Pumarada ang kotse ni Ryan sa harap ng bahay nila. Nasa probinsya na kami. Dito kasi yung bahay ng mga magulang niya, hindi rin naman maiwan iwan ng mga magulang niya ang lugar na ito dahil nagmamayari sila ng ekta ektaryang rancho dito.
Si tita Amelia ang namamahala sa rancho, siguro ang namamahala sa kompanya nila ay ang ama ni Ryan kaya pa minsan-minsan ay wala siya dito sa probinsya. Having a successful company is tiring, pero sulit naman yung pagod.
"Sandali lang." lalabas na sana siya ng nagsalita ako. Kinuha ko sa dala-dala kong bag ang cellphone ko.
"Sino 'yan?" tanong ni Ryan sa tumatawag. Tumingin ako sandali sa kanya at nagkibitbalikat.
"Hindi naka register yung number sa phone ko." sabi ko. Sinagot ko ang tawag.
"Hello, who's this?" sagot ko sa kabilang linya.
Baka prank call ito o wrong number lang.
"Anak..." narinig kog sabi sa kabilang linya. Dali-dali ko namang pinatay ang tawag. Tumingin ako kay Ryan. Nakatingin din ito sa akin.
"Wrong number lang." pagsisinungaling ko.
Lumabas na kami ng kotse. Si Ryan ay nakahawak sa baywang ko.
Naguguluhan ako bakit tumawag si Mama, ilang taon na ang lumipas tapos ngayon pa niyang naisipang tawagan ako? Anong klaseng ina siya? I tried to call her phone number before, pero hindi naman nagriring.
We waited her for so long. Pero kahit ni anino hindi namin nakita, I doubt if she still misses her ex-husband, my father.
"Ryan.." kinakabahan kong sabi. Papasok na kami sa loob ng bahay nila.
Mas umaliwalas ang bahay nila, napupuno na din ang kanilang bahay ng mga picture frame. May nakita din akong isang picture ni Ryan na may hawak siyang diploma, malaki ang kanyang ngiti.
"Don't be nervous, babe." bulong ni Ryan. Humugot ako ng malalim na hininga at tsaka tumango.
May pinalapit si Ryan na isa sa mga kasambahay dito, namumukhaan ko ito, ito yung katulong na may binulong kay Ryan noon.
"Where's Mom and Dad?" tanong ni Ryan dito. Tumingin ito sa aming dalawa.
"Nasa kwarto po nila, sir." sagot niya. Tumango naman si Ryan.
"Can you call them?"
"Opo, sir.. pupuntahan ko lang po." lumakad na ito palayo sa amin.
Umupo kami ni Ryan sa sofa nila. Nakatingin lang ako sa sahig. Bahala na kung mapagsalitaan ako ng masama.
Lumabas naman si tita, na malaki ang ngiti. Sa likod nito ay ang ama ni Ryan. Wala itong ekspresyon na ipinapakita. Hindi pa talaga ako sanay sa pagkastrikto ng ama niya. Ganito talaga kapag mata pobre.
Tumayo kaming dalawa ni Ryan.
Ngayon kasi, kapag mahirap ka huhusagan ka nila kahit kumayod ka pa araw-araw may masasabi pa rin sila. Hindi nila alam kung anong hirap ang dinanas namin, habang sila minuto-minuto may perang nakukuha.
Isa din kami sa mahihirap na tao dito sa mundo kaya alam ko ang hirap na dinanas ng ibang tao para makaangat lang. Ang iba ay walang nagawa kundi magtrabaho sa ibang bansa para lang maitaguyod at mabuhay ang pamilya.
Lalo na kapag single mother ka, wala kang katulong sa buhay. Kailangan mong buhayin mag-isa ang anak mo. Naiirita ako sa mga lalaki na pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo dahil nabuntis ka. Mahirap maging single mother.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020