Present
He's happy. And I'm hurting.
Nagmumukha na akong stalker sa kanilang dalawa. Walang araw na hindi ko nasisilayan siya. Mas mabuti ng ganito. Mas mabuti ng hindi niya ako maalala.
Years had past, maraming nagbago. He changed.
Naging mabuting kaibigan ko si Sabrina, nakakatawa mang isipin na may alitan kami noon pero naging matalik ko pa siyang kaibigan. Sabrina is an actress.
While me, I'm just a nobody.
I can't hide from his father's wrath. Sinisi niya ako sa pagkaka hulog ng sasakyan ni Ryan sa bangin.
Nasaktan ako ng pumunta ako sa ospital ng patago dahil alam kong kinamumuhian ako ng ama niya.
Ella was there. Laughing with his parents and also my love. He's laughing. While I'm crying at the corner.
He caressed the hair of Ella and kissed her. Parang binibiyak ang puso ko sa nakita ko. I can't breathe.
It's a torture.
Naalala ko pa noon na muntik akong nagpakamatay. Namatay na siguro ako ngayon kung hindi dumating si Christ. Binasted ko siya dahil alam kong wala talaga kaming pag-asa. Ayaw kong masaktan siya habang nasasaktan din ako.
Lumipat ako sa siyudad para ipagpatuloy ang trabaho ko. Nasa probinsya pa rin ang kapatid ko at si lola. Binibisita ko sila paminsan minsan.
"Hello? Earth to Blessy!" napatalon ako at tumingin kay Sabrina. Naka shades ito at naka hoodie.
"Aish... may iniisip ako." umirap ito sa akin. Abnormal talaga ang babaeng ito. Palaging may topak.
"Duh... si Ryan na naman." umismid ito sa akin. Sumimangot naman ako sa kanya.
"Pshh... wala ka bang shooting ngayon? Diba may bago kang palabas?" sabi ko. Tumingin ako sa paligid. Nasa loob kami ng café. 27 years old na ako. Magkaedad lang kami.
"Mamaya pa 'yun. Magpapa spa muna ako." sabi nito at tumingin sa mga koko.
"Edi magpaspa ka na dito muna ako." sabi ko at ininom ang iced coffee.
"Mamaya na! So... uuwi ka ba? Fiesta ngayon ah."
"Uuwi ako, may sasalihan akong patimpalak.. at tsaka may reunion din bukas, ikaw ba?" tinangal nito ang shades at kinusot ang mata. Wala itong suot na make-up.
"Shooting mamaya. I guess I'll be there tomorrow." tumango ako sa kanya.
"Siguraduhin mo 'yan ah.. bakit ba kasi nag artista ka?" sa totoo lang alam ko. Sabi niya ang ganda daw niya para hindi sumikat. Abnormal talaga.
"Sayang naman ang maganda kong mukha at katawan, tapos ang galing ko pa umacting..." mayabang na sabi nito. Umismid ako sa kanya at umiling.
"Ikaw na ang magaling, lumayas ka na nga dito, sisigaw talaga ako na nandito sa Sabrina Montero." umangat ang itaas na labi nito. Tumawa ako sa kanya. Sinuot na niya ang shades niya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ang pisngi ko.
"Aalis na ako baka sumigaw ka pa dito, ayaw kong magmukha kang baliw... goodbye, love ya!" lumakad na ito at kumaway, kinawayan ko rin siya pabalik.
Inubos ko na ang iced coffee na inilibre ni Sabrina. Hindi kami sabay na uuwi ni Angel dahil nagtatrabaho siya sa restaurant ni Kaleb. Madali itong nakapasok dahil kakilala namin ito. Pinilit ako ni Kaleb na magtrabaho sa kanya pero hindi ako pumayag, baka makita ako ni Ryan.
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020