A/N: Hey, Readers! I'd love to thank you all for 1.6K reads and 500+ Votes! To Thank you all for such an achievement, I'll be trying my best to update this Chapter and move on to the next chapter as soon as possible! I hope you'll like it! Here's a surprise Double Update for today as a thank you gift!
KARL
I SUDDENLY woke up when I heard someone talking. We were in the Toll Gate of NLEX, where the driver is talking to the personnel and paying the toll fee.
When I looked around, Lorraine is still sleeping in my shoulder. Pauleen is also sleeping in the shoulder of James.
Si Camille ganon din natutulog sa balikat ni Rafael. At ang dalawang nasa likod namin ay tulog na din. Pati na si James at Rafael.
Ang mga taong nasa harap namin maging ang Adviser namin at iba pa naming kaklase ay natutulog pa din, samantalang ako eto kakagising lang.
Sinubukan kong iusog yung ulo ni Lorraine na sinuotan ko na ng Travel Pillow na dala dala ko, but she won't budge kaya hinayaan ko na lang.
Nang nakabayad na si Kuya Driver ng Toll Fee ay kaagad itong nagmaneho ng tamang bilis lang para hindi na rin magising pa ang mga kasama naming napakahimbing ng tulog.
Napatingin si Kuya Driver sa rearview mirror at nakita niya kong gising na. "Oh gising kana pala, ang sweet niyong dalawa ng jowa mo ah." Pabirong sabi ni Kuya Driver.
Tumawa na lang din ako sa sinabi ni Kuya Driver. "Hindi ko po siya jowa, Kuya Driver. Inaantok lang po talaga siya kaya po siya natulog sa balikat ko." Paliwanag ko sa Driver namin.
"Ahh, ganon ba. Isa lang kasi ang masasabi ko, talagang bagay kayo ng katabi mo." Sabi ni Kuya Driver.
"Talaga ho? Pano niyo naman ho nasabi?" Nagtatakang tanong ko. "Ikaw si Karl Mendez hindi ba?" Tanong ni Kuya Driver.
"Ako nga po yon, ano naman pong meron sa pangalan ko?" Tanong ko kay Kuya Driver.
"Kanina habang tulog ka at tulog siya, binabanggit niya ang pangalan mo ng paulit ulit. Kaya naisip kong gusto ka nga talaga ng babaeng katabi mo." Natatawang sabi ni Kuya Driver.
"Baka ho naaalala niya lang ako kasi balikat ko ang tinutulugan niya." Paliwanag ko kay Kuya Driver.
"Siguro, pero hindi tayo sigurado. Naalala ko kasi noon, ang asawa ko at ako unang nagkakilala sa isang bus. Ganto rin ang nangyari noon," Sabi ni Kuya Driver.
Patango tango lang ako sa sinasabi niya. "Nakatulog siya sa balikat ko at kinalaunan nakatulog din ako. Nang magising ako, kinausap ako ng Driver at sinabi niya na sinasabi daw ng Babaeng katabi ko ang pangalan ko." Dagdag na sabi ni Kuyang Driver.
"Ganon po pala, pero pano po kaya niya nalaman ang pangalan ninyo?" Nagtatakang tanong ko. "Tungkol don, nakita niya daw ako sa listahan ng mga applicants sa Kompanya nila." He said.
YOU ARE READING
The Mysteries Of Ramaca University
Misteri / ThrillerRamaca University was once a peaceful place/school until... Mysterious Deaths, Mysterious Killings, Murders, Missing Persons. Then a group of people appeared. The AFCS Club. Join Karl Mendez & the AFCS Club as they divulge the threads of mysteries...