Chapter 17

68 7 0
                                    

Finding the mirror in the forest of Fluesca...

STELLA'S POV.

Nandito na ako na kung saan ang sinabi ng lalaki dito sa kagubatan ng fluesca..at sabi ng lalaki ibinaon daw iyon sa lupa so,kailangan ko pang magbungkal? oo nga pala,  nakalimutan kong may kapangyarihan pala ako.

"Mga puno!magsigising kayo!" sigaw ko at agad namang nagsigalawan ang mga puno, lumabas na rin ang kanilang mga mata at bibig.

"Bakit?bakit mo kami ginising binibini?" tanong ng malaking puno.

"Maari nyo ba akong tulungan?" tanong ko at tumango naman silang lahat,

"Alam nyo ba kung saan ibinaon o tinago ang isang salamin!?" tanong ko sa kanila..

"Oo binibini" sagot ng puno..at buti naman di kayo nagsisinungaling,

"Kung ganon!bungkalin nyo at kunin ang salamin na inilagay sa isang malaking kahon at ibigay sa akin, gawin nyo na!" utos ko sa kanila at dahil ang mga ugat nila ay nasa ilalim ng lupa..syempre mabilis nila itong nakuha, ibinigay nila ito sa akin at agad ko namang binuksan ang malaking kahon at nakita ko ang salamin na nandun ang mukha ng pangit na babae at ngumiti ito sa akin ng nakakatakot.

"Sino ka!ba't mo kinuha ang salamin na to!" galit na sabi ng babaeng pangit na nasa salamin.

"Tawagin mo nalang akong stella at kinuha ko tong salamin nato para basagin!at wala ka ng magagawa dahil katapusan mo na to babaeng pangit!" pagkatapos kong sabihin yun ay hinampas hampas ko na ang  salamin,sa kahit saan.

"Hindi!"sigaw nya, hinampas ko parin ito hanggang sa tumigil na sya sa pagsigaw at ang salamin naman ay basag na basag na katulad ng mukha nya ang bilis lang pala gawin to, salamat naman dahil di mo ko pinapahirapan, kailangan ko ng bumalik sa Albenya...napansin kong may kulay na ang mga puno at mga bulaklak at super natuwa naman ako sa aking nakita pero hindi pa tapos ang misyon namin.

~~~~~

Sa karagatan ng mababangis na Halimaw...

ZEPHANIE'S POV.

Nandito na ako ..medyo kinakabahan ako sa misyon na to pero kailangan ko paring magpakatatag may narinig akong nakakakilabot na boses, at agad akong tumakbo patungong tubig,di ko inakalang malalim pala ito...nung lumusob na ako ay nag iba ang aking anyo naging isang sirena ako!isa na akong sirena, ang saya talaga nito!pero hindi muna ako magsaya sa ngayon dahil sabi delikado rito sana nga naman ,hindi delekado sa ilalim ng tubig, gosh! ang laki ng pating!

Narinig kong may tumawag sa akin, paglingon ko ay  may pangit na isang sirena bigla nya akong sinabunutan at kinagat nya ako sa balikat dahilan ng pagsigaw ko nangangagat rin pala sya? syempre di ako nagpapatalo kinagat ko rin sya at dahilan ng pagsigaw nya sinipa ko sya gamit ang aking buntot at saka ako kumalipas sa pag langoy pero sinundan nya pa rin ako kaya mas lalo ko pang binilisan sa paglangoy, hinanap ko na ang sinasabing malaking rebulto raw at agad ko namang nakita to..isang rebulto na may sungay at ito ay isang demonyo!nakita ko agad ang salamin na nakadikit sa rebultong pangdemonyo.

"Hi! Pogi!" paglandi ko sa lalaking nasa loob ng salamin kasing edad ko rin sya at syempre landiin ko muna to bago basagin.

"Hindi!" sigaw nya at sinipa sipa ko ang salamin gamit ang buntot ko, sinuntok suntok, binato ng bato syempre at ginawa ko yun ng paulit ulit..Basag na basag na ang salamin at napansin kung biglang nawala ang malaking rebulto at napahanga ako dahil bumalik na ang magandang kulay ng mga corals at kailangan ko ng bumalik sa Albenya.


~~~~~


Sa bibig ng bulkan...

ZOE'S POV.

Nandito nga ako sa bibig ng bulkan napakawierd kasi di man lang ako naiinitan at di rin ako nasusunog. Actually, pinasok ko talaga ang bulkan pero ang sabi nung lalaki sa bibig lang daw. Ahy, nadaanan ko lang pala, san yung ingot na salamin na yun?ah, yun na sya, may nagagalit yata ah.

"Hi! ang gwapo mo naman,may girlfriend ka na ba?"birong sabi ko..

"Anong pinagsasabi mong babae ka!" galit nitong sabi, galit agad?

"Wa'g mong gawin yan!"sigaw nito, pero patuloy pa rin ang pagsuntok ko sa salamin at nang na basag na ito bigla nalang akong nakaramdam ng hilo, parang sasabog ata ang bulkan, help me!aalis na ako dito bye!wait kailangan ko lang harangan to para di kakalat ang apoy!bwesit naman oh!pahamak naman ng lalaking yun ba't ba kasi kailangan pang sasabog ang bulkan pag nabasag ko ang salamin?wala man lang bang mag rescue sa akin dito?kabwesit naman oh!

~~~~~~

In Mt.Icewond....

TIMOTHY CLEO'S POV.

Nakarating na ako dito sa Mt.Icewond nagsnow pala dito?kaya nga tinawag na Icewond diba?pero ba't di ako nilalamig?syempre ice din powers ko eh,musta na kaya yung asawa ko dun sa bibig ng bulkan?asan na ba yung salamin na nabalutan ng yelo? Kailangan ko pang hanapin yun pero enjoy naman kasi parang hide and seek, paparating na ang gwapo, ayun! nakita ko na ang salamin na nabalutan ng yelo, kailangan ko pang basagin to. Infairness ang ganda niya pero mas maganda ang asawa ko.

Ibinato ko ang salamin sa matitigas na bagay pero di parin nabasag ang yelo, paulit ulit kung ibinato iyon hangang sa nabasag ang yelo...magsalita pa sana ang babae na nasa loob ng salamin ng aksedenteng nabato ko  ito kaya di sya nakapagsalita, sobrang dali lang ang ipinagawa nila sa akin. Babalik na ako sa Albenya may nagbago rito biglang natunaw ang mga yelo at dahilan ng pagkatuwa ko.

The Kingdom of Albenya (Albenya Vs. Dark Monson) [COMPLETED]Where stories live. Discover now