STELLA'S POV.
I was about to lie down in bed when I heard a noise outside so I opened the window and saw the dragon, wow..iba iba yung kulay ng balay niya, is there something like that? do you want to know my reaction? of course I was surprised and impressed by the color and she even has a crown, wah! ang galing!
"Kahanga hanga sya tignan noh?"tanong ng babae na nasa aking likuran at nilingon ko sya at si bwesit ba't nandito si Zoe?
"Oo kahanga hanga nga sya pero super ingay nya!" pagrereklamo ni Polaris na ngayo'y nakahiga na sa aking kama..
"Oo nga,hindi nga ako nakatulog ang ingay nya, " dagdag ni Zephanie.
"Siguro may panganib atang paparating, "
"Baka nakakita sya ng manananggal stella kaya sya nag ingay, "sabi naman ni Polaris, nagpapatawa ba siya?
"Tanungin nalang kaya natin yang dragon.."sabi naman ni Zephanie, tama nga naman ba't di ko yun na isip?
"Bakit?may sumasagot ba na dragon?" tanong ni Zoe at si Polaris naman ay nagpupumigil sa pagtawa.. what's funny Polaris?
"base on my research,merong nagsasalitang dragon sa movie, " sagot naman ni Polaris at natahimik naman kami...
"Basta tanungin nalang natin ang dragon.."
"Alright, kayo bahala. "
"Malaking dragon!bumaba ka muna at kami ay may katanungan lamang, "sabi ko sa dragon, alam kong nakakatawa.
"Ano ang meron?ba't ka nag iingay?may problema ba?" sunod sunod na tanong ni Zephanie at yumuko ang dragon.
"Ako'y humihingi ng paumanhin ,ako'y nag iingay dahil may paparating na kasamaan may paparating na naman na digmaan, "sagot ng dragon, si Zoe at Polaris naman at nakatulala at nakanganga sa likuran namin ni Zephanie at di kalaunan nahimatay ang mga ito...what the~
"Ano ang iyong pangalan?"tanong ko, nakakamangha siya.
"Ang aking pangalan ay Sophia" sagot naman nito.
"Sophia,may magagawa ba kami upang kalabanin ang mga kasamaan?" tanong ni Zoe, ahy gising na pala ang dalawa..
"At pano namin makakalaban ang kasamaan kung wala kaming kapangyarihan o sandata na aming gagamitin?" tanong ko..
"Oo nga sophia,pero ang unfair kami lang apat ang naririto may makakasama ba kami para tapusin ang digmaan?" tanong din ni Zephanie.
"Oo nga Sophia..at siguradong machugi kami agad pag wala kaming kapangayarihan o sandata,at mga kasamahan," dagdag pa ni Polaris..
"May magagawa pa kayo,maglakbay kayo patungong Temphony at hihingi kayo ng punong bunga sa mga maliliit na nilalang na nagbabantay doon.."sagot naman ni Sophia na ang dragon.
"Temphony!?"
"Oo"
"Eh di namin alam kung saan yan, "
"Sundan nyo lang ang bituin na yan" sabi nya sabay turo sa kulay asul na bituin.
"eh kailan kami maglalakbay?"
"Bukas ng umaga"
"Bakit bukas?di ba pwedeng sa next week nalang?" sunod sunod na tanong ni Polaris, may something ba siya sa utak?
"Hindi nyo pwedeng patagalin pa to,dahil paparating na sila" sagot ng dragon sabay alis...
"Grabe may misyon na agad tayo noh?"
"Oo nga"
"Pwedeng ngayon nalang tayo maglakbay?para naman magkaroon na agad tayo ng powers, geh na mag impake na tayo, "-agad na sabi ni Polaris, wow exited sya ah, sige na nga wala na akong magawa kasi ang tatlo lumabas na sa kwarto ko siguro mag handa na sila para sa paglalakbay namin ngayon...ganito pala pag nandito ka sa kaharian na to may misyon agad?
~~~~~
"Kailan tayo makipagdigmaan sa taga Albenya?"
"Maghintay kalang ,bibigyan muna natin sila ng panahon para mabuhay"
"Ang corny mo ba't di nalang bukas ang digmaan?"
"Oo nga,may natitira ka pa palang kabaitan dyan?"
"Tumahimik nga kayo!"
~~~~~~
Lumabas na ako ng kwarto dahil tapos na akong mag impake at nandito na pala ang mga kasamahan ko wow...ang bilis ah...
"Tara na! aakyat na tayo sa bundok , "
"Hoy!sa kapatagan lang tayo maglalakbay hindi sa Mt.Everest, " sabi naman nitong si Zoe..kahit kailan talaga kulang silang dalawa sa pag iisip.
"Labas na tayo "
"Nakalock na ba yung mga pintuan dito?"
"Yes!" sagot nilang tatlo.
Paglalakbay..
YOU ARE READING
The Kingdom of Albenya (Albenya Vs. Dark Monson) [COMPLETED]
Fantasy(Completed) (Still editing!)