Chapter 3

876 52 0
                                    

AUTHOR'S POV.

Natigilan nalang ang matanda nang hindi pumunta ang magkakapatid doon sa kagubatan kaya naisipan nyang  puntahan nalang ang mga ito.At sigurado syang tinatakasan na naman sya ng mga ito,kumatok ang matanda sa pintuan ng bahay ni Cath at tamang tama naman at si Cath ang nagbukas ng pintuan at laking gulat nya ng makita ang matanda.

"Lola?! "gulat na sabi ni Cath.

"Oh bakit?bakit parang gulat na gulat ka ata.."tanong ng matanda.

"Uhm...lola ba't po kayo nandito?"tanong ni Cath..

"May itatanong ako sa inyo, " sabi ng matanda.

"Ano po yun lola?"tanong nito.

"Bakit ba di kayo bumalik doon sa kagubatan?."

"Ah..ahm..kasi.."

"Kasi ano?" tanong ng matanda.

"Hi Cath!!"bati ni Nath

"Lola!?" gulat na sabi ng tatlo

"Oo ako nga, " sabi ng matanda.

Matapos kausapin ng matanda umalis na sila at pumunta ng kagubatan para mag insayo ulit..Alam ng matanda na napapagod na ang mga prinsesa pero kailangan ito para maprotektahan nila ang kanilang mga sarili..Ilang oras na silang pinainsayo ng matanda at pagod na pagod na sila...mga ilang minuto pa tinawag na sila ng matanda at kinausap.

"Mga mahal na prinsesa,may sasabihin ako sa inyo.."sabi nya.

"Ano po yun lola?" tanong ni Cath.

"Kailangan na nating maghanda"sagot ng matanda,napakunot naman sila sa noo.

"Para saan?"tanong ni sophi.

"Para bumalik sa kaharian ng Albenya.."sagot ng matanda at nagulat naman sila pareho.

"Ano?!"

"Huh?!"

"What?!!"

"Bakit?!"

"Basta kailangan na nating bumalik sa kaharian ng Albenya, "pag ulit ng matanda.

"Ayoko nakakatakot siguro doon eh, "sabi ni Sophi.

"Kailangan nyong magpakatatag wag nyong isipin ang takot.."sabi ng matanda..

"Kailan po tayo aalis lola?" Takang tanong ni Cath sa matanda.

"Bukas na, "sagot nya..

"Ano?!may pasok pa kami nyan, "sabi ni Krish..

"Kailangan lang namin magpaalam sa aming mga magulang, "sabi ni Sophi.

"Oh sige,ngayong araw na ito,magpaalam na kayo sa mga magulang nyo at pagkatapos bumalik agad kayo rito para makapaghanda na tayo para bukas sige na umalis na kayo.." sabi ng matanda kaya nagsitayuan na sila.

"Opo.. "ikling sagot nila.

MIA CATHALINA'S POV.

"Nanay?may sasabihin sana ako sayo.." sabi  ko, ano nga yung sasabihin ko?

"Ano yun anak?"tanong nya, buntis ako, char.

"Magpapaalam lang sana ako sayo nay.."sagot ko at napakunot naman sya sa kanyang noo..

"Bakit saan ka pupunta?"tanong nya, sa puso niya.

"Nay,mag overnight lang kami.. "sagot ko, baka kasi pagsinabi kong sa kaharian baka matatawa siya.

"Ano?overnight ?nagpapatawa ka ba anak?"sunod sunod na tanong ni Nanay, bakit nay, nakakatawa ba?

"Hindi po nay,seryoso ako.."sabi ko,ayaw ba naman maniwala, mag overnight lang e, pero yung totoo hindi talaga.

The Kingdom of Albenya (Albenya Vs. Dark Monson) [COMPLETED]Where stories live. Discover now