Nandito pa rin ako sa laundry room. Kanina lang nakalabas si Ryan dito. Nagpaalam na ito dahil maliligo muna siya.
Napatalon pa ako ng biglang may pumasok dito. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.
"Blessy, may tumatawag sayo." sabi ni Chloe. Tumango ako sa kanya at tumayo.
"Salamat." sabi ko sa kanya. Ngumiti ito at ibinigay ang cellphone ko. Umalis na siya, ako naman ay bumalik sa upuan.
Tumatawag si Sabrina ano kaya ang kailangan nito. Sinagot ko na ang tawag at inilagay ang cellphone sa tainga ko.
"Hoy! ba't ang tagal mong sumagot?!" sigaw niya sa kabilang linya, nilayo ko ng kaunti sa tainga ko ang cellphone. Parang mababasag ang eardrum ko sa sigaw niya.
"Hoy gaga! may ginagawa ako no!" balik kong sigaw sa kanya. Hindi pa alam nina Sabrina at Angel na nagtatrabaho ako dito. Baka masabunutan talaga niya ako.
"Nasaan ka? Magkita tayo dali!!! may paguusapan tayong tatlo ni Angel." excited na sabi nito. Iba yung pakiramdam ko sa paguusapan namin. Nasanay na akong puro kabaliwan na lang ang pinaguusapan namin simula pa noon.
"Sa SM tayo magkita, malapit lang kasi." sabi ko.
Hindi ko muna sasabihin na nandito ako. Mas mabuting sa personal ko sabihin para maintindihan talaga nila.
"Hihintayin ka namin sa main entrance, dalian mo ha!" sigaw na naman nito.
"Wait lang may ginagawa pa ako! Mamaya na lang kaya. Makakahintay pa naman siguro 'yan." sabi ko.
"Hindi ngayon ka na pumunta. Nasaan ka ba? Pupuntahan ka namin." tanong na naman niya.
"Psh... 'wag ka na ngang magtanong." medyo naiinis kong sabi.
"Basta dalian mong pumunta dito, susunduin ko muna si Angel. Bye!" pinatayan na niya ako ng tawag.
Hindi pa ako tapos sa gagawin ko. Hindi ko rin alam kung papayagan ako ni Ryan.
Napagdesisyunan kong pumunta sa kwarto ni Ryan. Sana nga ay payagan niya ako. Kumatok ako sa pinto bago pumasok.
Nakaharap ito sa laptop at may suot na salamin.Napatingin ito sa direksyon ko. Hinilot niya muna ang kanyang sintido bago ngumiti sa akin.
Para siyang professor tapos ako yung estudyante na may crush sa kanya.
"Pwede bang lumabas? May kikitain sana ako." tumaas naman ang kaliwang kilay niya.
"Sino kikitain mo?" tanong nito.
"Kaibigan ko si Sabrina at Angel." huminga ito at tumango. "Kaso hindi pa ako tapos sa ginagawa ko, si Sabrina kasi minamadali ako." nahihiya kong sabi.
"It's okay, sina Pauline at Chloe na ang tatapos doon. Ngayon ka na ba kaagad aalis?" tanong nito. Tumango ako sa kanya.
Kinuha niya ang cellphone niya at may tinipa. Pagkatapos ay binalik niya muli sa lamesa.
Tinapik niya ang kanyang hita habang nakatingin sa akin. "Umupo ka nga dito." nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ba't naman ako uupo jan?" tanong ko sa kanya.
"Magusap tayo." mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Maguusap kami habang nakaupo ako sa hita niya?
"Naguusap na tayo, Ryan. Ang awkward kaya kapag umupo pa ako sa hita mo." sabi ko, umiling ito at tsaka tumayo. Nauna siyang umupo, bago ako pinaupo sa hita niya.
Nakaharap na ako sa kanya. Sabi ko na nga ba. Ang awkward kaya, anlapit ng mukha namin.
Nakasimangot akong nakatingin sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin. Ang dalawang kamay nito ay nakasupporta sa baywang ko para hindi ako mahulog.
Tinanggal niya ang suot na salamin at nilapag sa lamesa.
"Bakit ka naa-awkward? napakagwapo ko ba?" umirap ako sa sinabi niya.
"Alam mo... ang landi mo. Maguusap na nga lang sa hita pa ipapaupo." sabi ko at muling umirap. Habang tumatawa siya ay nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha.
Ansarap mamalagi dito, kapag ganito nga naman bubungad sa akin araw-araw.
"Masanay ka na, sa tuwing maguusap tayo sa hita ko dapat ka uupo." pinaikutan ko siya ng mata at tumingin sa ibang direksyon.
"Nanguutos ka pa talaga, and landi mo. Batukan kita jan."
Naramdaman ko naman na parang may bato akong naupuan. Napakurapkurap pa ako bago narealize kung ano ito. Napangisi si Ryan sa naging reaksyon ko.
"Puta, nagising yung dragon." napaubo ako at lumayo ng kaunti.
"Bitawan mo nga ako." sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Akala ko bibitawan na niya ako pero nagkamali ako mas diniinan pa niya ang pagkakahawak sa baywang ko.
Binitawan ko na lang ang kamay niya dahil alam kong wala talaga siyang balak bitawan ako.
"Ryan.. aalis pa ako." halos magmakaawa na ako sa kanya, umiling ito sa akin.
Baka may iba kaming magawa kapag nanatili pa ako dito. Delikado.
"3 minutes, promise. Ihahatid naman kita." nakasimangot nitong sabi. Bumuntong hininga naman ako at tumango.
"Ano? magtitigan lang ba tayo dito?" sabi ko ng napansing tumagal ang titig niya sa akin.
"Ang ganda mo." pabulong na sabi nito. Umiwas naman ako ng tingin at kinagat ang labi para mapigilang mapangiti.
"Alam ko na yan." sabi ko. Ang sarap tumingin sa kanya pero baka maging kamatis yung mukha ko sa pamumula.
Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa mukha niya. Malalim ang mata nito.
"Blessy... paano kung makaalala na ako. Tapos makikilala ko na yung babaeng napapaniginipan ko gabi-gabi." napalunok ako sa sinabi niya.
"Edi mabuti." mabuti naman talaga dahil maaalala na niya ako.
Napadpad naman ang tingin niya sa leeg ko. May dumi ba ako sa leeg? nakasalubong kasi ang kilay niya habang nakatingin sa leeg ko.
Halos mawalan ako ng hininga ng sinapo niya ang ulo niya. Napatayo ako at hinawakan ang balikat niya. Nagsisimula na akong magpanic.
Dumaing pa ito sa sakit na nadarama niya.
"Ryan?! dalhin kita sa ospital, nasaan ang susi ng kotse mo?!" ang bobo ko hindi naman ako marunong magmaneho. Umiling ako at kinuha ang cellphone.
"Tatawagan ko si Sabrina, manghihingi ako ng tulong." sabi ko at mabilis na tinipa ang cellphone. Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko.
"O-okay lang ako... k-kunin mo lang yung gamot na nasa drawer." tinuro niya and drawer malapit sa kama.
Kaagad ko naman hinalungkat ang drawer na tinuro niya. May nakita akong gamot doon. Mabuting may mineral water sa lamesa niya. Kinuha ko ito at dali-daling lumapit kay Ryan. Nagkuha ako ng isang gamot at binuksan ang takip ng tubig.
Nakabukas ang isang mata ni Ryan. Kinuha ko ang isang kamay niya at inilagay ang gamot. Tinulungan ko pa siyang ipasok ito sa bibig niya. Pagkatapos ay inilapit ko sa bibig niya ang tubig. Ininom niya naman ito kaagad.
Hinimas ko ang likuran niya, nakayuko lang ito.
"Ryan okay ka na ba?" nagaalala kong tanong. Tumango ito sa akin habang nakayuko.
Nabigla ako ng niyakap niya ako sa baywang. Nanginginig ang balikat niya.
"Ryan umiiyak ka ba? okay ka lang?" nababahala kong tanong.
Nakomperma kong umiiyak nga siya dahil nabasa yung damit ko. Kahit hindi ko alam bakit siya umiiyak ay niyakap ko siya pabalik.
"It was you.." huling sabi niya bago nawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/247057326-288-k861919.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)
Romance[R-18] This is a story about ruining the wedding of her first love. They were college sweethearts, and a lot of people envy how strong their relationship was, but why did they part ways? Date Written: November 12, 2020