Kita ko naman sa pagmumukha niya na hindi talaga niya alam. Nilagok niya ang alak at tumingin muli sa akin. Nilapag ko naman ang bag ko sa gilid.
Kahit madilim ang paligid ay kitang kita ko ang mga gamit na nagkalat sa sahig.
"Take a seat." sabi nito. Wala naman akong ibang nagawa kundi umupo. Tumayo ito at kumuha ng isa pang baso. Nagsalin ito ng alak at inilapag sa harap ko.
"Drink with me." umupo ito muli at uminom na naman. Nakatingin lang ito sa bote ng alak.
"Hindi ako umiinom." sabi ko. Hindi naman ito umimik. Bumuntong hininga ako at hinay-hinay na ininom.
"Nasasaktan ako at galit." biglaang sabi ni Ryan. Napalunok naman ako.
"Do... you love her?" nahihirapan kong sabi. Nagsalin naman ito ulit at ininom.
"I don't know, Blessy... pinanghahawakan ko lang ang panaginip ko kasama siya." pinakasalan niya kahit hindi niya mahal? Yun lang? Psh... hinintay niya sana bumalik ang lahat ng alaala niya.
Yung konsensya kong nadarama ay napalitan ng inis.
"Paano kung hindi siya ang babaeng napanaginipan mo?" tumingin naman ito sa akin.
"What do you mean?" tanong nito. Umiling lamang ako. Tumayo ako.
"Nothing, ihahatid na kita sa kwarto mo, lasing ka na." sabi ko at hinawakan ang bisig niya. Tumayo naman ito.
Sinusunod ko lang ang nginunguso niya. Hanggang sa makaabot kami. May nakalagay sa pinto ng master's bedroom. Binuksan ko ang pinto at pumasok na kami. Si Ryan ay parang patay na nakahiga. Ang bilis niyang nakatulog.
Pinalibot ko ang tingin sa buong silid. Mahilig talaga siya sa itim, kagaya din ng kwarto niya sa probinsya. Pinailaw ko ang lamp sa gilid ng kama niya at kinumutan siya. Tinitigan ko muna ang mukha niya.
Sa tingin ko ay nanaginip siya dahil bigla siyang nagsalita.
"Babe..." malungkot akong ngumiti at hinaplos ang buhok niya. Lumabas na ako sa kwarto niya at dumiretso sa mini bar.
Niligpit ko ang mga gamit na nagkalat at pati ang bote ng alak.
Hindi ko alam kung saan ako matutulog mamaya, siguro may maid's room dito. Kinuha ko na ang bag at lumakad lakad dito.
Tama nga ako, may maid's room talaga dito. Pumasok na ako at inilapag ang bag sa gilid ng kama. Malaki ang kwarto at madami rin ang kama dito. Nagkuha ako ng damit pamalit at nagbihis.
"Ano na? Wala na akong ibang gagawin?" tanong ko sa hangin. Humiga ako sa kama.
"Hindi pa pala ako kumain." hindi pala ako nakakain dahil nagmamadali akong hanapin ang kwintas kanina.
"Pwede naman sigurong magluto dito.." sabi ko naman. Tumayo ako at lumabas sa kwarto. Pumunta ako sa kusina at tinignan kung anong pwedeng lutuin.
"Walang stock.." kakalipat lang siguro ni Ryan dito. Sa tingin ko ay dito sila titira ni Ella pagkatapos ng kasal.
Hindi na lang muna ako kakain, wala naman akong perang pambili. Sanay din naman akong malipasan ng gutom.
Pumunta ako sa kwarto ni Ryan. Natutulog pa rin ito. Umupo ako sa kama at tinitigan siya.
"Ang gwapo." sabi ko at hinawakan ang mukha niya. Dumilat naman ito at hinawakan ang kamay ko.
"S-sorry." sabi ko, nakatitig na ito sa akin.
Napatili ako ng binagsak niya ako hiniga sa kama. Tinaas niya ang kamay ko habang hindi binibitawan.
"Ryan? Anong gagawin mo?!" inis kong sabi. Lasing pa naman ito diba?
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020