Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang damit niyang lalabhan ko. Nag bulontaryo akong labhan ang damit niya. Pumayag naman sila dahil kakadating lang daw nila. At dahil sa katangahan ko nakalimutan kong tanungin kung saan inilagay ni Ryan.
Bumalik ako muli sa kwarto namin at pumasok. Napahinto sila sa paguusap at tumingin sa akin.
"Alam niyo ba kung saan nilagay ang mga damit?" tanong ko sa kanila.
"Hindi namin alam eh." sabi ni Pauline. Tumango naman ako sa kanya.
"Ah ganoon ba, sige salamat." sabi ko at lumabas. Pumunta ako sa laundry room. Wala naman dito ang mga damit niya.
Sakto ay nahagilap ng mata ko si Ryan na umiinom ng tubig sa kusina. Lumapit ako sa kanya.
"Nasaan ba yung mga damit mong lalabhan ko? Ngayon sana ako maglalaba." sabi ko. Binaba niya naman ang baso at pinunasan ang bibig niya.
"Nasa kwarto, nakalimutan kong ibaba." sagot niya sa tanong ko. Tumango naman ako.
"Sige kukunin ko lang." saad ko at tumalikod sa kanya.
Tinahak ko na ang daan patungong master's bedroom. Napaisip naman ako kung naguusap pa ba sila ni Ella. Tapos naiisip ko palang na kapag nalaman ng ina ni Ryan na ako ang nagpatigil sa kasal baka kamuhian din niya ako. At hindi na ako magtataka kapag mas lalong magalit sa akin ang ama ni Ryan.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at sinuyod ng tingin ang loob nito. Sa tingin ko ay nasa banyo ang mga damit niyang nagamit.
Binuksan ko ang banyo niya. Hindi ako nagkamali, nandito nga.
"Hindi ba siya nakapaglaba nang isang buwan?" tanong ko sa hangin at tumingin sa damit na dala-dala ko.
Lumabas na ako sa banyo, sakto naman ay pumasok si Ryan. Wala na itong pangitaas.
"Ano ba 'yan... magbihis ka nga." sabi ko at nagiwas ng tingin.
Tumawa naman ito.
"Maliligo ako, sama ka?" tanong nito, umirap lamang ako sa kanya.
"Hindi ka na bata para samahan." sabi ko at nilagpasan siya.
Kinuha niya bigla ang dala-dala ko.
"Akin na, mabigat ito." tumango ako at pinagbuksan siya ng pinto.
Pumunta na kami sa laundry room. Nilagyan ko na ng sabon ang washing machine. Ang de color at puti ay pinaghiwalay ni Ryan.
"Nakakhiya naman nandito pa naman yung mga brief ko." reklamo nito. Tumawa naman ako sa kanya.
"Nakita ko na brief mo, nahiya ka pa." sabi ko. Tumingin naman ito sa akin. Naka squat ito at nakahawak sa damit. Magulo ang buhok nito.
"Ah yung nag sex tayo sa ospital?" sabi niya. Umamba naman ako na tatadyakan siya kaya tumawa siya.
"Itikom mo nga 'yang bibig mo, Ryan! Hindi lang tayo ang nakatira dito." binalik niya naman ang paningin sa ginagawa niya.
"What? Normal lang naman makipagsex, iba lang yung atin dahil sa ospital natin ginawa." nanlaki ang mata ko at pinulot ang damit na malapit sa akin at binato sa mukha niya.
"Ryan!!" medyo naiinis kong sabi. Umiling naman ito sabay tawa.
"Try kaya natin sa kotse." ipapasalvage ko na talaga siya. Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig niya.
"Ryan! Manahimik ka nga! Wala ng susunod no!" sabi ko. Pinulot ko na ang pinaghiwalay niyang damit at pinasok sa washing machine.
"Weh? Pakiss nga." sabi nito at nag ngising aso. Nagpipigil na akong masuntok siya.
"Ryan..." nagtitimpi kong sabi. Tumayo naman ito at tinulungan akong ipasok ang damit.
"Biro lang, pero kung gusto mo naman, sabihin mo lang sa akin, game ako jan." pumikit ako ng mariin at tsaka binatukan siya.
"Wala talagang filter yang bunganga mo, Ryan!" pinindot ko na ang on, nagsimula naman umikot ang washing machine. Hindi lang naman isa ang meron dito. Actually lima.
Pinulot ko naman ang mga damit at pinasok isa-isa.
"I don't like to sugar coat, babe. You know me." napatingin naman ako sa kanya. Seryoso na mukha nito. Kanina ay para siyang baliw na ngumingisi ngayon naging matigas na ang tayo nito.
"Babe?" tama ba ang narinig ko?
"Yes, babe." ngumiti ito. Akala niya siguro nagbibiro ako.
"Hindi ako nagbibiro, Ryan. May naalala ka na ba?" tanong ko sa kanya. Pinulot niya ang damit at pinasok sa washing machine. Palipat lipat ang tingin ko sa ginagawa niya at mukha niya.
"Hindi rin ako nagbibiro." sabi nito. "I can't understand, Blessy. You badly want me to regain my memories, pero iba si Ella, kinakabahan siya kapag may tinatanong ako sa kanya. Noon din ay nahuli ko siyang may kausap sa telepono, narinig ko ang sinabi niya, gusto niyang hindi na ako makaalala."
That bitch! Humanda ka talaga sa akin kapag nakita kita. Wala talaga siyang awa. Gusto niya palagi niyang nakukuha ang gusto niya. Pero sad to say, sakin talaga uuwi si Ryan.
"She's a bitch. Bakit ba kasi nagmadali ka?" umupo ako sofa na nasa gilid. Nakahilig lang si Ryan sa washing machine na nakatingin sa akin.
"I asked you, Blessy... pero sinabi mo na hindi naging tayo noon. Naguluhan ako.. may parte sa akin na naniniwala na ikaw 'yun pero ikaw na ang nagsabi na hindi. Tapos ngayon ko palang na realize na baka hindi siya 'yun. Kung mahal niya ako bakit hindi niya ako gusto makaalala?" binasa niya ang labi gamit ang dila. "Bigla ko namang naisip na baka may tinatago siya sa akin.."
"May tinatago siya, halata naman di ba? Huwag mo lang pilitin ang sarili mong makaalala, Ryan...you'll end up hurting yourself." ngumiti naman ito sa akin at tumango.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Thank you, Blessy. Sana nga ay bumalik na kaagad ang alala ko. Ang hirap dahil hindi ako makaalala kahit ano." bumuntong hininga naman ako.
"It takes time to heal, Ryan. Just don't forget to pray. Pray to God, Ryan. God had given you a second chance so don't waste it." sabi ko at ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020