pa man ako nakakatawid ay tanaw na tanaw na dito sa kinatatayuan ko na may kumpolan ng mga babae sa harap ng naturingan fast food chain. Ghad. I sounded like a reporter XD. Pwede ko sigurong maging curso yun? Kaya lang mahirap mag shift ng course e. Di naman pala sa mahirap, nakakatamad lang.

“Alianna, kailangan mo na telescope!” bulong ko sa aking sarili. Ano ba kasi ang nangyayari dun sa loob at maraming tao? Kung di naman kasi importante yun, sa Chowking nalang ako kakain. Katai lang naman e.

Improvise 101. Dahil naman may papel ako, nirolyo ko ito para maging telescope narin if you consider it as one. I consinder it as one kasi nakita ko ang nasa loob. Parang wala naming worth of wasting my time na gagawin dun para makipagsiksikan. Isang blonde na lalaki lang naman iyon na pinapaligiran ng mga tumitiling babae na nagwawagayway na kanilang notebooks, ballpens, cellphones at camera. Palayas n asana ko nung…

Si ano yun! Si… si Horan! Si Niall! Si Niall James Horan! Ang aking future husband! May aangal?! Ano?! Maingit na kung maingit basta akin sya. Magiging akin sya. Tiwala lang.

Tatawid na ko nun e. Ayun na eh. Mahahawakan ko na ulit sya nung time na yun. Yun na ang pangalwang beses na mahahawakan ko sya. Nagkatinginan na nga kami eh. Ayun na! Ikakasal na sana kami! (A/N: Di nga sya malandi. Uber feeler lang xD) Kaya lang…

Boooooooooogsh!

Lahat ng pangarap ko nawarak dahil biglang nagdilim ang aking paningin.

                                                                        +         +         +

Author's PAKING note:

Humingi ako ng patawad dahil maikli ang chapter na ito. Ito na kasi yung pinakaPOINT ng chapter at di ko na kayang pahabain pa. Kahit sa draft maikli yan pero don't worry sa Chapter 5 dahil dun na magsisimula ang lahat at sinisugurado ko sa inyong mahaba iyon! Pagtyagaan nyo na yan. Think positive nalang guys! At least nakapag-update diba?

Typos?

-EP xxxxxx

P.S. Nag-update ako kasi gusto ko i-share ang pagkapanalo namin! Nanalo kasi ang section namin sa 'Movie Theme Song Interpretaion' at si Alianna, ang ating bida, ang aming director/directress. Di kami mananalo kung di dahil sa kanya! Kahit inaamin ko na ma times na nakakatakot ang aura nya, mahal na mahal ko parin sya!

Always remember, SHE'S GOOD, WHEN HER CRUSH IS THERE! XD

Knowing You, by Loving You (1D fan fic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon