Prologue

9K 143 3
                                    

Breaking the Billionaire's Heart [Zach]
                   (Billionaire Series #1)
                                   ~
                   The Wedding Intruder [Ryan]
                   (Billionaire Series #2)
                                   ~
                      Taming Him [Kaleb]
                   (Billionaire Series #3)

WARNING: This story contains GRAMMATICAL, TYPOS and ERRORS. If you're looking for a story with a correct wording, grammar and spelling. This story is not for you.

DISCLAIMER: The characters and events depicted in this story are fictitious. Any similarity to any stories, actual persons, living or dead is purely coincidental.

~~~~~~
Prologue

"ITIGIL ANG KASAL!!!!!!" I shouted at the top of my lungs.

Napatingin sa aking kinaroroonan ang mga tao at nagsinghapan, ang iba naman ay nagbubulong-bulongan. Humarap sa akin ang bride at groom, kitang kita ko ang nagaapoy nitong mga mata na nakatingin sa akin. I'm sorry.

"WALANG KASALAN NA MAGAGANAP!!! I'M PREGNANT WITH YOUR CHILD RYAN FERRER!! PANAGUTAN MO 'TO!!" sigaw ko naman, kaya mo 'yan Blessy, kaya mo 'yan.

"WHAT THE FUCK?! ANONG BUNTIS?!" mura nito sa akin, nakita ko naman umiiyak ang bride niya na nasa tabi lang niya. Tumayo ang mga magulang ng bride at galit na nakatingin sa akin.

"Anong kahihiyan 'to Ryan?! Nakabuntis ka ng ibang babae habang ikakasal na kayo ng anak ko?!!" sigaw ng ina ng bride. Namutla naman si Ryan sa sinabi nito, parang iniwan siya mismo ng kaluluwa niya.

"Walang hiya ka!!" sigaw na naman ng bride at malakas na sinampal si Ryan, pati ako tuloy napatakip sa bibig dahil sa lakas ng sampal nito naumalingawngaw sa buong simbahan.

"L-love? w-walang katotohanan ang sinabi niya... m-maniwala ka sa akin.." pagsusumamo nito at hinawakan ang balikat ng bride, galit naman itong tinanggal ng babae at sinampal muli si Ryan napapikit na naman ako dahil mas lalong lumakas, nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Babe?! Buntis ako! Dinadala ko ang anak mo!! Gusto mo bang ipalaglag ko itong anak natin?! Huwag naman ganito babe!" sigaw ko habang hinihimas himas ang tiyan, tumingin si Ryan sa akin habang nakaigting ang panga. Mas lalong humagulhol ang babae sa sinabi ko.

"WHAT THE FUCK ARE YOU SAYING BITCH?!!!" galit na naman niyang sigaw habang pinipilit hawakan ang kamay ng bride niya, umiyak ako ng peke para mas madala sila sa acting ko.

"A-anong hindi m-mo a-ako kilala?... babe naman... nagaway lang tayo.. nagulat nalang a-ako ng nabalitaan n-na i-ikakasal ka n-na.. p-paano na ang anak n-natin?" mangiyak-ngiyak kong sambit. Tumakbo ang bride palabas ng simbahan habang umiiyak at binangga pa niya ako. Susundan sana ni Ryan ng may nagsalita.

"Let's call off the wedding, you failed me, Ryan." seryosong sabi ng may edad ng lalaki, siguro ama ito ng bride. Tumulo ang luha ni Ryan at kumuyom ang kamao nito halos pumutok ang ugat nito dahil sa galit na nararamdaman nito. Kailangan ko ng umalis dito, nagawa ko na.

Tumakbo na ako palayo sa simbahan para hindi ako masundan nila hanggang sa hindi ko na maaninag ang simbahan.

Umupo ako sa ilalim ng manggang puno at inilabas ang cherry mobile kong cellphone.

"Nagawa mo na ba?" bungad nito sa akin, bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Oo, natigil ang kasal." seryoso kong sabi. Narinig ko naman itong humahalkhak na parang demonyo.

"Good girl! I already sent the money, and don't forget to hide bitch, he will surely find you. Good luck!" huling sabi nito at binabaan ako ng tawag ng demonyo. Putragis talaga ng babaeng 'yun!

Inilagay ko muli ang cellphone ko sa sling bag. Hindi ko na mabilang kung pangilang beses ako bumuntong hininga. I never regret ruining his wedding.

Pumara ako ng tricycle, pumarada naman ito at pinasakay ako.

"Saan ka hija?" tanong ni manong sa akin.

"Divine Hospital lang po." sabi ko at tumingin sa labas. Nagsimula namang umandar ang tricycle.

"Nandito na tayo hija." sabi ni manong na nakatingin sa akin kinuha ko naman ang barya sa bag at binigay sa kanya.

"Salamat manong." huling sabi ko at bumaba sa tricycle. Pumasok na ako sa Hospital at tinungo ang recovery room.

Pumasok ako at lumingon naman si lola sa akin at ngumiti, nagmano ako dito at tumingin sa kapatid kong nakaratay sa higaan.

"Kumusta na po si Kokoy, lola?" tanong ko dito. Nasa 60's na si lola, siya ang ina ni mama. Naiwan kami ni Kokoy dahil nagasawa ito muli, si papa naman ay namatay dahil sa malubhang sakit. Kaya naiwan kami sa puder ng lola.

"Maayos-ayos na ang kalagayan Kokoy, apo subalit napaka laki ng bayarin natin sa hospital kaya hindi tayo makakaalis." mahinahong sabi ni lola, alam ko namang nagaalala din siya sa pangbayad sa hospital.

"Ako na po ang bahala lola..babayaran ko mamaya para makaalis na tayo." ngumiti ako kay lola.

"Saan mo nakuha ang perang iyan, apo? Nag apply ka na naman ng trabaho?" alam ko na kung saan ito patungo.

"May raket po ako kaya may pera." pagsisinungaling ko dito, ayaw kong malaman ni lola na may sinira akong kasal kapalit ng pambayad sa Hospital. Baka atakihin siya sa puso, mahina pa naman ang puso niya. Ayaw kong pati siya ay mawala sa amin.

"Nanghingi ka sana ng tulong sa ina mo, apo. Tutulungan ka niya dahil anak din naman niya si Kokoy." sabi nito, at hinawakan ang kamay ko, umuling naman ako.

"Iniwan na po kami ni inay, lola kung totoong mahal niya kami ay sana hindi siya nangaliwa." sabi ko dito na ikinabuntong hininga ni lola.

"Hindi ko talaga lubos maisip ang dahilan ng ina mo." sabi nito at tumingin kay Kokoy, malungkot naman akong ngumiti.

"Aalis muna ako lola, bibili po muna ako ng pagkain." pagpapaalam mo dito, iniangat niya naman ang tingin sa akin at tumango, hinalikan ko ang buhok ni lola at lumabas.

Lumakad-lakad pa ako para makahanap ng jeep. Punyetang mga jeep 'to oh nagmamadali pa naman ako. At sa wakas ay may jeep na paparating, pinara ko ito at sumakay. May katabi pa akong lalaking natutulog. Hindi ko lamang pinansin ulit ito, baka napuyat sa trabaho.

Kinuha ko ang pambayad ko at inilahad sa pasahero.

"Isang maganda lang po 'yang bente kuya!" sabi ko na ikinatawa ng ibang pasahero. Ibinalik sa akin ang pera kaya nagtatanong akong tumingin sa driver. Hindi naman peke ang pera ah!

"Libre lang sayo miss!" sabi ni kuyang driver sabay kindat sa akin, napangiwi naman ako ng lihim. Agad naman akong nakabawi at ngumisi sa kanya.

"Salamat kuya!" sabi ko dito at hinawi ang hibla ng buhok ko papuntang tainga. Nakita ko naman itong pumula ang mukha kaya mas lalo akong napangisi.

Bumaba na ako at pumunta sa isang karenderya nag order ako ng ginataan, adobo at paksiw. Umupo ako sa upuan na nakaharap sa kalsada.

Sorry talaga, Ryan.
Alam kong hindi mo ako mapapatawad.
disperada akong makakuha ng pera.

I'm sorry for leaving you, before.
And if in some distant place in the future we see each other in our new lives, I will still love you.

A/N: The next chapter will be their college days. Mas gaganda ang kwento kung magsisimula tayo sa college love story nila. And don't forget to follow me guys so you'll be aware on my upcoming stories.♥️

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon