Mabuting may cr dito sa karenderya. Huhugasan ko muna ang mukha ko dahil may make-up pang natira. Baka magmukha akong clown. Yung wig naman na ginamit ko ay hindi ko na alam saan ko nailagay baka nasa ospital. Nakabihis na din ako ng ibang damit bago pumunta ng ospital.
Kinuha ko ang tissue na nasa gilid ng lababo at pinunasan ang mukha ko. Napadpad naman ang tingin ko sa leeg ko. Wala na ang kwintas!!
Hinila ko ng bahagya pababa ang damit ko at nakitang wala talaga doon ang kwintas.
"Hindi pwede mawala 'yun.." maluha-luha kong sabi.
Lumabas na ako ng cr at kinuha ang binili ko. Bumalik ako muli sa ospital. Hahanapin ko muna ang kwintas bago kami umuwi sa probinsya. Malapit lang naman kahit papaano.
Tinignan ko ang bawat daan sa ospital pero wala akong nakita.
"Lola, may hahanapin lang ako, mauna na kayong kumain." sabi ko. Tumango naman ito sa akin.
"Sige mag ingat ka, apo." saad ni lola. Nagpaalam na ako kay lola at linisan na ang ospital.
Sigurado akong nahulog 'yun malapit sa simbahan.
Nakasakay na ako ng tricycle. Kinagat-kagat ko ang daliri ko dahil sa kaba.
Doon ako bumaba sa punong inupuan ko kanina. Sinuyod ko ng mabuti ang bawat bahagi pero wala akong nakita.
Tinahak ko ang daan patungong simbahan. Nakatingin lang ako sa sahig.
"Nasaan na ba 'yun?" tanong ko sa sarili ko. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa nakaabot ako ng simbahan. Nilapitan ko ang gilid ng simabahan, doon ako nakatayo kanina, pero ng tignan ko ay wala.
Iilan na lang ang taong narito sa simbahan. Natigil ko talaga ang kasal.
Napatalon ako ng biglang may nagsalita.
"Are you looking for this?" nakangising tanong ni Zachary. Hawak-hawak niya ang kwintas. Namilog naman ang mata ko.
"Akin na 'yan.." mahinahon kong sabi at lumapit sa kanya. Mas lalo itong ngumisi at itinaas ang kwintas. Tumalon ako at sinubukang kunin sa kanya.
"Uh-uh... you ruined his wedding, Blessy.. do you think I'll give this back to you? Sorry, baby... I won't." sa halip na mainis ako ay mas lalo akong kinabahan dahil alam na ni Zachary.
"H-how did y-you know?" mahina ang boses ko. Ngumuso naman ito.
"Nakita kong nahulog mo ito.. ang talino mo, Blessy, pero hindi mo ako maiisahan.. siguro hindi sinabi ni Ryan na.. ako ang kumuha ng singsing na ito.. kaya alam ko Blessy.. Tinigil mo pa ang kasal. Ganyan ka na ba kadesperada?" napalunok ako sa tono ng boses niya. Ito ang unang pagkakataon na pinagsalitaan ako ng ganito ni Zachary. Alam kong hindi niya ito palalapasin.
"What if I am Zachary? Maswerte kayo dahil pinanganak kayong mayaman! Hindi niyo alam kung gaano kami naghihirap habang kayo ay nakahiga sa limpak na limpak na pera! I'm desperate!" sigaw ko sa kanya. Nagulat siya sa inasta ko, nagulat nga ako.
"Nothing will change, Blessy. Yes we were born with a golden spoon in our mouth, but it doesn't mean that we don't know the hardship you'd experienced, tapos tinigil mo pa ang kasal.." nagpipigil itong masigawan ako. Umiling ito na para bang hindi siya makapaniwala. Bumagsak naman ang luha ko.
"I'm sorry... tell me Zachary... alam kong hindi mo gusto si Ella para kay Ryan.." tumingin ito sa akin.
"Yes you're right, pero mali pa rin ang ginawa mo, Blessy." seryoso nitong sabi. Bumuntong hininga ito at lumapit sa akin. Humikbi na ako. Nakokonsensya ako. Niyakap ako ni Zachary.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020