Chapter 15

66 8 0
                                    

AUTHOR'S POV.

Kaya di pa dumating ang taga Dark Monson dahil iniba nila ang kanilang plano at di nila ito pinaalam sa buong kaharian ng Albenya. Gusto nilang wasakin ang Albenya at papatayin ang lahat ng naninirahan doon, nagsama sama sila papuntang Albenya,pero sa albenya lang sila sumugod. Nandito na sila sa harapan ng Albenya at si Jazz lang ang may kakayahang lumaban sa mga ito dahil si Clifford ay isang Mind reader lang at ang dalawa nilang kasamang mga halimaw na si Diel at jayze ay sasabak sila sa labanan dahil sila ay sanay na sa pakikidigmaan, buti na nga lang na naging halimaw sila upang di sila mahalata na sila ay kakampi sa Albenya.

Si Airagon,Firelet,Naturebles at Wavelon ay nasa himpapawid nagmamasid at nakita nila ang Albenya na punong puno ng mga kalaban kaya agad silang nagtungo sa Ringstone,the forest of colonia,fluesca,at sa kabundukan ng mga taong ligaw at agad nilang ibinalita ito, dinala nila ang lahat ng kanilang mga kasamahan sa Albenya..at nawala wala na rin ang kaba ni Clifford, sya ay mind reader lamang.

"Polaris,buti nalang at nandito na kayo, " sabi naman ni Jazz at saka sya pumwesto...lumapit si Polaris kay Clifford,

"Clifford,try mong basahin ang isipan ng mga kalaban,upang malaman natin kung pano matatapos ang pakikidigma nila sa atin..at kung bakit nila iniba ang kanilang plano,di tuloy tayo nainform, " sabi pa ni Polaris,

"Oo nga di tayo nainform,selfish talaga sila, " sagot ni Clifford at tumango naman tong si Polaris saka bumalik sa kanyang pwesto..

"nagtataka ako kunt bakit di man lang nila kasama ang kanilang hari o kaya'y maging kanilang reyna? " dagdag pa ni Stella,

"Oo nga,ano kaya ang kanilang ibang plano?" tanong ni Zephanie.

"Oo nga, saan ang kanilang hari o reyna?"

"Yan ang dapat nating alamin, "

"Baka may hahanapin na naman tayo nyan, "

"Tama ka ,Carl..may hahanapin nga tayo"

"Ano naman ang ating hahanapin ?"

"The eleven mirrors,kailangan nating basagin yun at kailangan pa nating hanapin kung saan nakalagay ang mga iyon, " sagot naman ni Clifford.

"At ba't naman kailangan pang basagin?"

"Dahil sa loob ng mga salamin,ay diyan nakakulong ang kanilang mga reyna at hari,upang matigil na ang pakikidigma nila sa atin,kailangan nating basagin ang mga salamin na ito, kung hindi patuloy pa rin silang makipagdigma at wasakin ang buong kaharian...kaya kahit ngayon kikilos na tayo..." paliwanag ni Clifford at tumango naman ang sampu.

"Pano tayo makakakilos kung ang mga kalaban ay nandito na?"

"Pwede nating pagkatiwalaan ang mga taga fluesca o kaya'y ating mga iba pang kasamahan na sanay na sa pakikidigma..at tayong labing isa may kapangyarihan naman tayo diba?kaya tayo ang maghahanap ng mga salamin, " sagot naman ni Polaris, at napatango ang sampu..nilapitan na nila ang mga kasamahan nila at sinabihan nila na  sila muna ang mamumuno sa albenya habang sila ay maghahanap sa mga salamin at pumayag naman sila...ginamit nila ang kapangyarihan ni Justin naghawak hawak sila para maging invisible sila ng nasa likuran na sila ng mga kalaban ay agad silang sumakay sa  mga dragon, papatungo ngayon sila sa Dark Monson.Malaki ang tiwala nila sa mga kasamahan nila ...

Madami rin sila kaya alam nilang matatalo nila ang mga kalaban,ilang minuto nalang ang natitira..magstart na ang war, pumwesto na ang mga taga albenya at hawak na nila o hinanda na  nila ang kanilang mga sandata..ang iba ay nasa rooftop ang iba naman ay nasa baba lang maging handa sa lahat ng laban, di susuko at kailangang magpakatatag alang alang sa buong kaharian at sa kapayapaan. Ready to fight! Ang labanan ay kanila ng sisimulan.

Nagsisigawan na sila at tumakbo papatungo sa mga kalaban para lumaban,nagsasakripisyo sila ng buhay para lang sa kapayapaan ng buong kaharian,marami na ring napaslang na mga kalaban pero padami ito ng padami...ang Albenya na naman ay marami ng sugatan at may napaslang na din, kahit may sugat lumalaban pa rin ,sa kahit anong hapdi o sakit ang kanilang nararamdaman di pa rin sila sumusuko sa kahit anong laban,sila ay matapang,malakas at di nagpapatalo. Ang taga dark monson ay parami ng parami pero ang albenya ay tumayo pa rin sila kahit anong mangyari sa kanila,gagawin pa rin nila ang lahat para sa ikabubuti ng buong kaharian,kahit na ay ikakapahamak pa nila.

The Kingdom of Albenya (Albenya Vs. Dark Monson) [COMPLETED]Where stories live. Discover now