Pagkabukas ko sa pinto ay nakita ko ang doctor at nurse na nagrerevive kay Papa. Gumamit sila ng defibrillator.
Nawalan ng lakas ang binti ko kaya natumba ako habang nakatingin kay Papa na putla na putla.
"We did our best that we can do, kung sana naisugod siya ng mabilis dito... I'm sorry for your loss." tumingin ito sa relo at tumingin muli kay lola.
"Time of death, 8:49 PM... please excuse us.." huling sabi nito. Napahawak naman si lola sa dibdib.
Gumapang ako palapit sa kama.
"Pa..." I hold his cold hands.
"I-I'm s-sorry...." hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi nagpakita si Papa ng sakit sa harap namin. He's strong in front of us.
"Please.... wake up... please... huwag mo kaming iwan...." umiiyak kong sambit habang niyugyog ang katawan ni Papa. Our Mom and Dad left us. He also left me.
"No... this is not true... you're just sleeping... please wake up..." I said desperately. Dad won't leave us.
"T-tahan na, hija..." umiiyak na sabi ni lola, tinatapik niya ang likod ko. Tumingin naman ako sa kanya at umiling.
"S-sabihin mo sa akin lola na.. h-hindi 'to totoo... sana panaginip l-lang 'to.... gusto ko ng m-magising.." pinukpok ko ang ulo ko. Hindi ako natatablan ng sakit sa ginagawa ko dahil mas umaapaw ang pagdadalamhati ko.
"T-tama na h-hija... w-wala na ang p-papa mo.... t-tama na.." pinigilan niya ang kamay ko. Napahagulhol naman ako sa sinabi niya. Hindi 'to pwede... Bakit nagsabay sabay?... Ang sakit...
"Hindi..." niyakap ako ni lola. Ako naman ay walang humpay na umiiyak habang nakatingin sa ama kong walang buhay.
Apat na araw na ang lumipas mula ng namatay si Papa. Hindi ako pumasok muna. Hindi pa rin kami makapaniwala na wala na si Papa. Palagi akong umiiyak tuwing gabi. Nasasaktan ako tuwing umuuwi ako ng bahay na wala akong nakikitang bakas ni Papa. Wala ng kasigla-sigla ang bahay namin. Hindi ko na nga naiisip pa minsan-minsan ang paghihiwalay namin ni Ryan dahil lubos akong nasaktan sa pagkawala ni Papa. Hindi ko alam kung bakit unti-unting gumuguho ang mundo ko. Nakuha ni Papa ang sakit sa puso kay Lola. Kung naisugod ng mabilis si Papa sa Hospital ay baka nabuhay pa siya ngayon. Siya lang magisa sa bahay ng inatake siya sa puso kaya walang tumulong sa kanya.
May ibang kaklase kaming pumunta dito at mga kakilala. Tanging ang tatlong kaibigan lang ni Ryan ang dumalaw dito.
He didn't even bothered to see me. It's okay as long as he's happy.
Mabilis ding kumalat sa eskwelahan ang nangyari si kaarawan ni Ryan. May iilang binabato ako ng masasakit na salita ang iba naman ay naaawa dahil sumabay ang pagkamatay ng ama ko. At ang ina namin ay hindi rin nagpakita. Wala na siyang natitirang gamit sa bahay. Iniwan na nila kami.
Habang tulala ako sa kabaong ay may biglang sumigaw mula sa labas, lumingon naman ako sa ingay na pinanggalingan. Ang napakagaling kong ina ay hawak hawak ng mga kapit bahay namin.
"N-nagmamakaawa ako.... asawa k-ko siya.. papasukin niyo ako!" habang kumakawala. Asawa? Sino niloloko niya.
"Anak... p-papasukin mo naman a-ako.." nagmamakaawa nitong sabi. Sinenyasan ko naman sila na bitawan. Lumapit ako sa upuan at kinuha ang isang envelope. Lumapit ako sa kanya.
"Ito ba ang gusto mo?" kinuha ko ang laman nito at tinapon sa pagmumukha niya.
"Akala mo hindi ko malalaman? Ayan annulment paper!! May pirma na 'yan, lumayas ka na at magpakasaya! Mahal na mahal ka ni Papa! Dahil sa pagmamahal niya sayo ay pinirmahan niya dahil alam niyang hindi siya magtatagal! Mas pinili niyang magmahal ka muli ng iba kaysa patuloy ka paring masasaktan sa pagkawala niya!! Inisip ka niya pero hindi mo siya inisip!!" umiiyak na ito. Nakita ko ito ng umuwi ako sa bahay para kunin ang mga gamit ni Papa. Mabuting tao si Papa. Alam kong iisipin niya si Mama kapag nawala siya.
"Wala kang karapatang umiyak at gumawa ng eksena dito!! Kasalanan mo 'to!! Kahit kailan ay hindi niya inuna ang sarili niya.. kumayod siya at hindi niya ginamit ang pera dahil alam niyang may sakit si Kokoy!! Hindi sana 'to nangyari kung nanatili ka lang sa bahay at hindi nangaliwa!! Umalis ka na dito!" sigaw ko naman. My father was so selfless.
"P-patawad.. hindi k-ko alam... k-kahit sulyap lang... aalis din a-ako..." nagiwas ako ng tingin sa kanya. May puso pa din naman ako, ina ko pa din siya.
"Umuwi ka na pagkatapos mo dito." sabi ko at tumalikod, umupo ako malapit sa kabaong. Niyakap ko si Kokoy, pareho lang kaming dalawa. Palaging umiiyak.
Rinig na rinig ko ang iyak ni Mama. Nakayakap ito sa kabaong. Ang sakit na makita na si Mama ay nakayakap sa kabaong ni Papa.
Bigla namang nagring ang cellphone ko na nasa kabilang upuan, kinuha ko ito at sinagot.
"Kaleb?" sagot ko dito.
"Blessy, I know you're mourning right now but can you do me a favor?" saad nito sa kabilang linya.
"U-uh yes.."
"Hinahanap ka ni Ryan, kahit ilang minuto lang, Blessy. Puntahan mo siya kahit saglit lang. Lasing na lasing siya, pati sa amin ay hindi siya nakikinig." hindi pa ako handa na makita siyang muli pagkatapos ng hiwalayan namin. Hindi niya naman siguro maaalala kinabukasan kaya pupuntahan ko nalang. Kahit wala na kami ay mahal ko pa din siya, at hindi magbabago iyon.
"Sige pupunta ako jan."
"Diyan ka nalang susunduin kita.." mahinahong sabi nito.
"Sige ingat ka." sabi ko dito at pinatay ang tawag.
Nagpaalam muna ako saglit kay lola at lumabas. Maya-maya ay nakita ko ang sasakyan ni Kaleb. Huminto ito sa harap ko at lumabas. Naka simpleng white t-shirt lang ito at naka khaki shorts. Parang galing bahay.
"I'm sorry for disturbing you.. hindi na namin alam kung anong gagawin namin kay Ryan." tumango lamang ako. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto.
Pagkapasok namin sa VVIP area ay nakita ko siyang lumalaklak ng alak. Hindi na ito gumamit ng baso, sa bote na siya umiinom. Magulo ang buhok nito. At namamaga ang mga mata. Hindi niya napansing nakalapit na ako sa kanya.
"Ryan.." tumingin naman ito sa akin na puno ng pangungulila.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Roman d'amour[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020