Chapter 7

88 11 2
                                    

JUSTIN FLEO'S POV.

Nandito kami sa labas ng palasyo hinanda na namin ang aming gagamitin para sa digmaan.Yung isa naming kasama na si Polaris umalis na raw, ewan ko sa babaeng yun ,basta pag nakikita ko sya bigla nalang tataas yung dugo ko hayst ..

"Awps..talaga ba?" biglang tanong ni Clifford ...bwesit nakalimutan ko mind reader pala to.

"Oo bakit?"sagot ko sabay tanong sa kanya..

"Wala lang, "

"Justin,halika nga dito, "

"Bakit?"

"Buhatin mo nga to ,ang bigat eh, " sagot ni Carl..at lumapit naman ako sa kanila at binuhat ang malaking bato.

"Justin,pwedeng itayo mo to?" tanong ni Zoe kaya agad naman akong lumapit dun at binuhat ang malaking bakal na nakatagilid at pinatayo ko syempre.

"Justin,last na to ilagay mo nga tong malaking bato dun oh, iharang mo dun, " sabi naman ni Ace sabay turo sa kung saan ko ilalagay ang malaking bato na to...ginawa ko naman kasi ako lang naman malakas dito eh.,kaya no choice diba?pero kaso nakakapagod lang grabe.

Nagpapahinga muna ako dito sa gilid habang sila ay busy sa kakatrabaho,nakakapagod kaya magbuhat ng mabibigat na bagay...maya maya pa ay may nararamdaman akong kakaiba parang may tao sa likuran ko pero di ko alam kung tao ba talaga to or ewan, dahan dahan akong tumayo sa aking kina uupuan at dahan dahan ko ring nilingon ang aking likuran, may nakita akong dalawang malalaking halimaw pero di naman nila ako sinasaktan...nagtitigan lang kami rito parang gutom lang ata sila kaya hinawakan ko ang kanilang mga mukha at pinasunod sa akin..

"Justin!ano ba ang mga yan?"

"Halimaw ba sila?!"

"Saan mo yan nakita!?"

"Nangangagat ba yan?" tanong ni Stella..pero parang di naman siguro.

"Mamaya ko nalang sasagutin ang mga katanungan nyo, papakainin ko muna sila ..mukhang gutom eh, " sagot ko sa kanila at pumasok sa loob para kukuha ng mga pagkain, pagkatapos kong kumuha lumabas na ako, nakita kong pinalibutan nila ang dalawang halimaw habang nakaupo ang mga ito.

"Justin!ba't ang tagal mo!?"

"Pake mo!" sagot ko sa kanya at natawa naman sya, baliw talaga,

"Oh,ito na mga halimaw,yan kumain na kayo, " sabi ko sabay lapag sa mga pagkain sa kanilang harapan, umupo na ako at pinanuod silang kumain..habang ang aking mga kasama ay bumalik na sa trabaho,

"Mga kaibigan,ano ang inyong mga pangalan?at san kayo galing?ba't kayo na padpad dito?" sunod sunod kong tanong .

"Ako si Diel Black" pakilala ng itim na halimaw,

"Ako si Kim Jayze Pitch"pakilala  ng nakabrown na halimaw, grabe, family color ba sila?

"Kami ay galing sa kagubatan ng fluesca,at napadpad kami dito dahil niligaw kami ng mga taga dark monson, may mga kasamahan pa kami dun sa Fluesca, "paliwanag pa ni Diel.

"Oo,niligaw nila kami dahil ayaw nila na malaman pa sa ibang kasamahan namin na sa susunod na araw na ang digmaan ..at kaya magsipaghanda na kayo kahit maaga pa...ang mga taga fluesca ay walang kaalam alam tungkol dito, kaya madali silang mawasaklahat may mga kaibigan kami roon at gusto naming bumalik pero di na namin alam ang daan pa pauwi..." dagdag naman ni Jayze.

"Sinumpa kami ni Leo,kaya naging ganito ang aming itsura, " buhay pa si Leo? paano siya nabuhay? paglingon ko sa dalawang halimaw agad bumangad sakin ang mukha ni Jazz kaya nagulat ako, bwesit naman ang bilis makakilos nitong si Jazz, kanina nasalikuran lang sya ni Clifford tapos pag lingon ko nasa harapan na?

"Guys?magsilapit nga kayong lahat!dali!ang bagal nyo makakilos, "

"Bakit?" sabay nilang sagot habang papalapit na sa akin..

"Sa susunod na araw na daw ang digmaan kaya kailangan maghanda tayong lahat dapat lagi tayong alerto, okay?ihanda na rin natin ang ating mga hukbo at ihanda nyo na rin ang inyong mga sarili..." sabi ko sa kanila at napatango naman silang lahat.

"Pano na ang iba pang kaharian?"

"Bakit?"

"Kahit sa ibang kaharian ay may susugod na mga kalaban na taga dark monson,kaya ihati hati natin ang ating mga hukbo, "

" sige...hati hatiin natin ang ating hukbo, ngayon papatungo ako sa Ringstone sino sasama?"

"Ako,sasama ako sayo, Zephanie, "sagot ni Carl at tumango naman si Zephanie..

" sige maghanda na tayo, "

"Sa akin?sino sasama sa akin papatungo sa kagubatan ng Colonia?" tanong ni Stella

"Syempre ako, " sagot naman ni Ace, pft.

"Sino sasama sakin sa kabundukan ng mga taong ligaw?"tanong ni Zoe..

"Ako zoe, wala ng iba. " sagot ni Timothy, lalandi ba naman.

"Tapos tayo naman Clifford, pupunta tayo sa may labanan at tutulong lang tayo ganon lang, " giit naman ni Cyrus, kailangan ba talaga by partner?

"So,kaming apat ni Diel , jayze at jazz ang maiiwan dito sa albenya?" tanong ko at tumango naman si Cyrus at Clifford, umalis na rin ang iba at kasama ang kanilang dragon tanging kami, ay dito lang sa albenya.

The Kingdom of Albenya (Albenya Vs. Dark Monson) [COMPLETED]Where stories live. Discover now