Chapter 3

132 14 0
                                    

ZOE'S POV.

Malayo na ang aming narating kaya nga napapagod na ako eh di ko na talaga kaya, exited pa naman ako kanina, tapos ang lamig lamig pa hindi ko nadala ang Jacket ko.

"Guys?" tawag ko sa kanilang habang nag Zombie walk.

"bakit?"sabay sagot nila.

"Pahinga muna tayo kakapagod eh, "sabi ko sa kanila, at yun umupo na kami sa ugat ng puno..kanina ko pa inisip kung tawagin ko kaya si Sophia para sya nalang maghatid sa amin sa temphony..

"Guys?may naisip ako para makarating tayo agad sa temphony na sinasabi ni Sophia, "sabi ko at sabay naman silang tumingin sa akin.

"eh ano?"sabay sagot nila habang nakakunot ang mga noo, pagod nga talaga sila.

"Ako bahala" sabi ko sabay tumayo.

"Sophia!?lumabas ka!" tawag ko sa dragon at yun nakarinig agad kami ng napakalakas na ingay na para bang ang dami nila dyos ko...baka ito na ata ang kalaban namin, nagtago kami sa likod ng malaking puno at pinigilang hindi mag ingay, ramdam namin na papalapit na sila sa amin...

"Lumabas na kayo dyan, "sabi ng lalaking dragon siguro yan at di parin kami gumalaw at natigilan nalang kami ng biglang nagpakita si Polaris sa mga dragon talaga yan eh ..

"Napakagandang binibini,halika at sumakay ka sa aking likuran at dadalhin kita sa pupuntahan nyo..."sabi nung dragon, lumabas nalang din kaming tatlo at nakita ang malalaking dragon at si Polaris ay nasa likuran na ng nakaarmur na dragon, astig!

"Guys, sumakay na kayo!" ani pa ni Polaris na ngayo'y nakipag usap na sa dragon what the~ ....seryoso?

"Ikaw,binibini halika at sumakay sa aking likuran.."sabi ng dragon na kulay green at may sungay na parang sanga ng puno at lumapit naman si Stella,

"wala bang tinik yang likuran mo?baka mapano pa pwet ko nyan, "

"wala binibini,kaya sumakay ka na, " sagot ng dragon at sumakay na si Stella.

"Binibini?sumakay ka sa aking likuran, "sabi ng kulay asul na dragon kay Zephanie,at tumango naman si Zephanie at sumakay, napatingin ako sa huling dragon at kinabahan nalang ako baka dyan ako sasakay sa kanya dyos ko, siguro luto na ako nyan, eh pano ba kasi nag aapoy sya Huhu!

"Binibini,halika sumakay kana sa aking likuran..at wag kang matakot hindi ka masusunog, "sabi nya at tumango nalang ako at sumakay, masusunog na ang pwet ko nito, white turn to black huhu...nakasakay na ako sa likuran nya wala akong nararamdaman hindi naman mainit wahh astig nito...at hindi pa kami nakakapit sa likuran ng mga dragon bigla nalang itong lumipad at yun muntikan na kaming mahulog .

"Grabi ang astig nito!" sigaw ni Zephanie,

"Uwuu!"

"Guys, lumipad na tayo!"sigaw naman ni Polaris, tumango lang ako at bigla nalang nagsasalita ang mga dragon.

"Ang mga makakasama nyo ay napalibutan na ng kalaban kaya kailangan natin silang pasakayin, " sabay sabi ng mga dragon at tumango lang kaming apat pababa na kami at yun may mga kalaban nga na nakapalibot sa mga .....lalaki!? at agad ko namang inabot ang kamay ng isang lalaki at ipinasakay siya, nasa likuran ko na sya.

"Thank you.. " pagpapasalamat nya at tumango lang ako...wait di ba sya na tatakot sa dragon na nagliliyab?

Tumigil muna sa paglipad ang dragon ko at tinignan namin sila kung pano nila kukunin ang iba pang kasamahan ng lalaking to...ang dragon na nakaarmur at si Polaris ay papatungo na roon at bigla nalang hinila ni Polaris ang dalawang lalaki at ipinasakay, sumunod naman sila Zephanie hinila nya rin ang dalawang lalaki at ganon na rin si stella, oh my hoshi...kaya nilang buhatin ang dalawa eh sakin isa lang nahila...luh?di ako nainform sabagay pito lang naman sila.

"Nasa temphony na tayo " sabay na sabi ng dragon at ang mga lalaki ay tumalon lang sila pero di naman kasi mataas eh, kaya tumalon na lang din kami, wow ah maarte yata ang mga dragon ayaw yayapak sa lupa..

.. lumapit kami dun sa punong kahoy at may lumabas na maliit na nilalang at tumango sya at tinuro ang mga bunga, luh? di nya pa kami pinasalita at pumayag na agad, siguro alam na nya ang pakay namin dito, kumuha na kami isa isa at kinain ito, wala naman akong nararamdaman pero sige, baka next week pa eepekto to...

.. sumakay na ulit kami sa dragon na walang nagsasalita..bwesit ang behave naman, lumipad ng mabilis ang dragon halos madala nalang kami sa hangin, kalaunan nandito na kami sa Albenya...Ho!kapagod  bumaba na kami lahat at ganon pa rin ginawa namin tumalon parin naman ..ba't ayaw nilang yumapak? ang arte nga naman, paalis na sana ang mga dragon ngunit pinigilan ito ni Polaris.

"Sandali lang!" pagpigil ni polaris sa dragon at lumapit sya sa dragon na nakaarmur...

"Bakit binibini?" tanong ng dragon na nakaarmur..

"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" tanong ni Polaris.

"Ako si Airagon" pagsagot nya wow..,nasa movie yan ah?yung bida dun si eragon tapos yung pangalan ng dragon nya ay sophia ba yun ? Wow astig...

"Napakagandang pangalan,maari ko din bang malaman ang mga pangalan nyong tatlo?"tanong ulit ni Polaris.

"Ako si Naturebles" wow astig ng nakagreen ahh tama nga eh nature wew...

"Ako si Wavelon" pakilala ng nakablue na dragon wew...wave yarn?

"Ako si Firelet" wew..kaya nga nag apoy sya kasi fire duh.

"Kay ganda ng pangalan mo Firelet, "giit  ko.

"Mas maganda ang pangalan ni Wavelon, "ani naman ni Zephanie.

"kay Naturebles ang maganda, " dagdag naman ni Stella,

"Tumigil na nga kayo,parehong magaganda ang mga pangalan nila, " sabi naman ni Polaris habang yakap si Airagon...hayst feeling close talaga sya at hindi kami nag patalo niyakap din namin ang dragon namin.

"Kailangan na naming umalis mga binibini," sabay nasabi ng dragon, tumalikod na kami at nandito pala ang mga boys nakalimutan nga naman, nilagpasan na namin sila at yun sumunod din naman sila.

The Kingdom of Albenya (Albenya Vs. Dark Monson) [COMPLETED]Where stories live. Discover now