A/N: Welcome to Part II of Reminiscence of Jams Reed, I hope you'll enjoy this part, let's get into it! Sorry for the past few weeks I didn't update, I was resting for a long time, but now I will try to update as soon as I can. Thank you.
James
February 29, 2017 (Leap Year)
I WAS very excited for this day, because this day only comes once every 3 years! I couldn't hold myself to not leave the house on this day. It might seem to be an ordinary day to some, but this is probably the day I like the most!
Sa araw na ito rin kasi namatay ang Lolo ko, namatay siya sa edad na 92 dahil inatake siya sa puso. Napakabait niyang Lolo sa amin at ako ang pinakapaborito niya, dahilan para mainggit ang mga kapatid ko sa akin.
Nung mga panahong yon, napakasaya namin ng Lolo ko at dahil nga bata ako non ay madami akong bagay na nasabi tulad ng "Wag mo akong iiwan Lolo ah" sabay ngingiti ako sa kanya. Ngumingiti lang siya pabalik sakin nung sinabi ko yon.
Pati nung araw na namatay ang Lolo ko hindi ko talaga alam kung ano dapat nararamdaman ko non. Isang bagay lang ang naging clear sa utak ko matapos ang insidenteng yon.
Sumakabilang buhay na ang Lolo ko.
Masakit man para sakin ang tanggapin yun, pero yun ang katotohanang kahit na kailan ay di mapapalitan. Lahat ng tao ay may oras kung kailan sila sasa kabilang buhay, at hindi natin alam kung kailan iyon.
Pero dahil alam nating mangyayari din yon, ay maging masaya at gumawa na tayo ng mararaming memoryang hindi makakalimutan sa buong buhay natin.
"Kaya pala nung last year di ka sumama nung 28 binisita niyo yung puntod ng Lolo niyo?" Tanong ni Raf. Tumango ako sa kanya at sumagot ng Oo. Last year nung field trip namin nung February 28 ay di ako sumama dahil bibisitahin namin ang Lolo ko.
Pinilit ako ng mga magulang kong sumama kaso, di sila nagwagi at umayaw pa din ako. Ayaw ko kasing hindi bisitahin ang Lolo ko sa araw na iyon. Pag sumama kasi ako, wala na akong oras para bisitahin ang Lolo ko sa Valenzuela Memorial Park.
Sabihin na nating bukas pa ang Memorial Park kahit gabi, pero masyado na akong pagod non pagkauwi kaya wala ring saysay kung bukas sila ng gabi.
At ayun ang pinakaunang Field trip naming di ko sinalihan. At tsaka yung mga Field Trip na yan parang binibigyan lang kayo ng dahilan para sumama.
I know for a fact na magaganda ang mga lugar na pinupuntahan sa Field trip pati mga scenery and mga events na nandoon sa lugar na yon pero ang pinaka nakakapanghikayat sa lahat ay ang mga incentives ng Teachers.
YOU ARE READING
The Mysteries Of Ramaca University
Misterio / SuspensoRamaca University was once a peaceful place/school until... Mysterious Deaths, Mysterious Killings, Murders, Missing Persons. Then a group of people appeared. The AFCS Club. Join Karl Mendez & the AFCS Club as they divulge the threads of mysteries...