TWI24

1.7K 44 7
                                    

Sinugod sa ospital ang kapatid ko kahapon. Alam naman ni Kokoy na may hika siya at bawal siyang kumain ng itlog dahil mag a-asthma attack siya. At ngayon hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ipinag bili ko na ang premyo para sa mga kailangan sa bahay. Kung kukunin ko naman ang halagang naiwan sa bank account ko ay sobrang liit naman.

Iniisip ko ring manghingi ng tulong sa mga kaibigan ko. Pero madadagdagan na naman ang utang ko sa kanila. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Pwede ng iuwi si Kokoy pero dapat munang magbayad sa ospital. Alam kong kung hindi namin mababayaran kaagad baka mas lumaki pa ng husto ang bill.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng ospital. Sa tingin ko ay bawal ang pagpunta dito. Wala namang karatula na nag sasaad na bawal pumunta dito.

Nakaupo lang ako sa bench at nakatingin sa mga bahay.

"Tanggapin ko kaya ang offer ng babaeng tumawag sa akin?" tanong ko sa hangin. Pinukpok ko naman ang ulo ko sa kabaliwang naisip. Alas nuwebe na ng umaga. Malapit na ang kasal ni Ryan, alas onse kasi magsisimula.

"Anong gagawin ko?" ginulo ko ang aking buhok. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Kapag papayag naman ako ay makokonsensya ako. Baka mapatay ako ni Ryan.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinitigan ang screen. Gagawin ko ba talaga? Dinial ko ang numero na tumawag sa akin kahapon.

"So you already made up your mind?" bungad nito sa akin. "May ilang oras pa naman bago ang kasal." tuloy nitong sabi.

"Papayag ako, tumupad ka lang sa usapan.. kailangan na kailangan ko ng pera." sabi ko. Tumawan naman ito sa kabilang linya na para bang nasasayahan siya.

"Perfect! Maghihintay sayo ang hinire kong make-up artist, I'll send you the address. And oh... I'll give you a little clue about me... isa rin ako sa pinaglaruan ni Ryan... he dumped me when you two got reconciled. That jerk!" inis na sigaw nito. Ang tinis ng boses niya.

"I ti-text ko lang sayo ang bank account ko, doon mo lang ilagay.." tumawa na naman siya.

"Sure.. goodluck bitch." sabi nito at binaba ang tawag. Sarap sabunutan ng babaeng 'yun ah!

Tumunog naman ang cellphone ko kaya tinignan ko naman ito ulit. May sinend siyang address, parang alam ko kung saan ito. Sinend ko rin sa kanya ang bank account ko. Baka mabaril ko talaga siya kapag hindi siya tumupad sa usapan.

Pagka dating ko sa lugar na binigay niya ay may nakita akong bading na nakatayo sa labas ng bahay. Hindi gaanong malaki ang bahay. Liblib din ang lugar na ito. Pinapasok niya ako at nagsimula ng mag make-up. Napanganga ako ng natapos na siya sa ginagawa niya. Hindi ko akalain na magagawa ng isang make-up ang ganito. Hindi talaga ako 'to!

Bilugan ang tunay kong mata, ngayon ay naging singkit. Ang ilong ko ay mas lalong tumangos na nagmumukha na akong taga ibang bansa. May pinasuot din siyang wig. Hanggang kili-kili ang haba nito. Ang natural kong buhok ay mahaba. Sabi niya bahala na daw ako kung paano ko ititigil. Sabi ko naman ay, sasabihin ko sa kanila na buntis ako, kaya pinasuot niya ako ng bistida.

11:18 AM na at nasa gilid ako ng simbahan. Rinig na rinig ko ang pari na nagsasalita. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Gagawi ko ba talaga 'to? Pwede pa namang umatras.

Hinawakan ko ang singsing na ibinigay ni Ryan noon. Ginawa ko itong kwentas dahil ayaw kong isipin ng iba na may fiancèe ako o asawa.

Bumuga ako ng malalim na hininga at nagipon ng lakas at kapal sa mukha. Lumapit ako sa pinto ng simbahan. Napatingin naman si father sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Lumunok muna ako.

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon