Chapter 16

64 7 0
                                    

Paghahanap ng 11 Mirrors.

Nasa Dark Monson na sila Polaris,Zoe,Zephanie,Stella,Ace,Carl,Timothy,Cyrus,Justin,Jazz,at Clifford. Hinanap nila ang kasagutan na kung saan tinatago ang nga salamin..nilibot nila ang buong kaharian ng dark monson at nakita nila ang isang lalaking tinali sa ibabaw ng lamesa at marami itong sugat...nilapitan nila ito at tinanong.

"Saan nilagay ang mga salamin?" tanong agad ni Justin at lumingo lingo lang ang lalaki.

"Saan nilagay ang mga salamin!? "galit na sabi ni Cyrus pero di pa rin ito sumagot.

"Saan nga nilagay ang mga salamin? sabihin mo na para di ka masaktan!" pananakot ni Carl,pero di pa rin umubra.

"Pakiusap saan itinago? "

"Kailangan naming hanapin yun at wasakin!kaya sabihin mo na,bago pa ako magalit sayo!"pero di pa rin ito sumagot .

"Pakiusap sabihin mo na"

"Sige na"

"Sabihin mo na !bago pakita sunugin!" galit na sabi ni Zoe at hinanda ang apoy na ngayo'y nasa kanyang palad na at ibinaba ni stella ang kanyang kamay.

"Sabihin mo na,para ito sa kabubuti ng lahat!"

"Sige na,sabihin mo na..pagsinabi mo yun,itatakas ka namin rito"

"Kahit ano pa ang gagawin nyo sa akin di ko parin sasabihin dahil yun ang utos ng aming mga mahal na hari at reyna" hinang sabi ng lalaki.

"Pinapahirapan ka nga eh,tapos susundin mo pa ang mga utos nila? anong klaseng tao ka huh?wala ka bang utak!?pagsinabi mo kung saan itinago ang mga mirrors, maliligtas ka,at pagdi mo sinabi mawawala tayong lahat pati na rin ang pamilya mo,gusto mo ba yun?kaya sige na sabihin mo na tutulungan ka namin.." sabi ni Polaris at napatingin ang lalaki sa kanya at tumango ito...siguro payag na sya na sasabihin na nya, kung saan inilagay ang mga salamin.

"Mabuti naman, sabihin mo na kung saan inilagay at kami na bahalang humanap at ikaw, ipapahatid kita kay airagon at dadalhin sa Albenya at itago sa safe na lugar, " dagdag na sabi ni Polaris at tumango ulit ang lalaki at nagtinginan naman sila at tumango...

"Sa kagubatan ng fluesca nandun ang isang salamin na nakabaon sa lupa,at inilagay sa malaking kahon, " sabi ng lalaki at nagtinginan naman sila..

"Ako na ang bahala,tutungo na ako ngayon din, " sabi ni stella sabay alis ng dark monson.

"Sa~, sa karagatan ng mga mababangis na halimaw,sa ilalim ng tubig nandun ang isang salamin na nakadikit sa isang malaking rebulto,"

"Ako na ang pupunta dun," pagmamadali naman ni Zephanie sabay na naglaho.

"Ang isang salamin ay nasa bibig ng bulkan,at ito'y napaka delikado na lugar pagbinasag nyo ang salamin na naroon ay mawawasak ang bulkan at kakalat ang mga apoy, "

"Walang problema,ako na bahala" sabi naman ni Zoe.

"Mag ingat ka!" sabay na sabi nila at tumango lang si Zoe sabay alis.

"Sa Mt.Icewond nandun ang isang salamin na nabalutan ng yelo, " sabi naman nito at nagtinginan nalang sila...

"Ako nalang ,"ani ni timothy at tumango lang kami.

"Sa kabundukan pa rin dun sa kabundukan ng ringstone may napakalaking bato roon at sa loob nun ay isang salamin at kailangan ay biakin ang bato para mabasag nyo ang salimin, "

"Ako na bahala", sabi ni Justin at nawala nalang bigla.

"Sa kabundukan pa rin nakalagay ang isang salamin pero ito ay delekadong lugar dahil dun lagi tumama ang kidlat kahit na maganda ang panahon..sa kabundukan ng mga Calabian, "sabi pa nya at di man lang nagpaalam biglang nawala si Carl.

"Sa Kabundukan ng fluesca na kung saan banda ang liwanag ,sa isang kweba na nagliliwanag nandun sa loob ang isang salamin, " sabi nito at agad ding naglaho si ace,di din man lang nagpapaalam,

"Sa Cave of Calabian,na kung saan ang malakas na echo na nakakabingi, napakalakas ng tunog at siguradong paglabas nyo wala na kayong marinig nandun ang salamin na nakasabit sa bato.." sabi nya at agad naglaho si Cyrus,di na sila nagpaalam bakit kaya?

"Sa silid aklatan ni Haring Leo,nandun ang isang salamin..nasa isang malaking libro nandun buklatin mo yun at makikita mo ang isang salamin na hinahanap nyo,nasa tuktok ng kaharian na to ang silid aklatan nya, " ani ng lalaki at tumango si Clifford at agad naglaho.

"Sa karagatan ng mababangis na halimaw nandun parin ang isang salamin nasa liblib na lugar nakatago, " sabi nya at agad tumakbo ng mabilis si Jazz kaya nagkalat ang mga papel o kaya mga ewan..

"At panghuli nasa itaas ang isang salamin,pagnakuha mo yun at binasag mo,may kapalit yun at yun ang buhay mo, " sabi ng lalaki at nagulat naman si polaris,

"Saan banda na nakalagay ang isang salamin?" tanong ni tanong ni Polaris,

"Nasa timog na kung saan ang napakadelekadong lugar,nakalutang ito sa isang buhawi, sa tuktok ng buhawi,kaya mahihirapan kang kunin yun,dapat may kasama ka at di mo yun kayang mag isa..." sagot ng lalaki, tumango naman si polaris at tinanggal na nya ang nakatali sa lalaki, tinulungan nya itong makatayo at pinasakay kay airagon at sumakay na rin si Polaris, pinakiusapan ni Polaris si Airagon,Firelet,wavelon,at naturebles na samahan sya sa pagkuha at pagbasag ng salamin...at pumayag naman ang apat na dragon, hindi lang silang apat ngunit biglang dumating si Sophia at sya ay sasama na rin sa pagwasak ng salamin at sila ay handang magbuwis ng buhay para sa kapayapaan ng buong kaharian.

The Kingdom of Albenya (Albenya Vs. Dark Monson) [COMPLETED]Where stories live. Discover now