Hindi pa sumisink in sa utak ko ang nilagay niya. Gulat na gulat ako para tuloy akong nakakita ng multo. Singsing lang naman 'to pero ibang iba ang epekto dahil sa kanya nanggaling.
Hindi ko naman maitatanggi na mahal ko pa siya.
"What's the meaning of this?" sabi ko at hinawakan ang singsing. Tatanggalin ko sana ng nagsalita si Ryan para mapatigil ako sa pagtanggal.
"Subukan mo lang tanggalin yang singsing, hindi ako magdadalawang isip na halikan ka. Pwede naman tayo gumawa ng milagro dito dahil atin naman itong bahay at tayo lang dalawa ang nandito." namilog ang mata ko at lumunok. Hindi ko na ito hinawakan pang muli.
Alam kong isang halik lang ni Ryan ay bibigay na ako. Kaya mas mabuti pang iwasan kahit maaga pa.
"Psh... uuwi na tayo Ryan, napaka boring naman dito." sabi ko. Ngumisi naman ito, ngayon ko palang narealize na mali ang pagkakaintindi niya. "I mean ihatid mo na ako." pagtatama ko.
"Pwede namang dito tayo matulog ah." sabi niya, umirap naman ako at tumingin sa ibang direksyon.
Yung singsing na unang binigay niya sa akin ay nasa akin pa rin pero hindi ko na ito suot-suot.
"Hindi naman pala tayo naghiwalay, babe." tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Kasi hindi mo naman talaga sinabi na break na tayo. So tayo pa hanggang ngayon, fiancée pa rin kita, tutal naisuot ko naman ang bagong singsing sa daliri mo." napakatalino talaga ng lalaking 'to.
"Ay hindi ba, sige break na tayo." ngumiti ako sa kanya ng napakatamis.
"What?! Tell me you're joking, babe." sabi nito. Gusto kong matawa sa mukha niyang lukot na lukot.
"Hindi ako nagbibiro." pinanatili ko ang seryoso na mukha ko.
"No way! Tayong dalawa ang nagpapatakbo ng relasyon na ito, Blessy kaya hindi lang ikaw ang magdedesisyon dito. Tayong dalawa. At hindi ako makikipag break kahit kailan." madiing sabi nito sa panghuling salita.
"Bahala ka sa buhay mo gago." sabi ko at tumayo.
Lumabas ako ng bahay. Ngayon ko palang nakita na may hardin dito. Bakit may rose na naman? Pumunta ako sa gilid ng bahay, may swimming pool. Maganda yung swimming pool dahil malaki-laki. And design din nito ay maganda. Ang masasabi ko lang sa bahay na ito ay napakaganda.
Hindi na ako magtataka kung bakit napakaganda ng pool na ito.
Umupo ako sa gilid ng pool at hinubad ang heels na suot ko. Pagkatapos ay tinampisaw ang paa ko.
Tumingin ako sa kalangitan at pumikit.
"Babe.." rinig ko ang boses ni Ryan. Napamulat naman ako at akmang lilingon. Niyakap niya ako. Nakaupo na ito sa tabi ko.
"Ano ba Ryan sexual harassment na 'to." sabi ko at tinulak. Sa sobrang higpit ng yakap niya ay hindi ako nakawala.
"Stay still babe, let me hug you." sabi nito. Sumimangot naman ako at hinayaan siyan gawin ang gusto niya.
"Matagal pa ba 'yan Ryan?" tanong ko ng medyo tumagal ang pagkakayakap nito.
Nakahinga ako na ako ng mabuti ng bumitaw na ito sa pagkakayakap.
"Sorry dahil magisa ka lang hinarap ang mga problema mo, habang ako ay walang naaalala. You've been through a lot, and I'm sorry for not being there by your side." malungkot na sabi nito.
Mapait naman akong ngumiti sa kanya.
"There's no one at fault, Ryan. Makita lang kita noon ay okay na ako, nasa tabi ko naman ang pamilya ko noon kaya okay lang, kahit mabigat sa akin lahat. Hindi alam ni lola at Kokoy na ginahasa ako, tanging sa Mama lang pero okay lang ako, sanay naman ako." sabi ko.
Tumingin ako muli sa langit. Maaliwalas ang panahon ngayon.
"Kahit pilitin ko ang aking sarili na kalimutan ang nangyari ay hindi ko magawa, kaya nasanay na akong palaging naaalala ang nangyari. Ang huli kong gagawin ay ipakulong ang lalaking yun, ang kapal ng mukha niyang huminga at maging kasapi sa gobyerno tapos nanggagahasa siya. Ang sama ng ugali niya, sana nga lang hindi na maulit sa ibang babae ang ginawa niya sa akin. Masahol pa siya sa demonyo." bumuntong hininga ako.
"Makita ko lang hayop na yan mapapatay ko talaga siya." sumulyap ako kay Ryan, nakatingin ito sa malayo at namumula ang tainga. Galit na naman siya.
Umiling ako at tumingin muli sa langit.
"Huwag mong gawin 'yan, Ryan. Huwag mong dungisan ang kamay mo para lang sa taong mas masahol pa sa demonyo." ginalaw ko ang paa ko sa tubig.
"Ba't ang bait mo?" napatigil naman ako sa tanong niya.
"Likas sa tao ang maging mabait Ryan, kahit sino ay may kabaitang tinataglay." sagot ko sa tanong niya.
"Kaya mahal kita eh, napakaganda ng ugali mo." napatawa ako sa sinabi niya.
"Maganda rin naman mukha ko ah." sabi ko habang tumatawa.
"Nice shot." bulong ni Ryan. Napatingin naman ako sa kanya. May hawak-hawak ito na cellphone. Nakangiti itong nakatingin sa screen.
Kinuha ko naman ang cellphone niya at tinignan ang kanina niya pang nginingitian.
"Ano ba 'yan?! Para akong aso dito tignan mo ang laki ng bunganga ko! Sinabi mo sana na pipicturan mo ako!" umirap ako sa kanya at ibinalik ang cellphone.
"Hindi naman ah, ang ganda mo kaya." sabi niya at tinignan muli ang cellphone.
Maganda naman ako doon sa picture pero yung bunganga ko talaga.
"Ano gagawin jan? Ipapaframe mo?" biro ko sa kanya. Tumango naman ito kaya napakunot ang noo ko.
"Ipapaframe ko nga, tapos ilalagay ko 'to sa kwarto natin." seryosong sabi nito.
"Baliw ka na talaga, Ryan. Gawin mo kung anong gusto mo." sabi ko at nagiwas ng tingin.
"I'm planning to do it tomorrow, bukas ako magsasampa ng kaso." sabi ko at huminga ng malalim.
"I'll be by your side, from now on babe. Don't forget that." sabi nito. Napalingon ako sa kanya. Kumikislap ang mata nito kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romansa[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020