Ilang araw na ang lumipas simula noong sinabi niyang papakasalan niya si Ella. Simula din noong araw na iyon ay hindi ko na siya muling nakita dito probinsya. Sigurado akong bumalik iyon sa Manila para sundan si Ella. The wedding is tomorrow and the invitation was already sent.
Ang premyong naipanalo ko sa kantahan ay binili ko ng mga kinakailangan sa bahay.
"Saan ka pupunta?" nakahalukipkip kong nakatingin sa kapatid ko.
"Sa bahay ng kaklase ko, ate." tumango naman ako.
"Don't forget to bring your medicine and bronchodilators." baka atakihin na naman siya ng hika.
"Nasa bag ate, aalis na ako ate!" nagsuot ito ng sapatos. Pinagmasdan ko lang siya.
"Magingat ka. Magpapagabi ka ba?" tanong ko tumayo ito at tumingin sa akin.
"Hindi naman siguro ate." tumago ako dito. Nagpaalam na ito at lumabas ng bahay. Si lola naman ay wala dito. Nasa bahay siya ng kapatid niya na malapit lang dito. Pumasok ako sa kwarto at humiga. Babalik siguro ako ng Manila sa makalawa. Kailangan ko magtrabaho muli.
Nagpalit ako ng damit at nagayos. Lumabas ako ng bahay. Bibisitahin ko si Melinda dahil wala na akong ibang magawa. Bumalik na din ng Manila si Angel at Sabrina para rin sa trabaho nila. Kumatok ako sa pinto ng bahay nila.
"Melinda?" sabi ko habang kumakatok. Bumukas naman ang pinto at niluwa si Melinda na nakasuot ng mahabang damit.
"Ano ba 'yang suot mo..." sabi ko mas niluwagan naman niya ang pinto. At hinila ako papasok.
"May sasabihin ako, Blessy huwag kang magulat." umupo ako sa harapan niya at pinagkrus ang paa.
"Ano ba ang sasabihin mo?" pinagpapawisan ito.
"Buntis ako." seryoso nitong sabi. Tumawa naman ako sa sinabi niya.
"Nice joke!" sabi ko at tumawa nakahawak pa ako sa tiyan ko. Napatigil lang ako ng hindi ito umimik.
"Teka?! Seryoso?!!" nasigawan ko tuloy siya. Sinabunutan niya ang sarili.
"Ang gaga ko talaga!!" mas sinabunutan pa niya ang sarili. Lumapit ako sa kanya at pinigilan ang kamay niya.
"Yung bata na nasa sinapupunan mo Melinda baka mapano." sabi ko. Kahit wala akong alam sa pagbubuntis. Wala pa naman akong anak kaya wala akong alam.
"Paano ba kasi si Ricky ang ama!" inis na sabi nito. Napatakip naman ako sa bibig.
"Tangina totoo?! Bakit? Paano?" sabi ko na natataranta.
"Oo nga! Pareho kaming lasing, nagkayayaan kasi, alam mo na.. matalik kong kaibigan so Ricky tapos... tapos ayun na.. tangina talaga! May girlfriend siya! Paano na 'to?! Hindi ko naman kayang ipalaglag ito! Ano ako baliw?!" hinilot niya ang kanyang ulo.
"Matatanggap niya kayo, Melinda. Sino ba kasi ang unang gumapang?" curious kong tanong. Inis naman itong tumingin sa akin.
"Hindi ko alam! Nabigla na lang ako pagkagising ko ay pareho kaming walang saplot tapos magkatabi pa kami. Hindi na ako birhen pagkagising ko, umiika pa ako sa paglalakad ng umalis ako sa bahay niya." alam kong babaero si Ricky. Noon pa lang. Akala ko nga si Angel ang makakatuluyan niya.
"Subukan mong sabihin sa kanya, Melinda. Dinadala mo ang anak niya kaya responsibilidad niyang alagaan kayong dalawa. Mahal mo ba?" tanong ko. Umismid naman ito sa akin na para bang nandidiri.
"Kadiri. Matalik ko lang siyang kaibigan, Blessy... alam kong nakikita mo kami noon na magkasama sa ekswelahan, may usap-usapan pa nga na magkasintahan kami. Hahay." bumuntong hininga ito. "Blessy, natanggap kasi ako sa trabaho na inapplyan ko sa Manila. Pwede bang ikaw ang pumalit sa akin? Huwag kang magalala sa makalawa pa naman dahil, wala ang may ari ng bahay bukas." sabi nito.
"Katulong ba?" tumango ito sa akin. "Sige i text mo lang sa akin ang address." tumango ulit ito sa akin.
"Salamat, Blessy.. hindi ko pa alam ang gagawin ko.." ilang oras kaming nagusapan tungkol sa dinadala niya at kay Ricky. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Ako naman ay umuwi ng bahay. Matagal ko ng hindi nalalagyan ng pera ang bank account ko. Wala naman kasi akong mailagay. Siguro nasa isang libo lang ang laman nun. Hindi ko nga rin mapalitan ang cellphone ko dahil walang pera.
Humiga ako sa kama at nagkumot. Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Number lang ang nakalagay. Sinagot ko ito.
"Hello?" sabi ko.
"I have a job offer to you." bungad niya. Kumunot naman ang noo ko. Anong job offer? Kilala niya ba ako?
"Pinagsasabi mo? Kilala ba kita?" tanong ko. Tumawa naman ito ng mala demonyo. Isa ba ito sa mga baliw dito sa mundo?
"Yes, bitch kilala mo ako. Kailangan mo ng pera di ba? Balita ko ay hindi ka nakapag tapos at nagpapaaral ka pa sa kapatid mo? I can pay you a huge amount of money." wala akong kakilala na ganito ang boses.
"Sino ka ba? Anong trabaho ang pinagsasabi mo?" tanong ko naman.
"No need to tell you. Simple lang naman..." rinig ko ang hininga niya. "You just have to do is to stop the wedding of Ryan Ferrer, your one and only first love.. don't ask me why. Just do it." matigas na sabi nito. Baka prank call ito.
"Prank ba 'to?" tanong ko.
"Bitch I'm dead serious! Just stop his wedding and the money will be yours. I can help you by transforming to a complete stranger to them."
"Ha? Gagamit ka ng mahika?" nahahawa na ako sa pagiging baliw ng kausap ko.
"Duh! Hindi ka ba marunong gumamit ng make-up? Oh silly me ofcourse you don't! I'll hire a professional make up artist.. para hindi ka nila makilala." siya nalang kaya gumawa?
"Hindi ako interesado, bye." huling sabi ko at pinatay ang tawag. Nilagay ko ang cellphone sa gilid ng kama.
"Akala ko si Ella ang pinaka baliw dito sa mundo, akalain mo nga naman may mas hihigit pa pala sa kanya." sabi ko sa hangin.
Inis ko naman kinuha ang cellphone ko ng bigla na naman itong nagring.
"Sinabing hindi ako interesado!" sigaw ko. Natahimik naman ako ng narinig ko ang hikbi sa kabilang linya.
"Ate... si Kokoy.." namilog ang mata ko at mabilis umupo sa kama.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romantik[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020