Pinarada ko na ang aking kotse sa labas ng eskwelahan ni Rhys. Susunduin ko siya dahil pupunta kami sa resthouse nina Yesha at Ivo. Busy din si Ryan dahil tinake over niya ang kompanya ni Dad, ama ni Ryan. Nagritero na siya sa pagiging modelo.
Si Rhys ang bunso naming anak, 11 years old na ito, si Kratos naman ay 17 years old. Dalawa ang anak namin.
Lumabas na ako sa kotse at pumasok sa ekswelahan. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga estudyante dito.
Nilabas ko ang aking cellphone at dinial ang numero ng anak ko.
Sumagot naman ito kaagad.
"Hi Mom, what's up?" bungad niya sa akin. Naglalakad na ako patungo sa classroom niya.
"Nasa school ako, nasan ka? Aalis tayo." sabi ko. Hindi ko alam kung tapos na ba ang klase nila. Eexcuse ko nalang siguro kapag may klase pa. Sinabi kasi ng asawa ko na kapag may klase pa, ipagpaliban muna niya.
"What?! Mom may class pa ako." reklamo nito.
"I-eexcuse kita sa teacher mo." sabi ko.
"But mom—"
"No buts honey, your dad will be mad." babala ko. Takot kasi sila sa ama nila. Ryan is strict to them.
"Okay fine." He frowned.
"I'm coming honey, ready your things." sabi ko.
"Alright bye Mom."
"Bye honey." sabi ko at pinatay ang tawag.
Lumakad pa ako dahil ang classroom niya ay nasa pinakadulo.
Nakita kong nakasandal si Rhys sa pader. Nakatingin ito sa relo. Napatingin naman ito sa direksyon ko kaya napangiti siya at lumapit din sa akin.
"Nakapagaalam na ako, Mom." humalik ito sa pisngi ko. Napangiti naman ako at ginulo ang buhok niya.
"That's good, let's go. Pupunta pa tayo sa bahay nina tito Ivo mo." tumango ito.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng eskwelahan nila.
Pumasok na kami sa kotse. Ako naman ay nagsimula ng mag drive.
Pagkapasok namin sa bahay ay bumungad sa amin si Ryan na nakahiga sa sofa. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.
"Ang hirap magpatakbo ng kompanya eh no." sabi ko. Nakita ko naman naglalakad si Kratos patungo sa hagdanan.
"Magbihis ka na, anak!" sigaw ko. Tumingin naman ito sa akin at tumango. Tuluyan na itong pumunta sa taas.
"Babe?" napatingin ako kay Ryan. Umupo na ito at kinusot ang mata niya. Umupo ako sa tabi niya.
"Pahalik." sabi nito at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Napailing na lamang ako.
"Nasaan ang anak mo Ryan?" pagtutukoy ko kay Kratos. Humikab ito.
"Nasa kwarto siguro. Kakadating ko lang dito, nakatulog ako kakahintay sa inyo." sabi nito. Humikab ulit ito at humiga sa hita ko.
"Okay ka lang babe?" tanong ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok niya.
"Yeah, pagod lang." malungkot naman akong ngumiti.
"Ako nalang kaya maghandle sa Sunday Glow, busy ka na sa kompanya niyo babe tapos may hinahandle ka pang isa, wala naman akong ibang ginagawa, matanda na ang mga anak natin." naaawa na kasi ako sa kanya. Palagi siyang puyat at pagod.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020