Umalis na ako sa gawi ng mga rosas. Dahil malaki ang rancho nila ay baka mapagod ako sa kakalakad. May batis din dito pero nasa pinakadulo pa ito.
Nagpalakad lakad lang ako hanggang umabot ako malapit sa barn. Natanaw ko si Tiyo doon. Mabuting wala ang ina ni Ryan. Si Tiyo ay may dala-dalang galon na sa tingin ko ay gatas ang laman. Inilagay niya iyon sa truck na malapit lang na nakaparada.
Nagsilabasan naman ang ibang trabahador. May kanya kanya silang dala ng galon.
Tinakbo ko ang distansya namin.
"Gatas ba 'yan Tiyo?" tanon ko habang nakatingin sa mga galon na nasa truck.
"Oo, Blessy ide-deliver pa namin 'yan." tumango naman ako.
"Ah ganoon po ba." tumingin ako kay Tiyo. May ngiti ito sa labi.
"Diyan ka muna ha, tutulungan ko muna si Ryan." napakurapkurap naman ako. Anong ginagawa niya dito? Syempre sa kanila itong rancho.
"A-ah.. sige po." tumalikod na ito at pumasok sa barn. Sa tingin ko ay doon nila ginaganap ang pagkukuha ng gatas mula sa kalabaw.
Nakatayo lang ako malapit sa truck kaya pinagtitinginan ako ng ibang trabahador dito. Hindi kasi namin kinaugalian ni Ryan noon na pumunta dito.
Pinaglalaruan ko lang ang kamay ko at nakatingin sa lupa. Bigla namang may umubo. Napaangat ako ng tingin kay Ryan. Pawis na pawis ito. Ang suot niyang puti na damit ay basang basa na kaya yung abs niya ay bakat na bakat
Narinig kong tumawa si Ryan. Tangina nakakahiya, antagal kong nakatitig sa katawan niya. Sana lamunin na ako ng lupa.
Pumikit ako sandali at umubo.
"Oy... Ryan.." awkward kong sabi. Tumawa naman ito sa akin.
"Blessy... bakit nandito ka?" nakangiti nitong sabi. Tumingin ako sa likuran niya wala akong nakitang bakas ni Ella. Baka hindi sumama.
"Mamamasyal sana ako kanina, sakto naman ay nadaanan ako ni Tiyo sa kalsada kaya sumama na ako sa kanya dito." tumango ito sa akin. Nagpunas ito ng pawis mula ulo hanggang leeg. Napalunok naman ako.
"Ganoon ba.. sorry pala dahil ang baho ko ngayon tapos nagpapawis pa." paumanhin nito. tumawa naman ako ng mahina at umiling.
"Hindi ka naman mabaho." ngumiti ito sa akin.
"Pwede bang pa favor? May kukunin pa kasi ako sa loob." kahit sabihin mo pang kunin mo ang buwan, gagawin ko.
"Alright. Ano ba 'yan?" may tinuro ito. Tumingin naman ako sa tinuro niya. Medyo malayo ito. Malapit ito sa kambingan. May kahoy na upuan doon may nakapatong itong tubig.
"Pwede mo bang kunin 'yung tubig. Nauuhaw kasi ako." tumango ako sa kanya. Lumapad naman ang ngiti nito.
"Salamat, babalik lang ako dito." paalam nito. Tumakbo ito patungo sa loob. Ako naman ay nagsimula ng maglakad. Hanggang sa makaabot ako. Kinuha ko ang tubig at bumalik.
Lumabas naman si Ryan na may bitbit na galon. Nilagay niya ito sa truck pagkatapos ay lumapit sa akin.
Namilog ang mata ko ng naghubad ito ng pangitaas sa harap ko. Sinampay niya ang damit sa balikat niya. Bumaba naman ang tingin ko sa abs niya. Letse kailangan ko na ng kape! May nakahain na sa harap ko na pandesal!
"Eyes up here, woman." napatalon ako ng bahagya at tumingin sa kanya. Nakangising aso ito.
"T-tubig mo." nanginginig pa ang kamay ko. Bwesit nakakahiya! Baka iniisip niya na ninanasaan ko siya.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020