Wala talaga akong kilala na Yesha. Nacucurious tuloy ako kung ano mukha niya. Pakiramdam ko ay maganda rin ito dahil sa lahat ng jinowa nila ay puro maganda at sexy. Hindi ko lang alam sa ugali.
Noon nga ay may nagagalit sa akin dahil napakaclose ko daw sa kanila, like duh syempre boyfriend ko si Ryan. Nahahantong tuloy sa bully. Ang iba nga lang ay hindi ko pinapatulan dahil magmumukha lang akong war freak.
"Ay hindi ko kilala." sabi ko at lumayo kay Ryan. Uminom ako ng tubig.
"Their relationship was too private and lowkey, Blessy. Iilan lang ang nakakaalam." tumango ako sa kanya. Hindi na ako magtatanong kahit nacucurious talaga ako.
"Magtatagal ba kayo dito? Akala ko kakain lang kayo." sabi ni Ryan sa kanila. Umirap naman si Zachary sa kanya.
"Gusto mo lang masolo si Blessy." sabi ni Kaleb. Tumawa naman si Ryan sa sinabi niya.
"What? Kahit nandito kayo kaya ko kayong iwan at pumunta sa kwarto para masolo si Blessy." nanlaki ang mata ko at binatukan siya. Hindi pa talaga siya nagbabago.
"Gago, itikom mo 'yang bibig mo!" singhal ko sa kanya.
Hindi naman makapaniwalang umiling si Ivo sa kanya.
"Do you remember anything, Ryan?" tanong ni Ivo. Tumingin naman ako kay Ryan. Natahamik siya bigla.
"Yeah." tumingin ito sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na magtanong.
"Anong naalala mo? Magpadoktor ka kaya? Kahit check-up lang." sabi ko naman. Umiling ito sa akin.
"Secret, hindi ko sasabihin..." sabi nito, pinaikotan ko siya ng mata. "Ang mahal kaya magpadoktor, mas mabuti pang iipon yung perang pambayad." ito yung linya na sinabi niya noong natapilok siya ah.
"Bro, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig nagiging bading." sabi ni Kaleb at tumawa. Kumuha naman ng unan si Ryan at binato kay Kaleb.
"Gago, tatawanan ko talaga kayo kapag nainlove na kayo." inis na sabi ni Ryan.
"Inlove ka pala kay Blessy?" seryosong tanong ni Zachary. Natahimik naman kaming lahat sa tanong niya. Ang bigat tuloy ng hangin dito.
"Simple question, Ryan yet you can't answer? Pathetic." umiling si Zachary at tumingin sa ibang direksyon.
"Woah.. woah easy, Zach.." sabi ni Kaleb at tumawa. Alam kong pinapagaan niya ang tensyon na nagaganap sa dalawa niyang kaibigan.
"He's not inlove, Zach... if he is, he'll answer you instantly." sabi ni Ivo. May point si Ivo.
Parang kailangan ko ng umalis dito. Hindi ko na alam ang gagawin. Ako na ang pinaguusapan nila.
"Why are we talking about this anyway?" sarkastikong sabi ni Ivo at tumayo. "Restroom." sabi niya at lumakad na palayo.
Tumayo din ako at niligpit ang mga plato na nasa mesa pa din. Dinala ko ito sa kusina. Pagkadating ko sa sala ay nakabalik na si Ivo. Nakatayo na silang apat.
"We'll go now, bye bro." nag man to man hug silang lahat.
"Bye, Blessy." sabi ni Kaleb.
"Bye magingat kayo." sabi ko at kumaway. Lumabas na sila sa bahay.
Kami ni Ryan ang natira dito sa sala. Kinuha ko ang ibang plato at pumunta muli si kusina.
Humarap na ako sa lababo at kinuha ang dishwashing liquid at sponge.
"Blessy?" narinig ko ang boses ni Ryan. Tumingin ako sa kanya.
"Ano?" sabi ko at muling humarap sa sink at nagsimula ng maghugas.
"Sorry, kanina." naramdaman kong yumakap ito mula sa likuran.
"Ano ka ba, wala lang 'yun." sabi ko at mapaklang tumawa.
Mas lalo pa ako nitong niyakap. Tumunog naman ang doorbell.
"Ryan, may tao." sabi ko at tinanggal ang pagkakayakap niya.
"Fine, bubuksan ko lang." sabi nito at umalis.
Sino kaya yun? Kaagad kong tinapos ang hinugasan ko at lumabas sa kusina. Bumugad sa akin ang dalawang babae.
"Come here, Blessy." tawag sa akin ni Ryan. Lumapit naman ako sa kanya. Tumingin naman sa akin ang mga babae.
"Meet my girlfriend, Blessy Baguioso." kaagad akong tumingin sa kanya.
"Gago anong girlfriend?!" galit kong sabi. May tumawa pa sa kanila.
"What? Diyan naman tayo hahantung di ba?" sabi nito at tumawa. Hindi natuloy yung kasal nila dahil sa akin tapos ngayon sasabihin niya na jowa niya ako? What sino niloloko niya? Iisipin talaga nila na ang kati kong babae. Tapos pati si Ryan mahuhusgahan na babaero.
Peke akong tumawa. "Huwag kayong maniwala kay sir, katulong din ako dito.. sana maging kaibigan ko kayo." sabi ko sa kanila at ngumiti. Ngumiti naman silang dalawa pabalik sa akin. Mag kasing edad lang naman siguro kami lahat.
Pagkatapos ng pagpapakilala namin sa isa't isa ay dumiretso kami sa kwarto.
"Wala bang mas matanda sa atin na katulong?" tanong ko sa kanila. Nagsiilingan naman sila.
"Hindi namin alam, pero sabi ni sir meron daw." sagot ni Chloe sa akin. Morena ito.
"Ah ganoon ba." sabi ko at tumango. Umupo naman ako sa kama.
"Feeling ko ay may namamagitan sa inyo ni sir." sabi ni Pauline. "Diba sinabi ni sir na girlfriend ka daw niya pero dineny mo. Ang gwapo kaya ni sir, kung ako sayo luluhod siguro ako kaagad." sabi nito at tumawa. Tumawa naman ako ng peke sa sinabi niya.
"Walang namamagitan sa amin." sabi ko.
"Sabagay, ikakasal na sana si sir pero may tumigil, sino kaya yun?" sabi nito at hinawakan ang baba niya.
"Inggit siguro dahil hindi siya ang pinakasalan." sagot naman ni Chloe kay Pauline. Napaubo naman ako sa pinaguusapan nila.
"May napansin ba kayo, dapat maging miserable si sir ngayon dahil hindi natuloy ang kasal nila pero bakit parang masaya siya?" nagtatakang sabi ni Chloe. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Baka ano pa ang masabi ko kapag sumali ako.
"Baka plinano nila na hindi ituloy yung kasal, pinalabas ni sir na hindi niya alam. Tapos boom kabit niya pala yung sumira." sabi ni Pauline. Parang tumaas yung dugo ko sa naririnig ko dito ah.
"May point ka." sangayon ni Chloe sa kanya.
Humiga ako sa kama ko at nagkumot. Baka makagawa pa ako ng eksena dito.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romansa[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020