Pagkatapos kong isambit ang pangalan niya ay bumagsak ang ngiti nito. Ang mukha niya ay napalitan ng pagtataka. Dali-dali akong tumakbo patungong back stage. Hinahabol ko ang hininga ko.
Nanalo ako sa kantahan. Limang libong piso ang premyo. Tumatalon pa si Melinda at ang kapatid ko. Ako naman ay nakangiti lang. Hindi ko inasahan na makikita ko siya dito. At bakit nandito siya? Binibisita niya ba ang mga magulang niya? Siguro nahirapang nagpakilala ang magulang niya sa mga kaibagan niya. Mas mabuting hindi niya ako kilala.
Kung pupunta siya bukas sa reunion, tanging si Kaleb, Zachary at Ivo lang ang kilala niya. Baka banggitin ng iba ang nakaraan namin.
"Ate, nasaan pala si Kuya?" tintukoy niya si Christ. Nasa loob kami ng karenderya. Dadalhan nalang namin si lola ng ulam dahil hindi siya nakasama.
"Pupunta siya dito pero baka matagalan siya, may shoot eh." sabi ko at kinain ang pagkain na nasa kutsara. Tumango ito sa akin at ininom ang soft drink niya.
"Ang bigatin talaga ni Christ ih no? Bakit 'di mo sinagot?" tanong ni Melinda. Nakatingin ito sa akin. Nasa harapan ko siya si Kokoy naman ay nasa gilid namin.
"Hindi ko mahal." totoo naman.
"Kahit kaunti?" siguro meron.
"Well, mahal ko siya bilang kaibigan pero kapag sinabi mong mahal ko siya bilang lalaki ay hindi." ininom ko din ang soft drink ko.
"Hays... ang swerte mo talaga." sabi nito at bumuntong hininga.
"Psh... kumain ka na lang jan." sabi ko at umirap.
Pagkatapos namin kumain ay bumili pa ako ng pagkain para kay lola.
Nakasakay na kami ng tricycle.
"Diyan lang po manong." sabi ko habang nakaturo malapit sa bakuran namin. May sasakyan. Nandito ba si Christ?
Kumuha na ako ng barya at ibinigay kay manong. Nagsibabaan naman kami. Nagpaalam si Melinda na uuwi muna siya sa bahay nila. Kami naman ni Kokoy ay pumasok.
Tumingin si Christ pagkapasok namin sa bahay. Nasa harapan niya si lola.
"Baby.." tumayo ito at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.
"Christ.. akala ko matatagalan ka pa?" sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap. Hinawakan niya naman ang balikat ko at hinalikan sa noo.
"Maaga naming tinapos." tumango ako sa kanya. Hinila ko siya para makaupo. Lumapit ako kay lola at nagmano.
"Kumain ka na ba, Christ?" tumango ito sa akin.
Bumaling ako kay Kokoy.
"Ipaghanda mo ng makakain si Lola, Kokoy." sabi ko dito. Sinunod niya naman ang utos ko.
Hindi ko nalang sasabihin na nanalo ako nakakahiya naman.
Nagpaalam kami nina lola dahil pupunta kami sa bahay ng mga magulang ni Christ. Pinilit niya talaga ako.
Pinarada ni Christ ang kotse sa tapat ng bahay nila.
"Tayo na." sabi ko. Nagulat ito.
"Tayo na?" bwesit akala ko kung ano.
"Ang.. sabi .. ko, tayo na para makapasok na tayo sa bahay." napakamot naman ito sa batok.
"I thought.." mapait akong ngumiti sa kanya.
"Alam mo na kung bakit, Christ. Sorry." hinawakan ko ang kamay niya. Hinimas ko ito. Tumingin ito sa akin gamit ang malungkot na mata.
"Labas na tayo." sabi ko at lumabas ng kotse. Sumunod ito sa akin. Hinawakan niya ang baywang ko kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020