WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.
Napamulat ako ng naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Nakatulog pala ako. Umupo ako ng maayos. Inayos ko ang buhok ko at tumingin kay Ryan. Nakatitig ito sa akin. Sa tingin ko ay malapit ng maggabi dahil medyo madilim na.
"Ryan.. mabuti na ba ang kalagayan mo? May masakit ba? Tatawagin ko ang doktor." tuloytuloy kong sabi at tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin muli ako sa kanya.
"Stay.." mahina ang boses nito. Hindi ko alam kung bakit. Tumango na lamang ako at umupo.
"Okay ka na ba?" nakahawak pa rin ito sa kamay ko. Ngayon ko pa lang napansin na wala na dito ang ina niya. Siguro nakatulog ako sa kakaiyak.
"I'm okay.." nanghihina nitong sabi.
"Sorry, dahil na naman sa akin, nasaktan ka." dumuko ako. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Nilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga.
"It's not your fault, okay? I'm thankful that you are there when I suddenly collapsed." nag angat ako ng tingin at ngumiti sa kanya.
"Still it's not enough, Ryan." sabi ko. Hinaplos niya naman ang pisngi ko.
"Wait lang ha, bakit parang palagi mo ako hinahawakan?" niliitan ko siya ng mata.
"I don't know.. pakiramdam ko ay noon ko pa ito ginagawa sayo." sabi nito at pinisil ng bahagya ang pisngi ko. Hinawi ko naman ang kamay niya.
"Jerk, meron ka ng fiancée." sabi ko at umirap. Humalakhak naman ito.
"Sorry, I just had this feeling that you're part of my life before." huwag mo akong paasahin, Ryan!!! Kapag bumalik na 'yang memorya mo masasapak talaga kita!
"Maybe I was, or not." gusto ko na talagang sabihin pero ayaw ko namang masaktan si Ryan. He was mine, and I'll make him mine again.
Kinuha niya ang cellphone na nasa gilid at tinignan ang screen. "Oh shit! The fucking reunion!" malutong nitong sabi.
"6 PM pa 'yun. Huwag ka ng sumali baka mapano ka pa." sabi ko. Nagtataka naman ito sa sinabi ko.
"How did you know? Batchmate ba tayo?" tanong nito.
"Pwede bang hindi sagutin baka sumakit na naman ang ulo mo." umiling ito sa akin.
"I'm right, we're batchmates.. but I had this strange feeling that it was more than that." seryoso itong nakatingin sa akin. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin. This question is too hard to answer.
"Ah... stop asking questions Ryan.. you might end up hurting yourself." humiga ito muli sa kama, nanatili itong nakatitig sa akin.
"Damn, you're too caring, I might think that you're my fiancée.." Jerk! I'm your freaking fiancée! You even proposed to me!
"I wish I was." ngumiti ako sa kanya.
"Can you call my Mom?" tumango ako. Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa at dinial ang numero ng ina niya. Sana nga lang hindi nagpalit ng numero si tita.
"Blessy?" she spoke.
"Gising na po si Ryan, tita." sagot ko. Ryan's eyebrow furrowed.
"Thank you for taking care to Ryan, Blessy... I'll be there in a minute." ngumiti naman ako sa sinabi niya. Hearing that words from her mom makes my heart fluttered.
"Take care tita." sabi ko.
"I will, bye Blessy." sabi nito at pinatay ang tawag. Hinilot ko naman ang sintido ko.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020